𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 26

414 19 3
                                    

☠︎︎LEVIN DAVE POINT OF VIEW☠︎︎

"Bakit po sila na ambush?" Tanong bigla ni James, saka siya naglakad papalapit sa bahay.

"Hoy, mamaya kana pumasok sa bakuran, kailangan na muna nating hanapin ang Mayor nila." Pagsitang narinig ko galing kay Lion, na ikinatango at hinto niya.

"Hindi ko din alam mga anak, gusto namin ng justice sa pamilya Macadayao dahil karumaldumal ang nangyari sa kanila." Sagot naman ng matanda.

"Sige po maraming salamat po sa pagsama sa amin. Pero sulit-sulitin na pi namin ang pagtulong niyo sa amin, pwede po bang samahan niyo kami sa inyong munisipyo para makausap ng Mayor niyo." Wika naman ni Kenneth na ikinatango naman ng matanda.

Habang pabalik na kami sa sasakyan namin, ay nararamdaman ko na may mga matang nakamasid sa amin, na para bang sinusundan nila kami. Kanina ko pa sila nararamdaman, kaya timingnan ko ang anim na alam ko ding ramdam nila ang aking nararamdaman.

"Parang mga tanga naman, pasilip-silip pa kunyari, patingin-tingin sa kapogihan ko. Tsked, kapag ako ang nairita papasabugin ko ang mga bungo nila" Narinig ko pang wika ni Rush na palaging mainitin ang kanyang ulo.

"Awww saang banda naman sis." Panglulukong tugon naman ni Lion habang nakaakbay siya kay Johnthony na kanina pa naiirita sa kaingayan nito.

"Just fucking shut up Portela will you!" Inis namang sagot nito na ikinailing ko nalang dahil dinamay-damay pa ako ng loko.

"Kingina naman, lumabas na ngalang kayo, ano bang laro ang gusto niyo, hide and seek, tangina mainit ang ulo ko baka kapag ako ang makakita sa inyo ay patay na kayo." Sigaw ulit ni Rush na ikinailing ko lang saka huminto sa paglalakad.

"Manang punta muna kayo sa ligtas na lugar, Montemayor, samahan mo siya saglit tapos bumalik ka." Pag-uutos naman ni James kay Kenneth na ginawa naman niya dahil inakay niya ang matanda.

"Come on brothers, hindi kami nangangain ng mga hayop, pumapatay lang!" Sigaw naman ni Anthony na ikinangisi ko lang habang prenteng naghihintay lang na lumabas ang mga damuho.

"Oh fuck, pagbilang namin ng tatlo dapat ay nakalabas na kayo, kung hindi kami ang---" Hindi na natuloy ni Johnthony ang nais niyang sabihin dahil sa paglabas ng isang nakangising lalaki na may kulay ginto pa sa kanyang ngipin.

"Bilib din ako sa inyo bata, hindi ko lubos maisip na ganyan katalas ang pakiramdam at bibig niyo. Mga dayo kayo pero ang lakas naman ng loob niyong pagbantaan kami." Umiiling na wika ng lalaki, na ikinailing ko. Napansin ko din na may sinenyasan si Lion na pumunta sa mga puno na alam kong isa sa mga tauhan namin.

"Bakit natakot ka ba? Effected ka ba tanda?" Sagot naman ni James sa kaharap namin ngayon.

"Ako natatakot, effected, ano ka sinuswerte. Ulol!" Tumatawang wika naman nito na ikinangiwi ko dahil sa tumatalsik niyang laway. Kinginang 'yan, naglakad naman ako papunta sa harapan nila.

"Mawalang galang lang po, naparito po kami para bisitahin ang lugar niyo. Hindi makipagdakdakan sa mga taong walan namang kakwenta-kwenta." Sapaw ko sa usapan habang tinitingnan ang wrist watch ko dahil tumatakbo ang oras.

"Putangina! Ano ka gold? Alam naman nating lahat na ang pakay niyo dito ay ang pamilya Macadayao. Bakit? Kaano-ano kayo ng mga mapangahas na 'yon, kasamahan ba kayo ni ng gagong Macky?Maswerte ang isang iyon dahil nakatakas sa araw na 'yun." Tumatawang wika ng lalaking kaharap namin na ikinaigting ng aking panga, dahil ang sagot sa mga katanungan na bumabagabag sa akin ay nasa harap ko lang pala.

LO #7: My Hottest Mistake(COMPLETED)Where stories live. Discover now