Chapter 11 : Yohann's Lovelife

213 18 19
                                    

CHAPTER 11

Yohann's POV

Nagising ako sa aking pagtulog ng marnig kong may sasakyang dumating.Narinig kong bumukas ang gate.Tinignan ko ang kwarto ng ate ko at wala sya doon.Ngayon lang sya na late ng pag uwi.

Lalabas na sana ako ng marinig ko yung pinag-uusapan ng dalawang nasa labas.Idinikit ko yung tenga ko sa pintuan.Akalain mo yun ang chismoso ko.Baka may makalap ako na impormasyon para naman makaganti ako sa ate ko.

"Salamat sa paghatid mo" kilala ko to.Boses to ng kapatid ko.Natawa ako bigla,nagpapacute ba sya?Hindi naman ganito tono ng boses nya.

"My pleasure.Thank you din kanina" pamilyar boses nung lalaki.

Bigla silang natahimik dalawa kaya binuksan ko na yung pintuan akala ko kasi tapos na sila.Pinihit ko yung doorknob at nakita ko silang nagyayakapan.Kumalas yung ate ko sa yakap at nahihiyang tumingin sakin.

"Ahm... Si..ge papasok na ako" utal na sabi ng ate ko at dali daling pumasok sa loob.

"Bro? I remember you.Ikaw yung naghatid sa ate ko noong una diba?Timothy right?" Paglilinaw ko

"Ah yeah.Ako nga sige alis na ako inihatid ko lang sya" dali-dali itong umalis.What's wrong with them?Nahiya ba sila?

Pumasok ako sa loob at nadatnan ko yung pangit na kapatid ko.Makaasar nga

"Uy,Sino nagturo sayong magyakap-yakap ha? Ang harot nito" sinundot sundot ko yung tagiliran nya.Mukhang wala sa mood to.Sinamaan ako ng tingin.Anong problema nito.

"Tumigil ka nga Yohann.Wala ako sa mood ngayon"

"Susumbong kita kay mommy" pagbabanta ko pero mukhang wala parin syang pakealam.

"Esumbong mo.Matutuwa pa siguro yon" tamad nya sagot sakin tsaka tumalikod at pumunta sa kwarto nya.

Ano daw?May topak na naman ata to or dinadalaw sya ngayon? Hays mga babae talaga ang hirap nyong intindihin.

--

At dahil Point Of View ko ito,buhay ko naman ang ilalahad ko nu.You know me right?I am Nicole's handsome brother.We are at the same school pero hindi sya sumasabay sakin.Dahilan ng ate ko?Ayaw daw nya dumugin ako at pati sya ng mga fangirls ko.Sabi ko naman sa kanya hindi sya madudumog kasi iba kami.Ako gwapo sya pangit hindi makakapag isip ang mga babae na kapatid ko sya.Pero joke lang,kahit inaasar ko sya lage mahal na mahal ko yun.

Let me tell you about sa babaeng nagugustohan ko.Anyway,pareho sila ng ate ko,walang pakialam sa mga gwapo sa paligid.That's why I admire her.Parati lang syang nasa library.She's just a simple girl,walang ka kolorete ang mukha.Kapag nagkasabay kami sa hallway hindi nya talaga ako napapansin.Habang may mga babaeng nagkakandarapa sa akin eto ako nagkakandarapa sa babaeng hindi ako kilala at hindi alam na nag e-exist ang isang katulad ko sa mundo.
Alam ko namang walang pag-asa so I let cupid and destiny do the work.

And then boom.

Eto na nga.Nasa library ako nun.Alam nyo kung bakit ako nandon?Sinundan ko lang sya para akong timang.Ang lakas ng loob ko sa ibang babae pero sa kanya hindi.Nahihiya ako kaya eto ako ngayon nasa malayo habang pinapanood ko syang nagbabasa.Hindi ko napigilang matulog,aminin mo din inaantok ka kapag nasa library.

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon