♡︎MARIA YRISHA POINT OF VIEW♡︎
Habang hinihintay ko si sir Levin ay tinitingnan ko ang paligid ng kanyang kwarto, nagmamasid lamang ako ng mapadako ang mga mata ko sa pamilyar na bagay, pamilyar na dapat limot ko na.
Tumayo ako sa pagkakahiga sa kanyang kama, saka ko nilapitan ang bagay na ito. Ewan ko ba pero talagang gusto kung makasigurado na hindi ako namamalikmata lang.
"Bakit? Bakit mayron siya nito?" Bulong ko sa aking sarili habang hinahaplos ang simbolo na nakaukit sa isang libro.
"Isa ba siya... hindi, hindi, imposible dahil busy siyang tao, may law firm siyang pinagtutuunan ng pansin, imposibleng kasapi siya." Naiiling na bulong ko ulit, saka bubuklatin ko na sana ang libro ng marinig ko ang pagpihit ng seradora ng pinto mula sa banyo ay tumalon na ulit ako sa malambot niyang kama, saka nagtalukbong.
"Hoy bata! Tumila na ang ulan, kaya makakabalik ka na sa iyong silid, hindi ka nararapat sa silid ng isang lalaki." Wika niya, pero hindi ko siya sinagot.
"Hayst!" Napasinghap na lamang ulit ako ng malalim na hininga saka ako naramdaman na umupo siya sa sarili niyang kama.
"Alam kung gising ka pa." Mahinahon na wika niya sa akin, amoy na amoy ko rin ang sabon na ginamit niya sa kanyang pagligo.
"Eh sa ayaw ko pong lumabas, baka kumidlat na naman po ng malakas, baka atakihin po ako ng hika ko. Sige ka, kapag ako namatay mumultuhin kita." Pananakot ko sa kanya na ikinangisi niya ng nakakaloko.
"Sa lahat ng panakot mo, ay yung kinatatakutan pa talaga ng kapatid ko." Naiiling na wika niya sa akin, kaya tinanggal ko ang pagkakatakip ng blanket sa mukha ko saka ko siya tiningnan.
"May kapatid ka po? Gwapo din ba siya? Ilan taon na po siya? Saan siya nakatira? Gusto ko po siyang makita." Tuloy-tuloy na turan ko na ikinalaglag ng panga niya.
"Goddamn it! Really, 'yan talaga ang mga tanong mo. I'm more than handsome than that motherfucker tsked." Sagot niya sa akin na ikinatawa ko ng malakas, I know na gwapo na talaga siya, pero ang kahanginan niya ay kakaiba.
"Grabe, ang laki naman ng confident mo sir. Tsked, kung makita ko siguro ang kapatid mo baka mas lamang talaga siya sayo, dahil ipinagtatanggol mo ang iyong sarili." Tatawa-tawang wika ko saka napapailing pa dahil sa expression niya na hindi maipinta.
"Oh damn, I'm just telling the truth bata, mas gwapo ako sa kanya. And he has a wife already so back off, ako nalang ang pagkaintiresan mo." Wika niya na ikinanganga ko.
"Ano ka gold?! Lakas ng tama mo sir." Wika ko sa kanya saka ako tumayo sa pagkakaupo.
"Diyan ka na nga, sabi mo nga tumila na ang u-uuuuulllllaaann!" Napahiyaw at napatalon ako sa gawi niya dahil sa pagkidlat nalang bigla.
"Kidlat, kidlat, ilayo mo siya sa akin." Paulit-ulit kung wika sa kanya saka ako dumikit pa lalo sa katawan niya.
"Fuck!" Mura lang siya ng mura, hindi ko alam kung bakit, pero isiniksik ko pa lalo ang katawan ko sa kanya.
"Oh damn, you're killing me." Halos pabulong na wika niya.
"Hindi po kita pinapatay, sadyang kumidlat lang kaya ako na-pa-ka-pit sa in-yo." Uutal na wika ko ng may maramdaman akong tumusok sa may pwetan ko.