Chapter 36

116 14 0
                                        

CHAPTER 36

Timothy's POV


Nagpropose na ako sa kanya, it's my plan talaga. Kahit na andun pa sya sa States nagplano na akong pag magka ayos na kami pagbalik nya magpo-propose ako sa kanya. I contacted Sean at hindi ako nag expect na magrereply ito. They knew na andito na si Nicole sa Pilipinas at nagplano silang magkita bukas. So I tell him about my plan. He consulted Lexie about it and sumang-ayon naman ito. She decided na e su-surprise din ang kanyang kaibigan. Nicole told her everything kaya wala na itong galit sakin. And if itatanong nyo kung asan ang ex girlfriend ko na si Kaitlyn nasa abroad na din sya. After kong makapasa sa board exam at nakahanap na ng trabaho doon na ako nagrebelde. Sinabi ko sa parents ko na ayokong sila ang magdidikta sa buhay ko. Ayokong magpakasal sa taong hindi ko na mahal. Kaitlyn heard that kaya wala na syang magawa kung hindi umalis sa Pilipinas.

For now, focus na ako sa babaeng mahal ko and I would do everything para hindi na kami maghiwalay.


"Jade Nicole Chua, will you marry me?"

Grabe ang kaba ko mas matindi pa itong nararamdaman ko ngayon compare sa pagtake ko ng board exam.

"Yes"

Napaiyak ako sa sagot nya. Ganito pala ang feeling.

"Oo?Magpapakasal ka sakin?" pag uulit ko sa kanya

"Yes Timothy. YES" masayang sagot nito at niyakap ako

I'm so happy right now.

--

After ng proposal nag celebrate na kami kasama ang mga kaibigan nito. Lexie and Nicole happily hugged each other. Nakatingin lang ako sa dalawa at biglang nag flashback noong una ko silang nakita. Napaka bata pa namin noon. Napasmile ako, who would have thought na hahantong kami sa ganito.

Matapos ang apat na oras na celebration ay umuwi na kami. Andito pa din ako sa bahay nila dahil ayoko naman iwan tong mag isa.

Paakyat na sana kami sa kwarto ng biglang tumawag ang mommy nya.

Naka video call na silang dalawa at rinig na rinig ko ang pinag-uusapan nila.

"How's our princess?"

"I'm okay mom. Wait.. I have something to show you."

"What is it?" excited na tanong ng mommy nya.

"Tadaaaa" ipinakita nya ang kanyang kamay na pinagsuotan ko ng singsing

"Wait. Are you engaged?"

"Yes" masayang sagot nito

"Yah. Alam ko talaga pinunta mo dyan e, ang makita si Timothy.Wait. Tatawagin ko ang dad mo at Yohann"

Nakasilip na ako sa video call nilang dalawa. Kinabahan ako sa magiging reaksyon nila.

After a minute bumalik ang mommy nya kasama ang daddy nito at si Yohann

"Hey. Okay ka lang dyan?" pag-aalalang tanong ng daddy nya

"Yes dad. Look (ipinakita nito ang kanyang singsing)"

"I knew it. I'm so happy for you my baby,malaki ka na talaga."

Napatawa naman itong katabi ko.

"Dad, stop it. Wag mo na akong ibini-baby. I'm engaged na"

"Yeah.Where's the luckiest guy by the way?"

Ipinakita nya naman pagmumukha ko. Bigla ako kinabahan. Nag wave ako sa kanila.

"Hi po tito at tita"

"Wag mong saktan ate ko Timothy. Ako talaga makakalaban mo" pagbabanta ni Yohann

"Hindi ko sya sasaktan. I promise"

"Kailan ba ang kasal? Update us para makapag book kami ng flight" excited na tanong ng mommy nya at mukhang ready na bumalik sa Pilipinas.

"Mag se-set pa kami ng date tita"

"Okay good. Dapat madaliin nyo gusto ko na ng apo"

Napanganga naman tong katabi ko.

"Mom, stop it"

"What? (natatawang sabi nito) Totoo naman. Gusto ko na ng apo,wala kaming baby dito"

"Mommy. Bye na. Matulog na kayo kung anu ano nalang iniisip nyo."

She ended the call at padabog na umakyat sa kwarto nya. Nakasunod ako sa kanyang nakangiti sa inaasta nito

Pagdating sa kwarto nya niyakap ko sya habang nakatalikod ito sakin.

" Okay ka lang? Gusto na ng mommy mo ng apo mahal" pang-aasar ko

"Hindi madaling gawin yun e." nakasimangot naman itong humarap sakin. Ang cute talaga nito

"Turuan nalang kita" tawang sabi ko sa kanya

"Yuck. Hahaha Dun ka nga" itinulak nya ako sa kabilang side ng bed nya.

Ang sarap nitong asarin.

"Mahal, kailan mo ba gustong ikasal?" pagtatanong ko habang inaayos na ang hegaan namin

"Next month" tipid na sagot nito

"Yiiee. Gusto mo talagang makasal na tayo agad-agad"

"Malamang. Ayokong may eeksena na namang ex at aagawin ka "

Nagseselos na naman po sya.

"Okay sige. Magpapakasal na tayo next month."

Lumapit ako sa kanya at pinaupo sya sa kama.

"Mahal, itong tatandaan mo ha. Kahit ilang babae pa ang dadaan sa buhay ko ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko.Okay? Wag kanang mag-isip ng ikaka stress mo" I kissed her forehead pagkatapos ko itong sabihin sa kanya.

"I love you" niyakap nya ako ng sobrang higpit.

"I love you too mahal. Gawa na tayo baby"

"Tumahimik ka nga. Ang ganda na ng mood ko kanina"

"Hahaha sorry na po" I kiss her cheeks para di na magalit sakin.

"Dadating tayo dyan kaya mag-antay ka po" sagot nito with her cute voice.

"I can't wait mahal"

"Hay naku. Tumayo ka nga doon ka sa kabilang kwarto matulog baka kung ano pa magawa mo sakin. Sabi ng dadating din tayo dyan"

"Oo na po. Sige po matulog na tayo.Magbe-behave na po ako" pag-aawat ko sa kanya baka palayasin pa ako dito sa bahay nila.

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon