Chapter 1 : Calling Unknown Guy

1.4K 63 8
                                    

Paano kung sa isang pagkakamali ay magbabago na ang takbo ng buhay mo?

Paano kung ang tahimik mong buhay ay nasa piligro?

Piligrong kaya mong magpanggap na girlfriend ng taong hindi mo naman kilala?



CHAPTER 1 : Calling Unknown Guy


"Hello?"

"Hooooyyyy!!!! Ang kapal naman ng mukha mong paiyakin ang bestfriend ko!" galit na sumbat ko sa lalaking kausap ko ngayon.

"Anong pinagsasabi mo dyan! At tsaka sino ka ba ha??" Wow.Ikaw pang may ganang magmatapang ngayon.

"Aba!Aba!Aba! Hindi mo na ako kilala? Ako lang naman si Jade Nicole Chua! Ang kaibigan ng taong PINAIYAK,PINAASA,at INIWAN MO!" Naka capslock pa yan

"Hooyy miss! For your information! Hindi ako yung nagpaiyak sa kaibigan mo! Tsaka! Matuto ka ngang kabisaduhin ang mga numerong dina dial mo! ABALA KA!!" inilayo ko ang cellphone ko sa aking tenga. Tiningnan ko ang numerong nakatatak sa phone ko

"Anong akala mo sakin? BULAG!! "

"Kung wala kang magawa sa buhay mo!Wag kang mangdamay ng ibang tao!" Wow. Ikaw pa may ganang magsabi nyan.

"Bakit??? Naabala ba kita sa mga babae mo dyan! Lalaking manloloko!"

"Hoooy miss! Sinira mo na nga yung araw ko!Iniinis mo pa ako!Tignan lang natin kung sinong matapang! Magtago kana sa lungga mo dahil sisiguraduhin kong mahahanap kita Jade Nicole Chua!"

Tiningnan ko yung phone. Wait. Sino ba sya? Waaaah. KAINIS! Gusto ko nang mamatay. Sino ba kasi yung lalaki na yun? Baka magnanakaw o kaya naman kidnapper. Yah! AYOKO NA. Think positive Nicole. Malalagpasan mo rin yan. Lagot ka sakin Lexie. Pagkatapos kitang kampihan sa ex mo ibang number pa ang nabigay mo.

"Oh anong sabi nya best?"saad ni Lexie na mukhang excited na sa magiging sagot ko.

"Nakakainis ka hindi naman sya yung nakausap ko eh" sumbat ko sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ibang number binigay mo lex!"

"Sure?? Ano yung number?"

"09******146"She checked her phone and napatakip sya sa mukha nya.

"Gooosssh! Si Timothy Alexander yung natawagan mo!"

"Ah. Sino ba sya?" Seriously? I don't know him.Bakit ba ang OA ng reaction ng kaibigan ko.

"Di mo sya kilala? Saang planeta ka ba galing Nic?" mukhang nagulat sya sa sinabi ko. Hindi ko naman talaga yun kilala eh. Sino ba kasi sya. Alangan naman pigain ko utak ko para macheck kung may laman bang Timothy.

"Sa Mars siguro. Sino ba kasi yun ha?" nacu-curious na talaga ako dito.

"Sya lang naman ang heartrob ng school. Sila yung nagmamay-ari ng All Boys School sa tapat ng school natin Nic!"

"WHHAAAATT! Bat ngayon mo lang sinabi? Patay ako neto" nanginginig na ako. Mukhang ang taas ng kalaban ko.

"Sorry na best.Broken hearted kaya ako nung araw na binigay ko yung number!" pagmamakaawa pa nya sakin. Eh kasi naman e ba't ba ako nag over-react pero teka nga, bakit parang kasalanan ko pa?

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon