Chapter 27

108 10 3
                                    

CHAPTER 27

Timothy POV


Kitang kita ko sa malayuan ang dalawa,nagtatawanan ba naman. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at pumagitna sa kanilang dalawa. Ayaw pa ni Nic sabihin kung anong pinag uusapan nila.

"Okay class lets begin the activity. Everyone please go back to your groupmates"

"Punta kana sa group mo" tinutulak na nya ako hindi naman tumalab ang laki kong tao.

"Mahal ayoko" nakasimangot na ako nyan.

Sinamaan lang nya ako ng tingin at eto ako ngayon no choice kung di sundin sya.

Nagsimula na ang activity at sumayaw sayaw na sila ako ? Na,wala akong talent dyan .Kada stop ng music papatong kami sa newspaper. Kapag hindi kayo na disqualified etutupi nyo ang newspaper ng half. Tumingin ako sa kanila ni Nic at masaya pa itong nakipag sayawan kay Sebastian. Nagstop ang music at dali dali silang pumatong sa newspaper. Uminit ulo ko sa nakikita ko,nagyakapan ba naman sila.

Tumingin naman si Nic dito sa gawi ko at ngayon ko lang din na realize....

Nakayakap din pala tong kasama ko sakin. Sinamaan nya ako ng tingin. Kasalanan ko bang yumakap ito hindi naman ako yumakap pabalik.

Tatlong group nalang ang natitira. Tinupi na naman ang newspaper. Ang liit na nito. Hays, ano bang klaseng laro to.

Nagstop na naman ang music at no choice ako kundi buhatin tong kasama ko. Nagsihiyawan na mga kaklase namin. Lumingon ako sa kanila at binuhat din ni Sebastian si Nicole. Wow grabe yung kapit ah.

Hindi na ako nakapagtiis,ibinaba ko ang kasama ko at pumunta sa kanila.

"Sebastian, ibaba mo girlfriend ko" galit kong sabi sa kanya.

Ayaw pa nyang ibaba. Ano to? Bingi ba sya ?

"Congratulations Group 2 for winning the newspaper dance"

Masayang nagyayakapan silang apat dahil sila ang nanalo. Hindi nila ako pinapansin kaya hinila ko si Nicole papalayo sa kanila.

"Ano ba problema mo ha?" galit na sumbat nya sakin. Sya pa talaga nagagalit ha.

"Ano yung nakita ko? Gusto mo kayo nalang ni Sebastian ha?" Oo na ako na yung seloso.

"Wow. E ano din yung nakita ko? Ikaw pa talaga una bumuhat kay Althea ha. Ano? Ha. Sumagot ka" sinuntok suntok na nya ako


Wait so it means nagseselos din sya.
Napasmile nalang ako.

"Oh. Anong tinatawa tawa mo dyan?"

Niyakap ko sya.

"I love you. Wag mo na ako sigawan"

Hinila nya tenga ko, napakabrutal talaga.

"Aray mahal. Masakit" tinatap ko yung kamay nya na nakahawak sa tenga ko.

"Sa susunod kasi wag papairalin ang selos okay?" nanggigilaiting sabi nya

"Ikaw din naman a.Nagseselos ka din"

Bigla itong tumahimik at binitawan ang tenga ko.

"Ewan ko sayo. Dyan ka na nga"

Iniwan nya ako dito at bumalik sa kinaruruunan nila Lexie.

Another paglalambing na naman ang gagawin ko.Hays

Naglakad na din ako papunta sa kanila at tumabi kay Nic.

"Mahal sorry na. May dalaw ka ba ngayon bat ang init ng ulo mo po"

Mas lalo pang sumama ang tingin nya sakin. Wrong moves tim.

"Mahal, wag kang ganyan mas lalo kang pumapangit" natatawang sabi ko sa kanya.

"Tumahimik ka nga.Napaka daldal mo"

Simula non hindi ko na sya pinansin.
Joke lang. Mas lalo ko syang ininis.

"Okay class the next activity we have is hiking. Hindi sya yung karaniwang hiking, sa dulo ng finish line may naka abang na price." Na excite mga kaklase ko.

"Mahal, sigurado akong hindi ka mananalo. Ang liit mo kasi tapos yung hakbang mo palang para ng bata"

"Tumahimik ka nga Timothy. Nakakailan ka na ah. Baka gusto mong ibalik kita sa tyan ng mommy mo" natawa ako sa sinabi nya.

"Wag naman mahal. Kung ibabalik mo ako wala kana makakasama.Paano ikaw" pagpapacute ko pa

"Ewan ko sayo puro ka nalang pagpapacute"

"Pansinin mo na kasi ako. Sorry na nga.Di na ako magseselos. Promise"

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon