Chapter 24 : Lexie's Lovelife

126 13 0
                                    

CHAPTER 24



Lexie's POV


Hindi ko aakalain na yun ang isasagot ni Timothy sa tanong ko. Tiningnan ko ang kaibigan ko at halatang nasasaktan na sya. Dinagdagan pa ito ni Sebastian sa tanong nya.

Habang kumakanta si Timothy tumutulo ang luha ni Nic. Di nya deserve to. Di nya deserve masaktan ng sobra.

Bigla itong tumayo at tumakbo papalayo sa amin.

"Nic" sigaw ko sa kanya. Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Sebastian.

"Let her be. Bigyan muna natin sya ng time para makapag-isip. "

Tama sya. I know she's strong enough to handle this. Napatingin ako sa kinauupuan ni Timothy. Teka, wala na sya don. Is that why Sebastian stopped me from chasing Nicole because he knew Timothy followed her? Ganon ba? pero bakit? Hays. Bat ko ba tinatanong sarili ko.

"Alam mo?" tanong ko sa kanya.

"Ang alin?" naguguluhang sagot nya

"Na sinundan sya ni Timothy"

"Yup"

"Bakit? Hindi mo ba gusto kaibigan ko? Hindi ko maintindihan kung bakit mo pinabayaan silang dalawa" Ako yung nasasaktan sayo Sebastian. Bat ang bait mo.

"Mahal pa ni Nic si Timothy. Kitang kita ko pa sa mga mata nya kung gaano sya nasaktan sa paglimot ni Tim sa kanya. Oo, may times na gusto ko syang ipagdamot at gusto kong hindi magkatagpo silang dalawa pero wala e. Ayokong maging hadlang. " Naiyak ako, ganito pala ang tunay na pagmamahal.

"Huy bat ka naiiyak. Baka suntukin ako ng katabi mo dyan. " natatawang sabi nya.

"Ang bait mo kasi. " napahampas tuloy ako sa kanya. "Kung pwede lang tag dadalawa mamahalin ibibigay talaga kita kay Nic. "


"Okay ka lang?" tanong ng katabi ko."Can we talk?" pagtatanong pa nya.

Omooo. Kinakabahan ako sayo Sean. Nagpaalam muna kami kay Sebastian at ngayon hinila hila na nya ako.

"Teka. San mo ba ako dadalhin Sean?"

Huminto ito dahilan ng pagka bangga ko sa likod nya. Gets nyo ba? Basta yun. Humarap ito sakin at biglang ngumiti. Huy. Kumalma ka Lexie. Kumalma ka. Kyaaaaa.

" I didn't know you like me" Wait...
Kinikilig ba sya?

"Bawal ba? Bawal bang gustohin ka? Kung bawal edi.... " Hindi ko na natapos ang sinabi ko ng bigla nya akong niyakap. Yung puso ko ang bilis ng tibok.

"Thank you. Thank you for liking me back" masayang sabi nya.

Kumawala ito sa yakap at tinitigan ako. Grabe na yung kilig ko dito mga mars. Para akong matutunaw sa titig nya. Unti unti itong lumapit sakin at..

Hinalikan ako... Waaahh. Grabe nato.

"Can you be my girlfriend?" ngiting sabi nya habang naka hawak sa pisngi ko.

Tinatanong pa ba yan Sean?

"Yes" magpapa choosy pa ba ako? Ni hindi ko to naranasan sa buong buhay ko.

"Yes? Talaga?" masayang sabi nya.

Tumango tango ako sa kanya at bigla itong yumakap na naman sakin.

"Thank you. I promise you hindi kita sasaktan"

I hug him back. Thank you also Sean.

"I love you"

"Thank you" pagbibiro ko sa kanya.

Bigla itong kumawala sa yakap ko at sumimangot.

"Bakit thank you lang"

Hinawakan ko pisngi nya. Pakikiligin ko to,hindi pwedeng ako lang kiligin Sean.

"Oo na. I love you too. Wag kana malungkot" sabay kiss ko sa kanya.


Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon