Chapter 9 : Pagpapanggap

234 21 7
                                    

CHAPTER 9



Timothy's POV

Yes sinagot na nya ako.Hindi naman sa sobrang tuwa ko dahil pinagtripan ko si Nicole,gusto ko lang ipaharap sya sa pamilya ko at para naman malaman nilang hindi ako pwedeng e arrange marriage.Wanna know why?

Ganito kasi yan.I do have a girl who I really love,nasa states sya ngayon dahil kasalanan ko and I would sacrifice everything just to bring her back to me.Gusto kong magpanggap si Nicole na girlfriend ko para e atras ng parents ko kung anu man ang binabalak nila.I know its unfair for Nicole pero hindi naman siguro sya masasaktan dahil wala naman kaming feelings sa isa't isa.

Pagkatapos nya akong sagotin hiniram ko muna sya sa kanyang kaibigan,Lexie ata yung pangalan.
Hila-hila ko lang sya papuntang parking lot hindi naman sya nagpupumiglas katulad nung dati.Mas gusto ko yung ganito tahimik lang.Yung boses kasi nito sobrang lakas walang pakealam kung madi-discourage yung boyfriend nya o ano.

Pumasok na kami sa kotse,akala ko tahimik lang e

"ANO BANG GINAGAWA MO KANINA? WAAAH! HINDI KO NA ALAM ANONG MUKHA IHAHARAP KO NGAYON." sigaw nya.

"diba gusto mong ligawan kita?Oh eto na.Ginawa ko" pagdadahilan ko

"Ang ibig ko naman po sabihin mister e ligawan mo ako pero yung tayo lang dalawa walang involve na mga tao.Naghakot ka pa po ng mga fangirls mo" sagot nya na may pa hand gestures pang nalalaman.

"Sorry dapat kasi sinabi mo.Dapat specific."

"Ewan ko sayo.Yung tahimik kong buhay ginulo mo" pagdadabog nya

"Tumahimik ka na nga.Ikaw yung may gusto ng ligaw diba?Tsaka ang swerte mo nu may nanligaw sayong isang Timothy Alexander" ngiting pag aasar ko sa kanya.

"Wow ang gwapo mo talaga nuh?Mister Timothy?" sarcastic nyang sabi

"Oo.Bakit hindi ba?" Tanong ko at tinitigan sya

"Hin...di ko alam" utal nyang sabi sabay tingin sa ibang direksyo

"Oh?bakit hindi kana makatingin sakin Miss Nicole?" Pang aasar na saad ko sa namumulang babaeng kaharap ko.Ewan.Pero ang sarap asarin ng babaeng to.

"Wa..la"

"Talaga ba?" Nilapit ko yung mukha ko sa kanya.Sya naman mukhang hindi na alam ang gagawin

"Teka.A...nong gagawin mo?" utal nya at may paharang pang kamay sa katawan nya.

"Hindi ba talaga ako gwapo Nicole ?Or should I say baby Nicole?" ngiti ko at inilapit ko na talaga yung mukha ko sa kanya.Sya naman napa pikit nalang.

Tinitigan ko sya habang nakapikit ito.Napangiti nalang ako at inilagay ko na yung seatbelt sa kanya at bumalik na sa pwesto ko habang nakangisi.Sya naman mukhang hiyang hiya sa pinag gagawa nya.

"Matulog ka nalang kung gusto mo.Malayu-layo pa ang byahe"

"Teka san mo ba ako dadalhin?"

"Ipapakilala na kita sa kanila"

"ANOOOOO?"sigaw nya

"Wag ka ngang magsisigaw.Oo ipapakilala na kita.Uulitin ko pa ba?"

"Hindi na"

Wala na syang imik pagkatapos malaman nya ipapakilala ko na sya.Medyo mahaba haba na ang binyahe namin at hindi ko namalayan na nakatulog na pala sya.Hanggang sa marating na namin yung bahay.

Gigisingin ko na sana sya ng matitigan ko yung maaamo nyang mukha.Kung ganito lang din naman yung girlfriend ko mukhang hindi ko na to iiwan.Yung pilikmata nya na bagay na bagay sa kanya.Yung ilong nyang matangos at yung labi nya.

Inilapit ko na sana yung labi ko sa labi nya ng marealize kong hindi tama to.At huli na pala dahil bigla itong nagising at sinampal ako

"Aray ba't mo ako sinampal?" hinaplos ko yung pisngi kong sumasakit

"Sabi ko na nga ba may pagnanasa ka sakin" mukhang kakainin na ako nito dahil sa galit nya

"Hoy di ah.Feelingera to.Gigisingin lang po kita andito na tayo.Umayos kana dyan" pagdadahilan ko at lumabas na sa kotse.Ayokong masampal pa ulit



Nicole's POV

Nagising ako at sobrang gulat sa aking nakita.Muntik ng magdikit ang labi namin.Sino ba naman ang hindi magugulat doon ha? Napasampal pa talaga ako ng wala sa oras.

Kung gigisingin lang naman nya ako bakit kailangan pang ilapit yung mukha diba?Hays.Ewan.

Lumabas ako sa kotse at sumunod sa kanya.Pumasok na kami sa bahay.

"Huy.Ano bang plano mo?" tanong ko sa kanya.Baka lang kasi may plano sya nu.Ano to? Diretso lang?artista ako ganon? Na pwede lang walang script.

"Wala" tipid nyang sagot

"Ano?baliw ka ba? E pano kung mabuking tayo?" Baliw ata tong lalaking to.Nanggigil na ako sayo lalaki ka.

"Basta sumabay ka nalang sakin"

Papalapit na kami sa sala.Yung tibok ng puso ko sobrang bilis.Kinakabahan ako.

May nakita akong pamilyar na tao.Nakatalikod ito.Hindi ko alam kung sino pero yung kabog ng dibdib ko ang lakas.

"Oh Timothy napaaga ka ata? At sino yang kasama mo?" Tanong ng babaeng maganda mukhang mama nya to.

Ibinaling ko yung babaeng nakatalikod.Pamilyar talaga sya e.

Humarap ito at hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Mom?" napanganga nalang ako.
Paano ?Bakit andito mommy ko?

"Nicole? Teka bakit magkasama kayo?Magkakilala na pala kayong dalawa?" tanong ng mommy ko na naguguluhan din kung bakit magkasama kami at magkahawak kamay.Tinodo na talaga ng lalaking to yung pagpapanggap.Teka nga.Mabalik nga sa issue

"Mom bakit kayo nandito??? At bakit kilala nyo sila?" Pagtatanong ko na nagugulohan na talaga

"Gusto namin kayong e arrange marriage" sagot ng lalaki.

"What?Dad? Sya yung babaeng sinasabi nyo?" turo ni timothy sakin.

Teka nga.So ako lang yung hindi nakakaalam sa nangyayari? What the hell!


VOTE AND COMMENT
kamsahamnida *-*

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon