𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 22

424 18 2
                                    

♡︎MARIA YRISHA POINT OF VIEW♡︎

Habang naglalakad na ako, papasok sa may condo ng boss ko ay ang bigat-bigat parin ng pakiramdam ko dahil hindi parin mawaglit ang mga katagang sinabi ni Leillanie sa akin tungkol sa kasintahan ng boss ko.

Lutang na lutang ako, sa pagkalutang ko ay  may humawak sa aking balikat na ikinagulat ko ng tudo-tudo, sa sobrang gulat ko ay nasampal ko ito.

"What the fucking heck!" Pasigaw pa na wika niya sa akin na ikinayuko ko dahil kitang-kita ko ang pagkapula ng pisngi niya.

"Pasensya na po." Halos pabulong kung sagot sa kanya, pero wala akong narinig na salita, ang narinig ko lang ay ang papalayong lakad niya. Saan kaya siya pupunta, siguro sa kasintahan niya.

Bumuga muna ako ng malalim na hininga bago ako pumasok sa loob ng condo niya, nasa harapan na pala ako ng condo. Ganito ba talaga ako kalutang sa kakaisip ng mga pinagsasabi ng kaibigan ko.

Pagkapasok na pagkapasok ko ay umupo ako sa may sala, binato ko din ang bag ko sa pang-isahang sofa, naiinis, nadidismaya kasi ako sa mga nalaman ko. Para akong tinatamad na ewan.

Humiga na lamang ako sa may malaking sofa kahit nakatihaya lang ako ay wala akong pakialam dahil wala namang ng papasok sa loob. I know na madaling araw na siyang uuwi.

Ipinikit ko na lamang ang aking mata, dahil gusto kong magpahinga kahit saglit lang pero muntik na akong mahulog ng marinig ko ang boses ng kanina ko pa iniisip.

"Damn it! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo bata?" Pagalit na wika niya aa akin, ang hitsura ko kasi ngayon ay nakabuka ang dalawa kong binti sa mismong harapan niya.

"H-hindi k-ko po a-alam na u-uuwi kayo ng ga-ganito kabilis, a-akala ko po b-binisita niyo ang ka-kasintahan niyo po." Garargar na wika ko sa kanya na ikinangiwi niya kaya yumuko na naman ako dahil parang may mali na naman akong sinabi.

"Who told you na may kasintahan ako?" Nakakamatay na tingin ang ginawad niya sa akin, habang tinatanggal ang makapal niyang jacket.

"Basta po may nagsabi sa akin, ba't po kayo galit?" Sagot ko naman sa kanya habang nakayuko sa harapan niya.

"Then tell sa nagsabi na, 'you're die' maliwanag ba?" Wika niya pero hindi ako umimik. "Ba't ka natahimik?" Wika na naman niya.

"Wala po." Sagot ko sa kanya saka na ako naglakad papunta sa kwarto ko.

"Stay still!" Mapanganib na wika niya sa akin kaya huminto ako sa paglalakad.

"I'm telling the truth, wala akong kasintahan, dahil I'm a married man." Wika niya habang naririnig ko ang paglalakad niya papalapit sa akin.

"'Wag kang maniniwala sa ibang tao, ako ang tanungin mo dahil nakatali na ako sa isang babae ng hindi niya alam kaya kasal na kami ng babaeng 'yun pero hindi niya alam hahaha." Wika na naman niya, pero iba ang umeecho sa tainga ko kundi ang tawa niya.

"Hey, I'm just kidding, anyway totoo talaga ang sinasabi ko." Wika na naman niya na ikinatango ko na lang saka ako naglakad.

"Hoy bata, 'wag na 'wag mo akong tatalikuran." Pasigaw na wika niya kaya tumingin ako sa kanya ng masama.

"Hindi na ako bata!" Pasigaw ko din na sagot sa kanya habang tinitingnan siya ng masama na ikinaawang ng mga labi niya.

"Alright, you're not bata anymore. I'm sorry." Nakangising wika niya na ikinaasar ko lalo.

"Ng iinsulto po ba kayo? Kung oo, you're die Mister!" Sigaw ko saka ako tumakbo at tumalon sa kanya na ikinasalo naman niya sa akin.

Pagkatapos ay hinalikan ko siya sa kanyang mapupulang labi na ikinalaki ng mga mata niya. "Hindi ako bata!" Sigaw ko sa kanya saka ako bumaba sa pagkabuhat niya sa akin at tumakbo sa kwarto ko.

Pagkapasok ko palang sa kwarto ko ay napasanding ako sa may pinto dahil sa kahiya-hiyang ginawa ko ngayon-ngayon lang. Ano na ang mukhang ihaharap ko sa kanya kung katangahan lang ang ginawa ko.

"Nakakahiya ka Maria Yrisha Macadayao, talagang nakaya mong halikan ang amo mo." Pabulong-bulong ko sa aking sarili saka ko hinawakan abg mukha ko na alam kung pulang-pula na.

"Yrish, ba't ang bilis mong tumakbo, kakain na tayo, nagugutom na ako." Biglang wika ng boss ko na alam kung nasa harapan ng pinto ko.

"S-sige po, lalabas na." Sagot ko naman sa kanya saka ako tumayo at pinagpag lang ang damit ko na uniporme dahil hindi pa ako nakapagpalit ng damit.

Pagkabukas ko ng pinto ay nasa harapan parin siya habang nakangiti, kaya tiningnan ko siya ng masama na ikinatawa na naman niya.

"Ano ba ang nakakatawa?" Hiyaw ko sa kanya na ikinailing lang niya saka nauna ng naglakad.

"Nababaliw na po ba kayo?" Tanong ko na naman sa kanya na mas lalo niyang ikinatawa.

"Silly, don't mind me, now eat." Wika lang niya, kaya sino ba ako para hindi sundin siya. Kaya umupo na lamang ako sa upuan na nasa harapan niya.

Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya dahil nakangiti parin siya habang kumakain. Nababaliw na yata talaga siya. Take note parang hindi kami naghalikan, first kiss ko man din 'yun.

"Oh ba't ka nakasimangot bigla?" Wika niya sa akin. Naikinailing ko.

"Tell me, what's wrong?" Tanong na naman niya.

"Namimiss ko lang po ang pamilya ko." Sagot ko sa kanya.

"Then visit them." Wika na naman niya na ikinailing ko.

"Hindi pa ito ang tamang oras." Sagot ko sa kanya.

"Bakit naman?" Tanong niya sa akin.

"Dahil hindi pa ako mataas, tulad ng ipinangako ko sa kanila." Malungkot kong sagot.

"Oh, pero ba't ka malungkot? Gusto mo, tayong dalawa ang bibisita sa kanila." Wika niya sa akin na ikinangiti ko ng mapait.

"Sa tamang oras at panahon po." Sagot ko sa kanya saka ako sumubo ng pagkain pero hindi ko pala namamalayan na may mga butil ng luha na pumapatak na ngayon sa akin mga mata.

"What's the problem honey?" Tanong niya sa akin habang tinitingnan niya ako.

"Miss na miss ko na sila ng sobra-sobra." Umiiyak na sagot ko sa kanya saka ko hinawakan ang kwentas na ala-alang iniwan sa akin ng aking ina.

"Tell me." Sagot niya na ikinatango ko sa kanya.


᯽᯽᯽᯽᯽᯽᯽᯽᯽᯽᯽᯽᯽᯽᯽᯽᯽᯽
Pabitin muna ako, miss ko na kayo🤧🤧 anyway enjoy reading

#Next Chapter Coming

#Vote/Comment sapat na

Sweet_Angel-27

LO #7: My Hottest Mistake(COMPLETED)Where stories live. Discover now