CHAPTER 21
Timothy's POV
I know galit kayong lahat sakin.Kahit nga ang mahal ko mukhang kinamumuhian na ako ngayon.Anong magagawa ko?Mas pipiliin kong maging mabuti ang kalagayan nya kaysa paiiralin ko ang makasama at makapiling sya.
Hindi naman totoong nagka amnesia ako.Simula ng nagising ako bantay sarado na ako sa parents ko at sa naging ex girlfriend ko.They told me everything.Planado na lahat sa kanila.
Ma's lalong humihina ang sales ng kompanya nila ni Nicole at yun ang naging dahilan kung bakit kumakampi na ang magulang ko kay Kaitlyn.She is my ex girlfriend whom I loved before.Diba?Mukha talagang pera ang pamilya ko.
Tinakot nila ako na mas lalo nilang pababagsakin ang kompanya ng parents ni Nicole kapag hindi ako sumasang-ayon sa gusto nila.
You know what?It is so hard to pretend that I don't miss her.Ang hirap na makita syang nasasaktan.Nong umiiyak sya at niyakap nya ako,ang sakit lang.Gusto ko syang yakapin pabalik pero hindi pwede.Tinitignan ako ni Kaitlyn at isang pagkakamali ko lang mawawasak na lahat.
Hindi ako mapakali ng makita syang nakahandusay ng malaman nyang hindi ko sya kilala.Lalapit na sana ako sa kanya ng pigilan ako.I am so thankful na nandon si Sebastian kahit masakit na nakikita kong nababaling na ang atensyon nito sa kanya.
I tried to contact Lexie kung okay ba ang kaibigan nya pero sumbat ang natanggap ko.
I tried to approach Sean in person kung ano ang lagay ni Nicole pero suntok ang natanggap ko.
Kita nyo ? Kahit sila kinamumuhian ako.Gago na kung gago pero ano pa ba ang magagawa ko?
Nagkasalubong kami sa hagdan nung papunta sya sa third floor.I want to hug her that time.I want to tell her that I do love her pero galit ito.She glared at me and left.
Ang lupit lang din ng tadhana kasi iniiwasan nya ako pero parati kaming nagkikita.
I am in a garden that time.Nakaupo at nagrerelax ng makita ko syang hinahabol ang paru-paru.Luckily napunta ito sa likod ko.Napangiti ako ng marinig kong kinakausap nya ito.I missed her.
Nang makita nya ako ay dali-dali itong umalis.I understand her.
Pauwi na din sana ako nun ng makita ko sya sa kabila.She is in the waiting area texting to someone.Tinitigan ko lang sya sa malayo.I hope she's doing okay.
--Andito na ako ngayon sa bahay namin.Nagmumokmok ako sa kwarto.
Biglang pumasok si Kaitlyn at umupo ito sa kama ko.Tiningnan nya muna ako at alam nito siguro na nalulungkot ako.Hinawakan nya ang kamay ko.
"I'll be better to you.I'll be your friend as well as your girlfriend.I am really on your side." sabi nito sakin sabay ngumiti.
Hindi ko talaga mapalitan si Nicole sa puso ko.Mas lalo akong nalungkot.
"Babe pwede mo ba akong samahan ngayon?"
"Saan?" pagtatanong ko sa kanya.
"Sa mall may bibilhin lang ako"
Tumango nalang ako sa sinabi nya.Nakasakay ako ngayon sa kotse nito.Sya yung nagmamaneho ng sasakyan.Wala ako sa mood ngayon.
Nadaanan namin ang tabing dagat kung saan huli ko syang nakasama.Bigla itong nag flashback lahat.
Yun yung araw na sinabi ko sa kanya na kahit anong mangyari mahal na mahal ko sya.
Biglang may nakasalubong kaming bus at saktong pag open ng bintana nito tumambad ang babaeng kanina pa nasa isip ko.She's smiling.Feeling the fresh air at ng magtapat ang sasakyan namin ay bigla kaming nagka eyes to eyes.Napawi ang mga ngiti nito sa kanyang labi.
Biglang nag slow motion lahat.Mukha syang nagulat na nakita na naman nya ako at mas bigla itong nag iba ang mood ng makita ang kasama ko.
I'm sorry mahal.Sana mapatawad mo ako sa ginawa ko.Nasa mall na kami binibilhan nya ako ng mga gamit ko.I refused to her.I can buy my things on my own.
"Kaitlyn I'm sorry dahil niloko kita noon.Can you please let me go?Nahihirapan na ako" pakikiusap ko sa kanya.
"Hindi pwede." nakasimangot na itong tumingin sakin.
Bakit ba ako pumayag sa deal nato?Anong kasiguraduhan ko?
--
Graduating students kami at one of the events na dapat namin salihan ay ang campfire.
Nakahanda na lahat sa mga gagamitin nila.Tent and whatever necessities they need."Timothy Alexander Dee" tawag ng teacher namin.
"Present"I raised my hand
"Sebastian Romero" napalingon ako sa kanya at nag taas kamay ito.
Nakita kong magkatabi silang dalawa ni Nicole. How I wish ako yung katabi nya.
Napatingin ako sa bandang kanan nito at nakita ko din si Sean at Lexie.Nauna akong sumakay sa school bus.Ang vacant seat nalang ay sa akin at kay Sebastian.Bakit ang tagal nitong umakyat?Nasaan ba sya?
Biglang pumasok ang isa naming kaklase na babae at sumunod naman si Nicole.Yung kabog ng puso ko sobrang lakas.Akala ko tatabi sakin yung naunang babae pero kay Sebastian ito tumabi.
Nagulat nalang ang kasunod nito mukhang hindi na ito mapapakali sa kinatatayuan nya.
Lumagpas sya sakin at huminto sa may seat nila ni Sebastian.
"Miss pwedeng exchange tayo?" pangungumbinsi nito.
Sana hindi pumayag.Sana...
"Andito na ba lahat?" sigaw ng advicer namin.
"Yes ma'am" pagtugon ng class president.
"Okay.So umupo na para makarating na tayo sa ating pupuntahan."
Nicole's POV
Tadhana nga naman oh. Umupo na ako sa tabi ng ex kong hindi na ako kilala. Tumingin ako sa kanya at parang masaya pa itong nakatabi ako. Seriously? Napairap nalang ako sa inis.
Wala kaming imikan dalawa. Natural hindi nya ako kilala. Tumingin ako sa likod at nakita ko si lexie hays ang saya saya nilang dalawa.
Kumuha nalang ako ng headphones ko at nagpatugtog. Nakakaantok.
____
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Teka, napamulat ako sa aking mata at nakita ko ng malapitan tong mokong na to. Wait. So nakasandal ako kanina pa sa kanya? Napabalikwas ako at umupo ng maayos."Sorry" saad ko sa kanya
"Its okay" tipid na sagot nya. "Kumusta ka na?"
Wait. Ako ba tinatanong nya?
"Ako?" paglilinaw ko pa.
"Oo" tipid na sagot nya.
Ano bang trip ng lalaking to akala ko ba nakalimutan na nya ako.
"Okay lang. Nakaka move on na din" tiningnan ko sya ng masama.
Ang sakit lang kasi ng ginawa nya. Parang kapag nakikita ko sya sumasakit at sumisikip puso ko.
BINABASA MO ANG
Wrong Number
RomanceWe cannot avoid making mistakes. What if that mistake was the reason your life changed. Dahilan kung bakit mo sya nakilala. Ang taong magiging parte pala ng buhay mo. It all started with a Wrong Number.