Chapter 8 : Effort <3

247 19 3
                                    

CHAPTER 8

Lexie's POV


Palabas pa lang kami ng room ng nakasalubong namin si Timothy.Oo crush ko sya pero di naman ata tama yung ginawa nya sa kaibigan ko.Hmmmp.Disappointed ako.

"Lex?Manliligaw na ata yung mokong na yun sakin" saad ng kaibigan ko na kanina pa wala sa mood

Manliligaw na daw?WAIT?WHAAAAT?

" ANOOOOO?Bakit sya manliligaw sayo?!??"

"Mahabang kwento e."

"Make it short Nic."

"May usapan kami.May kasalanan ako sa kanya kaya ito daw yung consequence."

"Hindi naman tama ata yun." galit na ako ah.

"Hey, iniiwasan mo ba ako?" saad ni Tim na kararating lang.

So may something talaga sa kanila?Ganon?

"Okay.Alis na ako.Mag usap muna kayo" pagdadahilan ko sa kanila.

"Wait.Lexie."






Nicole's POV



Alam kong nabigla sya.Kainis! Bat ba kasi dumating pa tong lalaking to.Akmang hahabulin ko na sana yung kaibigan ko ng pigilan nya ako.

"Teka ,san ka pupunta?"

"Pwede ba bitawan mo ako.Hahabulin ko yung kaibigan ko."


Hinabol ko si Lexie.Baka galit sya dahil sa nalaman nya.Hindi ko naman ginusto to eh

"Lex,wait"

Humarap sya at halatang galit na galit.

"Oh ano?Sabi mo ayaw mo sa kanya?Bakit ganito?Bakit ngayon gusto na nyang maging girlfriend ka?Diba ayaw din ni Timothy sayo?Hindi ako galit dahil crush ko sya at inaagaw mo sya sakin.Ang sa akin lang naman ayoko masaktan ka.Ayokong pagkutawaan ka lang nya." pag aalalang sabi nya

"Ganito kasi yan lex.Teka lang ah.Explain ko lang sayo.Gusto nya kasing may mag panggap na girlfriend nya.Ewan ko lang kung bakit gusto nyang may girlfriend.Tsaka wag ka ngang mag alala.Hindi pa naman ako pumapayag sa utos nya nuh.Ayoko namang maging karelasyon ang kumag na yon.Kaya wag ka nga magreact ng ganyan"

"Pero parang manliligaw na sya sayo "

"Ewan ko sa kanya.Iniwan ko na nga eh.Hayaan mo syang dumugin ng mga fangirls nya don."

"Pano kung manliligaw nga sya?Sasagutin mo ba?"

"Ewan."

Pagkatapos ng pag amin ko kay lexie pumunta agad kami sa canteen.Hindi ko alam kung saan na napadpad ang lalaking yon.Bahala sya.

--

Habang nagke-kwentohan kami ng kaibigan ko biglang sumulpot ang isang lalaking may dala dalang gitara.Oo na.Alam nyo na kung sino yon.Palapit sya ng palapit sa amin.Hindi ko alam kung bakit nagso slow motion.Pakiramdam ko parang kami lang dalawa ang nandito.Ngumiti sya at para ba akong natutulala.Hindi ko namalayan na nasa tapat ko na pala sya.Bigla itong bumulong sa akin.

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon