☠︎︎MARIA YRISHA POINT OF VIEW☠︎︎
"Tingnan mo nga naman ang bagong lipat na ito, akala mo naman reyna tsked."
"Assuming phew!"
"Sabi nila siya daw yung nagtatrabaho sa bar."
"Akala mo kung sinong malinis."
Marami pa akong nariring against sa akin, kaya yumuko na lamang ako habang naglalakad papunta sa classroom namin, I don't know why? Hindi ko alam kung paano nag-spread ang balitang ito sa buong University.
Inaamin ko naman na hindi ako perpektong nilalang, but no biddies perfect naman. Pero bakit kung makapanghusga sila ay ang lilinis, ang perpekto nila.
Tumakbo na lamang ako ng mabilis, habang nakayuko para makapasok na ako ng tuluyan sa classroom namin. Pero ng malapit na akong makapasok, I mean pagbukas ko ng pinto na papasok sa classroom namin ay biglang may bumuhos sa akin.
Isang timba na punong-puno ng yelo at madumi na tubig, I don't know why? Hindi ko alam pero anong dahilan nila? Wala na ako sa bar, matagal na. Pero bakit? Papaano? Sino ang nasa likod nito?
"Nababagay yan sa'yo."
"Ang mga basura ay mananatiling basura."
"Ang mga hampaslupa, ay dapat lang na maparusahan."
Masakit, oo nga masasakit na salita din ang mga naririnig ko sa kanila. Ganito ba talaga ang mga taga Manila? Mapanghusga, mapagmataas at makapangyarihan.
"Who told you to do that!" Isang malakas na sigaw ang bumasag sa kasiyahan nila. Isang boses ang nagpanginig sa kanila.
"Nataringan pa man din kayong nag-aaral sa isang karespe-respetong paaralan, pero sino ang gumawa nito sa kanya? Answer me, or all of you ay matatanggal sa University na ito at hindi na kayo makakapasok sa ibang paaralan!" Galit na galit na wika ng isang babae.
"Mrs. Goggins." Wika pa ng isang guro pero hindi siya nagpaawat, lumapit din siya sa akin para punasan ang pukwa ko gamit ang sarili niyang panyo.
"Oo, ako nga, anong ginagawa niyo sa taong walang kalaban-laban sa inyo. Isa laban sa inyong lima." Sagot na naman niya kaya napatingin ako sa kanya na ikinagulat ko dahil ngumiti siya sa akin.
"Ano sagot?! Mag-sorry kayo o i-spell ko kayo sa Unibersidad na ito, saka hinding-hindi na kayo makakapasok saan mang paaralan, now choose." Kampanteng wika niya habang tinitingnan ang kanyang kuko, indeed she's like a goddess tulad ng nga sabi-sabi. At naiiba nga ang mga mata niya sa mga ordunaryong taong kagaya ko.
"Pasensiya na."
"Sorry."
Sabay-sabay nilang paumanhin sa akin na ikinailing ko lang saka tumingin sa kaharap naming babae. She look at me na din dahil nararamdaman niya yata na tinitingnan ko siya.
"In the count of three, dapat wala na kayo sa harapan ko." Wika niya na ikinagulat ko dahil nagtakbuhan sila paalis, kaya yumuko ako sa kanya saka ako naglakad papalayo. Pero paghakbang ko palang ng tatlong beses ay nasa harapan ko na siya na may ngiti sa kanyang mga labi, kaya tumingin ako sa kapaligiran na ikinahinga ko ng maluwag dahil wala ni isa abg nakatingin sa amin, inshort walang tao.
"Sa-salamat po sa pagligtas sa akin." Magalang na wika ko sa kanya na ikinangiti niya sa akin.
"Nah, don't mentioned it, sino ba kasi ang tangang hindi tutulong sayo, kung nasa ganun kang situation. Anyway, I'm Nylanyer Ferrer-Goggins." Nakangiting wika niya na ikinayuko ko dahil siya lang naman ang asawa ng may ari ng unibersidad na pinag-aaralan ko.