__FLASHBACK__
♡︎MARIA YRISHA POINT OF VIEW♡︎
"'Nay, pasok na po ako sa school, kasi may flag ceremony po kami." Ngiting wika ko habang nagsasampay siya ng labahin sa harap ng bahay namin. Labandera kasi siya, pero hindi ko siya matutulungan ngayon.
"Hintayin mo na ako bunso!" biglang sigaw ng kuya dahil may pupuntahan daw siya, huminto siya sa pag-aaral dahil sa hirap ng buhay namin. Isang kahig, isang tuka kumbaga ang pamumuhay namin. Ang ama ko naman ay nagsasideline lang kapag walang kumukuha sa kanya sa pagkakarpentero ay sumasabak naman siya sa bukid para magsaka.
"Ang bagal-bagal mo naman kuya, kunting kembot nalang ay mahuhuli na ako sa eskwelahan." Nakasimangot kong sagot sa kanya, habang nilalaro ang mga bato sa may mga paa ko. Nakasuot lang kasi ako ng tsinelas dahil hindi naman uso sa aming lugar ang magsapatos dahil dadaan muna kami sa maputik.
"Heto na nga mahal na prinsesa." Nakangiting wika niya sa akin habang sinusukbit na niya ang kanyang bag pack.
"Mario, ingatan mo ang kapatid mo. Dahil baka mapahamak siya, mahirap na. Mahal na mahal ko 'yan." Paalala ni inay kay kuya na ikinatango naman nito.
Habang naglalakad na kami ay pansin kung tahimik si kuya na para bang may iniisip siya dahil ang lalim-lalim ng mga nilalabas niyang hininga saka siya titingin sa kalawakan.
"Kuya may problema ka ba?" May pag-aalalang wika ko sa kanya, pero nginitian lang niya ako, habang napapailing.
"Wala naman bunso, basta tandaan mo na mahal na mahal ka namin, kahit na ano pa ang mangyari." Sagot niya sa akin na ikinatango ko naman dahil totoo naman ang mga pinagsasabi niya. Pero bakit parang may ibang patutunguhan ang sinasabi niya.
"Alam ko naman 'yon kuya." Nakangiting sagot ko, iwinaglit ko na lamang ang mga tumatakbo sa aking isipan.
"Oh siya sige, maglakad na tayo, dahil talagang mahuhuli kana sa inyong paaralan kapag pinatagal pa natin ang ating pinag-uusapan." Wika niya sa akin na ikinatango ko, saka ako nagpatiuna ng naglakad.
----
Pagkarating namin sa harapan ng eskuwelahan kung saan ako nag-aarala ay nagsisitakbuhan na ang mga mag-aaral dahil nakikita na namin na nasa linya na ang mga ibang estudyante. Tiningnan ko naman si kuya na kanina pa pala nakatitig sa akin. Kaya nginitian ko siya ng matamis na matamis.
"Kuya,pasok na po ako."
"Sige, mag-iingat ka palagi huh." Sagot niya sa akin na ikinahinto ko sa paghakbang.
"Ano po ang ibig niyong sabihin kuya?" Umiling lang siya, sa aking tanong.

YOU ARE READING
LO #7: My Hottest Mistake(COMPLETED)
Roman d'amour[R-18+] LIGHTING ORGANIZATION VII