CHAPTER 29
Timothy's POV
Wala akong ideya na pupunta si Kaitlyn dito. Nakipag away pa kay Nicole. Nag-aalala ako baka hindi sumagot yung mahal ko pero mali ako,palaban pala to. Hindi na ito nakapagtimpi at sinampal ito. Sa kalob looban parang ang saya ko pa sa mga nangyayari. Yung puso ko sinasabing Go mahal lumaban ka.
Hinila ko na si Kaitlyn para wala ng away na magaganap.
"Ano ka ba ha?Bakit ka ba andito?"pagtatanong ko sa kanya.
"Bakit? Gusto kong ipaalala sa iyo na yung deal na sinasabi ng parents mo. Baka nakalimutan mo Tim. Enjoy na enjoy pa kayong magkakahawak kamay diba?" nakita nya kami.
Ibinaba ko ang pride ko.
"Look, please dont tell my parents about this." pagmamakaawa ko pa.
Ayokong masira ang buhay ni Nicole dahil lang sakin.
"Why? Dahil ba ayaw mong bumagsak ng tuluyan ang kompanya ng pinakamamahal mo? Sana inisip mo yan Timothy"
"Please." pagmamakaawa ko sa kanya. "Gagawin ko ang lahat ng gusto mo wag mo lang sabihin sa parents ko"
"Okay. Madali akong kausap. Pack your things and lets go home"
"Hindi naman ata tama yan Kaitlyn. Alam mong may activity kami"
Grabe. Bakit ko ba to minahal noong una? Hindi sya yung Kaitlyn na nakilala ko.
"Okay Fine. I'll let you choose. Go with that girl or Go home with me"
No choice ako. Sorry mahal.I pack my things habang si Kaitlyn ay nag-aantay na sa kotse.
"Wait.Saan ka pupunta?" pagtatanong ni Nicole sakin.Oo nakita nya akong dali daling inilagay ang mga gamit ko sa bag.
"Mahal,Im sorry.I need to do this. Magkita nalang tayo sa school okay?" pag eexplain ko sa kanya at binigyan sya ng forehead kiss.
"Nang dahil ba sakin kaya ka uuwi?" malungkot na sabi nya
"No. Shhh.. Dont cry" patulo na kasi ang luha nya kaya pinigilan ko ito. "Its not your fault. Basta promise me,Stay by my side okay?Mag behave ka dito" I hug her. How I wish na okay lahat.
"I love you"
Nanibago ako. Its her first time na sya yung naunang mag I love you sakin. Hinigpitan ko ang yakap sa kanya
"I love you too mahal"
--
Umalis ako sa camp kahit labag sa kalooban ko. Ang sakit lang kasi sa dinami dami ng tao bakit sa amin pa nangyari to.
"I thought you choose that girl over me Tim" masayang salubong nito sakin sa sasakyan nya.
"Stop it Kaitlyn" wala ako sa mood ngayon.
--
Natulog ako sa buong byahe,ayoko naman makipagkwentuhan sa babaeng to. Oo na,sabihin na natin na niloko ko sya noon pero grabe naman ata to.
Nagising ako sa paghinto ng sasakyan. Lumingon ako sa paligid at nakita ko na ang bahay namin. Medyo mahaba haba ang byahe kaya madilim na ang paligid.
Tinanggal ko na ang seatbelt at akmang aalis ng pigilan nya ako.
"Wait"
Nakakunot noo akong tumingin sa kanya.
"Look, I'm sorry sa ginawa ko kanina. Just give me another chance tim. Mahalin mo naman ako"
"I'm sorry. I cant love you anymore Kaitlyn. Hindi na ito katulad ng dati kaya please lang sumuko ka na. Let me go"
"NO" galit na itong tumingin sa akin.
Lumabas ako sa sasakyan nya. Napakamot ako sa ulo ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
-Fastforward-Nasa school na ako ngayon at natapos na din ang camp namin. I was walking at the corridor ng may humawak sa kamay ko. Lumingon ako at nakita ko ang napaka magandang babae na nakilala ko. Yeah,its Nicole. Sino pa ba.
"How's the camp? Nagbehave ka ba nung wala ako?"
"Okay lang naman medyo boring nga lang "
Napahinto ako sa paglalakad.
"Bakit naman?Wala na bang mga activity na binigay si maam?"
"Meron naman kaso wala kasing clown don e. Napauwi ng maaga" nakangiting sabi nya
"Wow ha.So ako yung clown na sinasabi mo?"
"Ha?Wala akong minention na name ah. Nagfefeeling ka dyan" natatawang sabi nya habang inii-swing ang kamay namin dalawa
"Miss mo ako nu?" pang aasar ko sa kanya
"Ha? Hindi ah. Bat kita mamimiss e andito ka naman sa puso ko" seryosong sabi nya habang nakaturo sa puso nya.
"Mahal naman e." kinilig kuya nyo. Naku naman,bakit ba kasi ang cute nitong bumibitaw ng salita ha.
"Oh? bakit ? totoo naman. You will always be in my heart my Timothy Alexander Dee" hindi ko ine-expect ang susunod nyang gagawin.
She just kiss me on my cheek. Kinilig ako kalalaki kong tao. Napahawak ako sa pisngi ko kung saan nya ako kiniss.Napangiti ako. Ang saya ko na,buo na araw ko.
BINABASA MO ANG
Wrong Number
RomansaWe cannot avoid making mistakes. What if that mistake was the reason your life changed. Dahilan kung bakit mo sya nakilala. Ang taong magiging parte pala ng buhay mo. It all started with a Wrong Number.