CHAPTER 38
Timothy's POV
Nasa wedding reception na kami at nagkanya kanya na silang nagbigay ng message sa aming dalawa. Unang nagbigay ang parents nya.
"So I'd like to congratulate the two of you. I know na hindi madali ang relasyon nyong dalawa. There were lots of challenges that you guys encountered. At kahit na ganon, andito pa din kayo fighting for it. Timothy, please take good care of our princess if she complains to me that you made her cry, I will definitely take her back from you" pagbabanta ng mommy nya sakin
"To my lovely daughter, I know you are happy. We as parents seeing you like this make us happy too. I know what you've been through. Noong mga panahong nag-aagaw buhay ka pa, we are there praying to God to give you a chance to fulfill your dreams. And now, you are here as a loving wife of this young man. Timothy, please take good care of my daughter" message ng dad nya.
"To my best enemy and best ate in this whole world, I'm so happy for you. Wala na akong maasar sa bahay kasi kinasal ka na kaya gawa na kayo ng maaasar ko para naman hindi malungkot sa bahay at para may tatawag na sakin ng poging tito. (natatawa na ito sa pinagsasabi nya) Ate, we love you at kung sasaktan ka man ni Timothy uwi kana sa atin at kami na bahala sa asawa mo promise wala kaming gagawin sa kanya babalian lang sya namin buto." tumingin ako kay Nic at sobrang tawa nito
Pagkatapos ni Yohann sumunod naman si Lexie.
"Teka, ano bang masasabi ko. Sa aking pinakamamahal na bestfriend, kyaaah ikinasal kana talaga. Saksi talaga ako sa una nyong pagtagpo. Ako talaga ang naging daan e. Kaya happy ako na dumating kayo sa ganito. We love you Nic and mas lalong love ka ng katabi mo.Yieee. Tama sila tita kapag sinaktan ka nyan (itinuro ako) sabihin mo lang samin kami na bahala (kumindat ito kay Nicole) "
Nag message naman ang parents ko at sina Sean at Sebastian. They congratulate us.
After ng wedding reception ay pumunta na kami sa Villa Hotel na gift ng parents ni Nicole. Honeymoon daw sabi nila. Binuksan na nya ang magiging room namin.
"Bakit ba kasi may gift pa silang ganito. Ano naman ga... "
Hindi na nya natapos ang kanyang sinabi ng hinalikan ko sya. I feel her smooth lips into mine.
"Eto gusto nila mahal ang magawan natin sila ng apo" nakangiting sabi ko habang hinalikan ulit sya. Naadik na talaga ako sa babaeng to.
"Wait. Can I just... go shower first?" namumula na ito.
Natawa naman ako at tumango sa kanya.
"Gusto mo samahan kita mahal?" pang-aasar ko sa kanya
"Dyan ka lang. Umupo ka nga dyan. Oh eto" inaabot nya sakin ang wine "inumin mo muna para hindi ka mainip kakaintay sakin"
Pumasok na ito sa banyo. Matagal itong lumabas kaya napahiga ako sa kama. Ilang minuto ang nakalipas at bumukas ang pintuan kaya nagpa as if akong nakatulog. Pinikit ko ang mata ko at naramdaman kong humiga na din ito. Hinaplos nya pisngi ko
"Good night" saad nito at kiniss ako sa lips. Nanlaki mata nya nung nagrespond ako sa kiss nya.
Bumitaw ito..
"Akala ko ba tulog ka?"
"Nope. Inaantay kita" maypa kindat pa ako sa kanya.
I kissed her again and slowly put her in bed. And yes, nangyari na nga ang gusto nilang mangyari.
"I love you" I said that after what we did.
"I love you too"

BINABASA MO ANG
Wrong Number
Storie d'amoreWe cannot avoid making mistakes. What if that mistake was the reason your life changed. Dahilan kung bakit mo sya nakilala. Ang taong magiging parte pala ng buhay mo. It all started with a Wrong Number.