𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 10

435 17 0
                                    

❥︎MARIA YRISHA POINT OF VIEW❥︎

"Putanginang babae ka! Talagang sinusubukan mo ako!" Sigaw ng lalaking hindi din sumusuko sa pagsunod sa akin kaya nagdadasal na lang ako na sana may dumating kahit tanod na tumulong sa akin.

"Huwag mo ng tangkahin tumakbo dahil maaabutan pa rin kita!" Sigaw niya ulit pero halos kapusin na ako ng hininga dahil sa pagtakbo pero dahil gusto kung makalayo sa manyakis na lalaking ito ay pinilit ko pa rin ang tumakbo paalis sa lugar na ito.

"Tulong! Tulongan niyo ako!" Sigaw ko din, pero napahinto ako ng biglang may tatlong lalaking humarang sa harapan ko.

"Akala mo matatakasan mo ako. Sinabi ko na kasing huwag kang tumakbo iyan tuloy pagod kana, pero papagurin ka din namin." Nakangising sabi niya sa akin. Kita ko din ang pagtulo ng dugo sa may noo niya na ako ang may kagagawan.

"Huwag po, maawa po kayo sa akin." Umiiyak na pagsusumamo ko sa kanila pero ngumisi lang silang tatlo.

"Ayaw ni CC ang lumabas kaya itong bata na lang ang nakuha ko." Pangisi-ngising sabi pa ng nangngagalang Kervin dahil iyon ang tawag sa kanya ni ate Beauty.

"Ayos na ayos ito, malaman kahit bata pa." Nakangising sagot naman ng isa na ikinatigalgal ko dahil naramdaman ko ang paghaplos niya sa pang-upo ko.

Hahawakan na sana ako ng isa pa sa kanila ng mapahiyaw siya dahil may tumarak na kutsilyo sa kanyang mga kamay.

"Touch her again and your die!" Nabuhayan ako ng pag-asa ng marinig ko ang boses ng isang lalaking pamilyar sa akin.

"Ano kami hilo! Hoy! Kung gusto mong makihati sa babaeng dito pila ka na lang. Akala mo naman kung sino ka!" Nakangising sagot ni Kervin pero wala kang mabasang kahit na anong expression sa mukha ni Levin.

"Do I need to introduce myself to you asshole?!" Lalaking-lalaki na turan niya dito pero ang mga mata ay nasa akin, para bang inuobserbahan niya ang katawan ko kaya itinago ko ang palapulsuhan ko para hindi niya makita ang pagkapula nito pero huli na dahil umiigting na ang kanyang mga panga habang nakatingin ng masama sa apat na lalaki halata din ang pagdilim ng kanyang mga mata.

"Ano ang pakiaalam namin sayo. Lamang ka lang ng dalawang paligo sa amin." Maangas naman na sagot ng isa na ikinangisi niya saka siya naglakad palakad palapit sa amin.

"Sapat na siguro ang tattoo na ito para malaman niyo kung sino ako." Sagot niya sa apat saka ko napansin ang bungo na may baril, saka pulang roses sa kanyang braso, hindi mo ito napapansin dahil nakatago at may kalaitan ito.

"Alis na tayo, si-sibat na ta-tayo." Natatarantang sabi ni Kervin na ipinagtaka ko. Ganito ba katakot ang mga lalaking ito ng dahil sa tattoo.

"Ngayon ko lang din napansin ang throwing knife na binato niya sa akin." Natatarantang sabi naman ng isa, na nagtangkang hawakan ako kani-kanina lang.

"Oh I don't know that you scared to my tattoo. Damn you most be kidding me." Napapakamot na sabi ni Levin na ikinatigalgal ng apat na lalaki ngayon, habang napapatingin sa paligid na para bang may pinapakiramdaman.

"I, and I warning you. Yes I warning all of you that don't fucking touch my girl. You know I don't have mercy kung ako ang makakalaban niyo." Nakangising sabi niya saka wala siyang kahirap-hirap na buhatin ako na para bang bata lang.

"Y-yes boss, hi-hindi na mauulit." Nauutal na sagot ni Kevin na ikinatango niya saka niya tinalikuran ito. Pero habang naglalakad kami ay nagsalita pero hindi para sa akin.

"Kill them all." Hindi iyon utos kundi pagbigay ng signal na gawin na nila kung ano ang gawin nila. Nagulat pa ako ng biglang may mga nakaitim na lumabas saka pumunta sa pwesto ng apat na lalaki.

LO #7: My Hottest Mistake(COMPLETED)Where stories live. Discover now