Chapter 22 : I miss her

137 14 0
                                    

CHAPTER 22

Timothy's POV

Hindi ko mapigilang magtanong sa kanya kung okay lang ba sya. Halatang nagulat sya sa inaasta ko ngayon. Gusto ko syang yakapin ng mahigpit pero hindi pwede. Masisira lahat ng sinakripisyo ko. Mas mabuti pang lumayo ako sa kanya kahit na ako yung nasasaktan.

"I miss you" mahinang sabi ko.

"Ano sinabi mo?"

"Wala" tumingin na ako sa harap para hindi na kami mag usap. Lumingon ako sa bintana ng bus at biglang tumulo ang luha ko. Ang sakit sobra.

"Kilala mo ba ako?" pagsisiguro nya.

"Ahm.Hindi pa masyado.Nakita kasi kita nong nahimatay ka non." I want to hug her like before.

Hindi na sya umimik at sumandal nalang sa upuan.Mahaba haba ang byahe at hindi ko alam na nakatulog na naman sya.

Ilang oras ang nakalipas at dumating na kami sa gubat na sinasabi ng advicer namin.

Natutulog pa din sya.Hindi nya namalayan na nakasandal na naman ang ulo nya sa balikat ko.Ayoko ko syang gisingin.

Nagsilabasan na ang mga kaklase ko.

Napalingon ako sa likod at nakita kong padating nadin sila Lexie sa upuan namin.Pumikit ako para di halata baka kung ano pa sabihin nila.

"Nic gising andito na tayo." saad ni Lexie.

Nagising naman ito at nakatingin ito sakin.Inopen ko kaunti ang mata ko para makita reaction nya pero nakatakip lang ito sa bibig nya

"Kanina pa ba ako nakasandal sa kanya?" bulong nya sa kaibigan nya sabay turo sakin.

"Oo.Maharot ka talagang babae ka." Kinurot sya ni Lexie at tumawa lang ito.

"Halika na." nagmamadali itong tumayo at lumakad palayo sa kinauupuan ko.

Hinintay ko munang lumabas sila at tsaka ako sumunod.Masaya na akong makita syang hindi nasasaktan.I saw her with Sebastian.Nakasunod lang ako sa kanila at nakita kong nagtatawanan silang dalawa.Im happy mahal.Please be safe always.Hindi ko kakayanin na may manyaring masama sayo dahil lang sakin.Handa kong isakripisyo lahat para sa kasiyahan mo.

"Okay class andito na tayo" saad ng advicer namin

Nag set na kami ng aming mga tent. Tag dadalawa sa isang tent. Magkasama si Nicole at Lexie.

Kasama ko ang kaklase namin,hindi ko sya masyadong kilala. Wala e no choice ako kasi kinamumuhian na ako ng kaibigan ko pati ng mahal ko. Habang nagse-set kami ng tent nakita ko sa malayuan kung gaano sila ka saya. Tinulungan ni Sean at Sebastian ang dalawa.

"Okay class please gather up. Listen, I will not give you an activity tonight. You should get to know each other because this is your last chance kasi graduating na kayo. President take in charge no liquors allowed. Here's the schedule of our activity for tomorrow. Any questions?" iniabot ito ng advicer namin

"None so far ma'am"

"Okay guys. Malapit na dumilim kaya after dinner magtipon tipon tayo doon. Got it?" saad ng president namin habang tinuturo ang isang malaking space.

"Yes Pres" tugon ng mga kaklase ko.

--

Kanya kanya kaming magluto ng aming hapunan.

"Bro, pwede ka bang kumuha ng kahoy? Gagamitin sana natin para makapagluto na tayo" utos ng kasama ko.

--

Malayo na nilakad ko habang nagpupulot ako ng panggatong ng may narinig akong footsteps sa unahan. Oo, kalalaki kong tao pero takot ako sa multo. Medyo madilim na din kaya mas lalo akong natakot.

Papalapit ng papalapit ang footsteps hanggang sa...

"OMYGHAD!" gulat na sabi ng kaharap ko ngayon.

Its Nicole, napasmile ako bigla.

"Bakit ka ba andito? baliw ka ba ha? " pagsesermon nya sakin. Nakatago ako sa puno ng kahoy kaya laking gulat nyang may tao pala. Ipinakita ko sa kanya ang nakuha kong panggatong.

"Nautusan lang ako"

"Okay" cold na sabi nya at nagsimulang maglakad papalayo.

"Wait. Saan ka pupunta? Madilim na sabay na tayo pabalik ng camp"
Hindi sa natatakot ako ha gusto ko lang syang makasama kahit sandali lang.

Nagsimula na kaming maglakad and silence takes place.

" Ahm... Nicole right? " tanong ko sa kanya.

"Yes" tipid na sagot nya

"Can I hug you? Just one second"

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon