❥︎MARIA YRISHA POINT OF VIEW❥︎
Kanina pa ako nagpapasalamat sa kanya pero hanggang ngayon ay wala siyang kaimik-imik. Tinitingnan lang niya ako kapag inaagaw ko ang kanyang atensyon kaso sa tuwing tinitingnan niya ako ay halos makarugtong na ang kanyang kilay.
"Hayst! Para akong alone, pinasakay nga ako pero napapanis naman ang kanyang laway, wala rin silbi." Pagpaparinig ko sa kanya pero wala siyang pakialam sa pagmamaktol ko.
"Dito na lang ako kuya." Agaw ko ulit ng atensyon niya dahil wala naman silbi na nakisakay ako sa kanya.
"Total wala na yong mga humahabol sa akin. I mean nangungulit sa akin kaya..." Hindi ko na natapos ang nais kung sabihin ng magsalita siya pero sa harapan lang siya nakatingin.
"Shut up or I will kiss you." Hindi pagbabanta, hindi pilit kundi totoong sabi niya sa akin.
"Tasked! Kaya mo?! Hanggang salita ka lang nam..." Hindi ko na ulit natapos ang sasabihin ko ng kabigin niya ang batok ko saka niya pinalapat ang mapupula niyang labi sa labi ko na halos hindi na ako makahinga.
"If I say it, I will do it! Remember that honey." Bulong niya sa akin bago niya pinatakbo ang kanyang kotse na huminto pala kanina.
Tiklop, oo tiklop ang bibig ko sa sinabi niya kaya tumingin na lamang ako sa labas ng bintana dahil hindi ko akalain na gagawin niya ang kanyang sinabi sa akin kanina. At ano daw honey?! Hindi naman ako mukhang bubuyog para maging honey ako. Nagpapatawa ba siya?!
Napakurap-kurap muna ako saka tumingin sa kanya na seryosong nagmamaneho habang nakatingin sa harapan o unahan.
"Staring is a rude honey." Biglang salita niya pero nasa unahan pa rin ang kanyang tingin. Tumikhim muna ako bago ako nagsalita.
"Hindi naman ah. Tatanungin ko lang sana kung nagmumukha ba akong bubuyog?"
Napapakamot naman siya sa kanyang ulo habang nasa unahan pa rin ang atensyon niya saka bigla siyang tumingin sa akin.
"Who told you that you look like a bee?" Halos magkasalubong ang kanyang kilay na sabi niya sa akin na ikinakagat ko sa labi.
"Ikaw! Sabi mo honey! Kaya tinatanong kita kung nagmumukha akong bubuyog." Nakasimangot na sagot ko sa kanya na ikinaawang ng kanyang labi. Pero guni-guni ko lang siguro na may mumunting ngiti sa kanyang mga labi.
"Silly! Of course not, honey is an endearment." Sagot niya sa akin na naiiling pa.
"Pero iyon ang prinoproduce ng mga bubuyog." Depensa ko ulit na mas ikinailing niya.
"Whatever you say, but I will call you honey from now on." Sagot naman niya sa akin.
"Bakit kaba ingles ng ingles nasa Pilipinas tayo boy?!" Nakasimangot na sabi ko at para maiba ang tapiko namin na wala naman talagang kaesa-exiting.
"Damn! You make my day!" Sabi niya sa akin habang may mumunting ngiti na lumalabas sa kanyang mga mapupulang labi na lumapat sa labi ko.
Hindi na lamang ako umimik sa buong byahe dahil wala naman akong dapat sabihin sa kanya, kaya mas nakakabuting manahimik na lang kaysa salita ako ng salita na hindi naman niya ako pinapansin.
"Salamat po sa paghatid sa akin hanggang dito." Masayang sabi ko sa kanya ng pagbaba ko pero tumunghay muna ako sa bintana niya na nakaopen, pero napahagikhik pa ako ng magulat siya sa ginawa ko.
Nakangiti at napapailing akong naglalakad papasok sa tinutuluyan ko ng makasalubong ko si ate CC na halatang nagmamadali.
"Sumunod ka na lang sa akin sa bar bebe." Sabi niya sa akin, sasagot pa sana ako ng mawala na siya sa harapan ko.
"Ano na naman kaya ang nangyari kay ate?" Bulong ko sa sarili ko saka nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad papunta sa aking silid.
"CC lumabas ka diyan! Hindi na ako natutuwa na pinagtataguan mo!" Napaigtad pa ako ng may marinig akong sumisigaw mula sa labas ng dorm namin.
"Ano ka ba Kervin? Wala si Cc dito, kanina pa siya na kaalis pero kung makapagbulabog ka ay parang ewan." Maarteng sabi ng baklang may ari ng dorm na tinutuluyan ko.
"Hindi ikaw ang kailangan ko baklang panot. I need CC, CC lumabas ka na diyan!" Sagot naman ng lalaki na ikinatawa ko dahil sa mga salita niyang baklang panot.
"Abah! Abah! Nilait pa ang beauty ko. Hoy! Ikaw lalaki kung hindi ka pa titigil sa kakasigaw mo diyan tatawag ako ng pulis!" Pasinghal naman na sagot ni ate Beauty.
Nakasilip kasi ako kaya naririnig ko ang pinag-uusapan nila, hindi lang pala ako kundi kaming lahat na nandidito sa dorm.
"Ano ba ang ipinagmamalaki mong baklang panot ka. Kaya kung sunugin ang mumunting dorm na ito kung hindi mo inilalabas si CC." Napalaki pa ang aking mga mata sa sinabi niya kaya binilisan ko na lang ang pagbibihis ng damit ko. Kailangan kung makausap si ate CC.
"Ate Beauty una na po ako." Agaw pansin ko sa kanya na ikinatango lang niya sa akin kaya nagmamadali na akong naglakad.
Nagulat pa ako ng mapatingin ako sa lalaki na nakatingin din pala sa akin na para bang may pagnanasa na namumuo sa kanyang mga mata kaya minabuti ko na lamang ang yumuko saka binilisan pa lalo ang aking paglalakad.
Nang medyo makalayo-layo na ako doon ay napabuga ako ng aking hininga dahil alam kung ligtas na ako. Kaya nagpatuloy ako sa paglalakad kaso sa paghakbang ko pa lamang ay may humila na sa akin.
"Hindi ko alam na may isang magandang dalagita na nagtatago sa dorm na iyon." Halos manginig ako sa kanyang boses dahil halatang gusto niya akong angkinin.
"Bitiwan niyo po ako, hindi ko po kayo kilala." Pagsusumamong sabi ko sa kaya pero napangisi lang siya ngising may pagnanasa sa akin.
"Why should I?! Hmm I need you to warm my bed tonight. Do you want my idea baby." Bulong niya sa akin na halos kapusin na ako ng aking hininga lalo na nang hawakan niya ng mahigpit ang braso ko saka hinahaplos niya ang aking leeg.
"Huwag po, hindi po ako babaeng inaakala niyo. Bata pa po ako, huwag niyo po akong itulad sa mga babaeng nabiktima niyo na po." Naiiyak na sabi ko sa kanya pero tumawa lang siya ng pagak kaya napatingin ako sa kanyang mga mata na mapupula pa, halatang gumagamit siya ng ipinagbabawal na gamot.
"Ito nga ang gusto ko, sariwa, bata, at masarap." Sabi niya sa akin habang napapakagat labi pa siya, binitawan na din niya ako na ikinasalamat ko. Kaya nanginig ako sa sobrang kaba saka tumingin sa paligid pero bigo ako na makakita ng hihingan ng tulong dahil nasa liblib kaming lugar.
"Huwag mo ng tangkain humingi ng tulong, alam kung magugustuhan mo din ang gagawin ko sayo." Aliw na aliw na sabi niya sa akin, naiiyak na ako pero tinapangan ko ang aking loob.
"Huwag kang lalapit!" Sigaw ko sa kanya ng palapit siya ng palapit sa pwesto ko, kaya patalikod akong naglalakad hanggang sa may nakita akong malaking bato.
Nang makasigurado akong hindi siya nakatingin sa akin ay dali-dali ko itong kinuha. Para kapag lumapit pa siya lalo sa akin ay hindi ako magdadalawang isip na gamitin ito sa kanya.
"Huwag kang matakot sa akin baby, I'll be gentle." Sabi niya sa akin habang napapaungol pa siya dahil ang isa niyang kamay ay nasa may gitnang bahagi ng katawan niya. Hindi ako kasing tanga kung hindi ko alam ang kanyang ginagawa.
"Sabing huwag kang lalapit. Nandidiri ako sa mg kagaya mo. Manyakis ka!" Sigaw ko sa kanya na ikinatawa at iling lang niya saka binilisan ang paglapit sa akin kaya wala akong ginawa kundi isapak sa kanya ang batong hawak ko saka ako tumakbo palayo. Naririnig ko pa ang kanyang hiyaw at yapak kaya mas lalo kung binilasan ang pagtakbo.
❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀
Pabitin ako😅😅Hahahaha maya ko na siguro update ang susunod kung hindi kakayanin bukas na lang😅 Pero natawa ako kay Maria😂😂#Next Chapter coming
#Vote/Comment