=THIRD PERSON POINT OF VIEW=
"It's time." Wika ng kanilang boss habang nakapwesto na sa nga destination ng kanyang mga tauhan, napangisi pa siya ng makita niya na palaging handa ang mga tao na nasa loob ng building dahil gising na gising ang mga ito.
"Alam niyo na ang laro natin, paramihan ng mapapatay, ang pinakakaunti siya ang manlilibre." Wika ng kanilang Prinsesa habang naiiling lang ng kanyang asawa.
"Nice."
"Exciting."
"Games."
Sabay-sabay nilang sagot na ikinatawa ng kanilang Prinsesa saka bigla siyang naging seryoso ng sumenyas na ang kanyang asawa na kailangan na nilang pasukin ang kuta ng gusto nilang pabagsakin dahil iba na ang ginagawa nila.
"You already know the rules." Huling wika ni Nylanyer bago ito sumunod sa kanyang asawa na ngayon ay malapit ng makapasok.
"Use your dagger, not your gun." Inis na wika ni Levin sa kanyang kasama dahil wala siyang nakita na silencer ang kanyang baril.
"Fine, just fucking focus to your businesses!" Sigaw din ng kanyang kasama.
"Hayst, just this time Mario, listen to me." Pagpipilit niya pero tiningnan lang siya ni Mario bago ito umalis sa kanilang pwesto para pasukin ang isang kwarto.
"That kiddos, really." Bulong niya pa sa kaniyang sarili bago ito sundan, silang dalawa ang magkasama dahil iyon ang hiningi ni Levin sa kanyang boss. Para mabantatan din niya ito dahil hindi pa masyadong maayos ang mga sugat nitong natamo.
»»»°«««
"Goddamn it! Do everything just to kill those bastard na naglakas ng loob na pasukin tayo!" Sigaw ng kanilang amo habang kitang-kita niya sa kanyang monitor ang mga nakablack na pumapataysa kanyang mga tauhan.
"Boss, nauubos na tayo, hindi namin kaya ang mga sumugod sa ating lungga, hindi sila ordinaryong tao lang dahil malakas sila." Nanginginig na wika naman ng isa niyang tauhan.
"Just do what I said!" Sigaw parin niya saka siya napayuko ng biglang may mapansin siyang tatama na bullets sa kanya.
"Bakit? Bakit sa lahat ng taong pwedeng gawin ang bagay na yun sa pamilya ko? Bakit ikaw pa?" Sumilip siya sa kanyang pinagtataguan ng marinig niya ang pamilyar na boses ng oanyang pamangkin.
"Bakit? Ano ba ang kasalanan namin sa iyo? Ano ba ang nagawang mali ng aking mga magulang sayo? Swerte ka pa nga, dahil imbes na sariling anak ang kasama nila lolo at lola ay ikaw pa na hindi nila kadugo, na saiyo na lahat ng oras, atensyon nila. Pero bakit?" Pagpapatuloy ng kanyang pamangkin habang napapansin niyang palapit ito ng palapit.
"Alam niyo ba? Buong buhay ko, hangang-hanga ako sayo. Kasi ikaw palagi ang bungang bibig ng aking inang namayapa ng dahil sayo."
"You don't know, hindi mo alam ang sinasabi mo, Owen, wala akong alam." Sagot niya dito saka siya lumabas sa pinagtataguan niya.
"Really uncle? Wala ka talagang alam sa nangyari sa pamilya Macadayao?" Sarcastic na wika ng batang Macadayao.
"Y-yeah..." Sagot nito habang may kinakapa siya sa kanyang likod.
"Sa mga galawan mo ngayon, alam kong may binabalak ka." Naiiling na sambit ni Mario sa kanyang kaharap habang nakatingin sa taas dahil nandon si Levin habang prenteng nakaupo lang.
"Bakit, natatakot kaba na may gagawin akong masama sayo? Alam mo, sumang-ayon kalang naman sa gusto ko, lahat ng mga nangyari noon ay matatapos na, I will set you free just give me back my territory." Nakangising sagot ng matanda na ngayon ay hawak-hawak na niya ang kanyang baril.