Chapter 13 : New Life

226 20 37
                                        

CHAPTER 13

Timothy's POV

Its been a week since I dated Nicole and I admit that I like her.Wala namang masama kung ibabaling ko ang pagmamahal na sana sa ex ko diba?

Naguguluhan na din ako kung gusto ko pa ba yung ex ko.Ayokong sa isang araw hindi ko makikita ang sadistang babaeng yon kahit naman puro hampas at kurot ang inaabot ko don,okay lang naman sakin.


I approach my parents na kung pwede lilipat ako ng school and okay lang din naman sa kanila so nag transfer na ako.Hindi alam ni Nicole na magkaklase na kaming dalawa.Ang sarap asarin yun e pikonin.

--

Its Monday morning and pumasok na ako sa bago kong skwelahan.Hindi ko sya sinundo para masurprise sya.


Nasa likod ako ng school.I am sitting under the tree,ang tahimik dito.


Tinext ko sya para naman mabwesit sya ngayon.


"Hi mahal.Asan ka na?" i know mukhang malabong magreply ang sadistang eto kaya dinagdagan ko pa. "Mahal,kumain ka na ba?" napatawa ako sa tinext ko.Na imagine ko na yung reaction nya kapag binasa nya to.


Lumipas ang ilang minuto nag reply ito.

"Who are you?" Wow.Hindi nya ba sinave yung number ko? Tsaka ako lang naman tumatawag ng mahal sa kanya.Tong babaeng to di marunong magpanggap

"Oh?Sorry I'm lost" pagreply ko sa kanya."Can you give me directions to your heart?"

"Nahihibang kana ba Timothy?" Oh diba kilala nya ako.

"Mahal miss na kita" pang aasar ko pa sa kanya.

Biglang may nagsalita sa side ng kinauupuan ko.

"KAINIS.NANGGIGIGIL NA TALAGA AKO SAYO LALAKI KA" tiningnan ko ito at nakumpirmang sya yung tinetxt ko.Oo si Nicole.Kanina pa pala to dito.Dahil sa inis nya binunot nya yung mga damo doon.Hindi nya alam na andito din ako.

Pinicturan ko sya at hindi ko na off yung shutter sound.Napatingin ito sa akin.

"Hoy! Anong pinag gagawa mo?!!!!" Hindi nya alam na ako yun.Nakatakip kasi ng libro ang kalahati ng mukha ko.

Tumayo ito at laking gulat nya na nandito ako.

"Timothy?Bakit ka andito??? Stalker ka nu?? Teka akin na yang cellphone mo" Akmang kukunin na nya ang cellphone ng itinaas ko ito.Wala syang magagawa ang liit nya.

Nagpupumilit syang kunin kaya napatumba kaming dalawa.Nakapatong na sya ngayon sakin.Nagkatinginan ang aming mga mata.

"I don't know which is prettier today,the water,the sky or your eyes"

Namula ang pisngi nya at dali-dali syang tumayo.Good thing at hindi kami naka uniform ngayon.

"Ikaw kasi" paninisi pa nya sakin."Edelete mo yung picture ko dyan" .Nahihiya itong tumingin sa akin.

"Opo" kinuha ko yung cellphone "Nadelete na" dagdag kong sabi sa kanya

"Patingin" naninigurado na talaga to ah.

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon