Chapter 15 : Boyfriend Material

188 15 0
                                    

CHAPTER 15


Lexie's POV

Andito ako ngayon sa gym hinahanap ko yung librong nalaglag ko.Kinakabahan ako kung sino mang nakapulot non may pangalan ko pa naman.

Yumuko ako para makita ko yung sa ilalim ng upuan baka mahagilap ko kung saan man napadpad ang librong yun.

"Eto ba hinahanap mo?"

Napatingala ako sa nagsalita.Wait kilala ko to ah sya yung lalaking hotty kahapon.
Napatingin ako sa hawak nya.Oo libro ko nga yun.

"Ah e.Oo akin yan" pilit kong nag bait baitan sa lalaking to kahit na may atraso eto sakin.Ngumiti ako sa kanya sabay kuha ng libro ko.

"Don't worry hindi ko nabasa yang book mo.Medyo may BS kasi dyan" waaah! Ano daw?Hindi binasa pero pano nya nalaman?Nakakahiya!

Tumawa sya at nagsalita ulit.

"I like your taste" kumindat pa ito at umalis.

Waaaah! Manyakis sya.Binuklat ko yung libro at hinanap yung sinasabi nyang bed scene and oo meron nga.Hindi pa ako umabot dito.Sh*t.
Pumasok parin sa isip ko yung sinasabi nya. *I like your taste* Napailing nalang ako.

Ayoko na.Ayokong magkita ulit kami ng lalaking yun.Padabog akong lumabas ng gym.

"Kainis" gigil kong sabi dahil sa galit ko.

"Lexie" tawag ng lalaking kararating lang.Si Timothy? Anong kailangan nito?

"Oh?" wala parin ako sa mood.Nagsi-sink in sa utak ko yung lalaking yon.

"Ano kasi e.Pwede bang magpatulong sayo?" nahihiya pa nyang sabi sakin.

"Anong klaseng tulong?" pagtatanong ko sa kanya.

"Gusto kong e surprise si Nicole.Pwede mo ba akong tulungan?Tulungan mo ako magdesign.Kung pwede lang sayo"

Esusurprise? Ano daw?Manliligaw na ba sya?Waaahh kinilig ako.Haba ng hair ng kaibigan ko a.Sumang-ayon ako sa plano nya.

"Mamaya Lex,5 PM sa mall nalang tayo magkikita.Anyway,akin na number mo txt nalang kita mamaya"

Okay lang to at least makalimutan ko yung manyakis na lalaking yun kanina.


--

Nagkita kami ng bestfriend ko kanina and wala talaga itong ka alam-alam sa mangyayari ngayon.

"Nic,pwede mo ba akong samahan ngayon? Mga 7:30? " pagsisinungaling ko sa kanya

"Saan?" ngiti nya kala siguro nito gagala kami.

"Kasi birthday ng mommy ko e.Gusto ko sya e surprise" kung alam lang nito sya yung esusurprise.

"Sure.Go ako dyan" ngiting pagtugon nya.

Nagtxt na si Timothy sa akin.Sinabi ko kay Nic na susunduin ko nalang sya mamaya.

Nasa mall na ako ngayon at nakita ko na si Timothy.Napahinto ako ng makita kong dalawa sila.Paano sila nagkakilala???? Ano to?????

Lumapit silang dalawa sa akin at pinakilala ni Timothy yung kasama nya.

"Lex,si Sean Alvis pala kaibigan ko.Sasama din sya sa atin." Pagpapakilala ni Timothy "at Sean si Lex kaibigan ni Nicole"

Wanna know who he is?Sya lang naman yung manyakis kanina.Yung lalaking binato ako ng bola at yung lalaking nakapulot sa libro ko.

Kaya nga ako sumama para mawala na sa isip ko yung lalaking yan tapos ngayon?

"Hi nice to meet you " ngiti nya.

Wala akong imik ngayon.Nahihiya na ako.

Nakabili na kami ng ede-design mamaya at andito na kami ngayon sa mga stuff toys.
Namimili na si Timothy at lumayo muna ako sa kanila.Ang awkward talaga.Hays.Tumingin tingin nalang ako doon sa mga teddy bears na naka display and lumapit sakin yung lalaking manyakis.Nakangiti itong hawak ang cellphone nya.

"Hey" kinalabit pa nya ako habang nakatingin sa cellphone nya.

Anong trip nito?

"Oh?Bakit ba?" inis na sagot ko sa kanya.

"There is something wrong with my cellphone. It doesn't have your number in it."napakamot sya sa kanyang ulo.Ewan ko kung nahihiya ba sya sa sinasabi nya.

"Hey mister Sean Alvis can you please stop! Hindi mo ako madadaan sa mga ganyan mo.Im used to it."

Lumayo ako sa kanya actually kinilig ako.Ngayon ko lang to naranasan.Don't hate me,ganito talaga tayong mga babae.

Sumunod naman ito sakin ang kulit talaga.Ayoko pang mainlove ulit baka saktan na naman ako.Charot lang.

Sa pagmamadali kong makalayo sa Sean nato hindi ko na alam kung paano maglakad.Natapilok ba naman ako! tatanga kasi mabuti nalang at nandyan tong savior ko.Ayiee

Biglang nag slow motion ang lahat at tumingin sya sa aking mga mata.

"You may fall from the sky,you may fall from a tree,but the best way to fall" huminto muna ito at ngumiti "is in love with me"

Naku! Jusmeyooo.Hindi ko na alam gagawin ko sa lalaking to.Pafall ka naman po.Umayos na ako ng tayo.Hindi naman ako magpapatalo nu.

"You know what material this is?" I grab his shirt.

"What?" nakakunot-noo na sabi nya.

I whispered to his ears "BOYFRIEND MATERIAL" I winked at him and left.

Kala mo ah.Di lang ikaw magaling sa ganyan Sean Alvis.

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon