Chapter 12 : Date

202 22 7
                                    

CHAPTER 12


Nicole's POV



Saturday ngayon at nasa bahay lang ako.Kapag ganitong araw matagal akong bumabangon kasi andito parents ko.Oo,masama ang loob ko sa kanila dahil sa nangyari at nag explain naman sila ng side nila.Try ko lang daw baka magkamabutihan kami ni Timothy.
Matagal talaga akong gumising kaya laking gulat ko ng may lalaking nakaupo sa kama ko.

Saktong pagmulat ng aking mata ng makita ko ang pagmumukha ng mokong na to.


Akala nya siguro nakalimutan ko yung pagyakap-yakap nya sakin.

Napabalikwas agad ako at sinabing..


"Bakit ka andito?Si...nong nagsa..bi sayong pwede kang pumasok sa kwarto ko?" utal ko at kumuha ng kumot at inilagay sa katawan ko.Like hello? Wala po akong bra.Nakakahiya.

Tumawa lang ito.


"Ngayon ka pa ganyan e kanina ko pa nakitang nagtutulo laway mo.Tsaka nagpaalam ako sa mommy mo.Pinapasok nya ako kasi tulog mantika ka daw pag alam mong andito sila" natatawang sumbong nya

"Kahit na.Umalis ka na nga dito" pagtataboy ko sa kanya.Wala pa akong ayos nu kahit mukhang unggoy tong kasama ko ngayon nahihiya pa din ako.

"Ayoko" iling nya

"Ano?Lumabas ka na.Kwarto ko to kaya ako dapat susundin mo" sabay bato ko sa kanya ng unan

"Correction.Kwarto natin mahal" nang-aasar na naman sya.


Tumayo na ako at pumunta sa kina-uupuan nya.Kinuha ko yung kamay nya at hinila sya papuntang pintuan.


"Lumabas ka muna"

"Ayoko nga mahal" pagmamakaawa at pagpupumiglas nya.Mukha syang bata.

"Wag mo nga akong ma mahal-mahal dyan.Di mo ako madadaan sa ganyan" hinila ko na sya at akala ko magpapaubaya na ito.Laking gulat ko sa nangyari dahil hinila nya ako dahilan sa pagbagsak namin sa kama at ang worst pa na nangyari ay nagtapat yung labi naming dalawa.Dali dali akong tumayo at pinaghahampas sya.


Yung first kiss ko wala na.

"Waah! Kainis ka!!! Yung first kiss ko wala na paano na yung mapapangasawa ko nito.KAINIS!!" hinahampas ko na sya ngayon.Sya?Tawa lang ng tawa.

"Gusto mo mabawi first kiss mo?Sige ibibigay ko ulit" nakanguso nyang sabi habang nakapikit.

"Cheee.Ewan ko sayo bahala ka dyan" pumasok na ako ng banyo at narinig ko yung pintuan ng kwarto ko na bumukas.Baka lumabas na ang mokong na yon.

--


Pagkatapos kong mag-ayos lumabas ako sa kwarto at nadatnan kong nagkwentohan sina timothy at mommy.Ano to?

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon