Chapter 25 : Forgiveness

125 15 0
                                    

CHAPTER 25

Timothy POV

Alam kong nasaktan sya sa sinagot ko kay Lexie, nasaktan din ako mas doble pa. Tinanong ako ni Sebastian kung anong kanta and I choose Time Machine. Tinignan ko sya at mas lalo syang nasaktan sa lines ng kanta.

Bigla itong tumayo at tumakbo papalayo. Hinabol ko sya sa gubat at nadatnan kong umiiyak. Nakatayo ito at nagpupunas ng mga luhang dumadaloy sa mukha nya. Ang sakit. Ang sakit tingnan na nasasaktan sya.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko ito. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Umiiyak na din ako.

"Sorry mahal" iyak na sabi ko habang yakap ko sya.

Humigpit ang yakap nya sakin.

"Ang unfair mo. Bakit mo ako kinalimutan" pinapalo na nya dibdib ko habang humihikbi.

"Hinding hindi kita makakalimutan. Sorry. Sorry kung nagpanggap ako. Sorry kung hindi kita niyakap pabalik nung nakalabas ako ng ospital. Sorry kung pinabayaan kitang nakahandusay at nawalan ng malay. Sorry sa lahat mahal. Hindi ko naman talaga to ginusto "

"Bakit? Bakit mo to ginawa sakin? May mali ba ako? "

"Wala. Ayaw ng parents ko ituloy ang arrange marriage dahil bumabagsak na ang company nyo. At kung hindi ako susunod sa kanila mas lalo nilang pababagsakin ang kompanya ng parents mo. Ayokong mangyari yun kaya ako lumayo sayo. Pero hindi ko kaya.Hindi ko kayang nakikita kitang nasasaktan ng dahil sakin. Alam kong kinamumuhian mo na ako ngayon pero sana... Sana naiintindihan mo ako "

Hindi sya makapaniwala sa narinig nya kaya bigla itong umupo.

" Matatanggap mo pa ba ako mahal?" umupo ako at tiningnan sya.

"Paano kapag nalaman nilang nagkabalikan tayo? Anong gagawin ng parents mo?"

" Hindi nila to malalaman basta please stay by my side. Wala akong lakas na makakapitan. Maghahanap ako ng solusyon mahal." tumango ito.

" Thank you." niyakap ko sya. "I love you mahal"

"I love you too" kumawala ito sa yakap ko at tinitigan ako. Napapaluha na naman sya habang hinahaplos nya ang mukha ko.

"I miss you" saad nya

I could no longer control myself and kissed her. I miss you too.

Its just a smack kiss. She then smiled at me.

"Halika na. Baka nag-aalala na ang kaibigan mo"

"Ikaw kasi e. Pinapaiyak mo ako sa kanta mo". natatawa ako sa kanya. Bumabalik na naman pagka madaldal nya.

"Gusto ko kasing maramdaman mo na mahal kita. Na kung may time machine lang sana ako gusto kong bumalik sa dati. Tsaka effective naman diba. Kung hindi ka umiyak hindi kita hahabulin dito. " pang aasar ko sa kanya

"So kung hindi ako umiyak hindi mo sasabihin sakin na nagpanggap ka lang na nagka amnesia ganon?" Malakas na po ang boses nya nito parang nanghahamon na ng away.

"Oo. Kung hindi ka umiyak masasabi kong hindi ka na affected sa akin."

"Talaga? Napaka manhid mo. Suntok gusto mo?" pinakita nya pa ang kamao nya. Naku. Ang liit liit pa naman.

"Ayoko. Masisira ang baby face ko" Napahawak ang dalawang kamay ko sa pisngi ko. Inaasar ko lang talaga sya.

"Ewan ko sayo. Hindi talaga nawawala pagka gwapong gwapo mo sa sarili"

Niyakap ko sya. Ang sarap lang sa pakiramdam na okay na kami.

"Sorry na. Hindi na po ako uulit" paglalambing ko pa. Natawa sya sa sinabi ko

"Para kang bata kung makapagsalita"

"Gusto kitang lambingin e. Grabe mahal, ang tapang mo nu biruin mo pumasok ka sa gubat kahit madilim na" kinurot nya ako.

"Kasalanan mo to. Wala na sa isip ko na madilim ang paligid ang gusto ko lang mapag isa"

"Talaga po. Sige po aalis na po ako gusto mo pala mapag-isa" akmang aalis na sana ako ng bigla nya hinila ang buhok. Napaka brutal talaga.

"Sino nagsabing pwede ka umalis. Ano? Iiwan mo ako dito? "

"Hindi po. Tara na po. Malilintikan na po ako ng mga kaibigan mo" pag-aakbay ko sa kanya at tsaka nagsimulang maglakad.

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon