Chapter 2 : Harapan with Ex

566 45 1
                                    

CHAPTER 2 : HARAPAN WITH EX

"WALANGHIYA KA ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA MONG MAG SORRY SA KANYA!" sinampal ko ito dahil sa galit

"Araaay. Bat ba ang laki ng galit mo sakin? Di naman ikaw yung iniwan ko ah?" Wow. Lakas ng loob pre. Ikaw pa nagagalit ngayon ha?

Aba nga naman. Nakaka panggigil. Nag-uusok na ilong ko sa lalaking to kala mo ah.

"Ahh ganon? Suntok gusto mo? Dahil sayo may nagtatangka na sa buhay ko. DAHIL SA KAGAGUHAN MO!" sumbat ko sa kanya

Totoo naman diba? Sya yung may kasalanan lahat ng to.

"Nic Tara na nga.Wag na natin sayangin ang oras sa lalaking yan." sabi ng kaibigan ko.Alam kong umiiwas lang ito.

Ayokong habang buhay nalang syang di makaka move on.

"Aalis ka lang ng walang binibitawang masasakit na salita sa kanya Lex? Pano ka naman makaka move on sa lalaking to?" Tama naman ako diba?It's time to move on haler.

Galit naman itong tumingin kay Josh. Ganyan Lexie, I'm so proud. Ibuhos mo na.

"OO NA WALANGHIYA KA JOSH! MINAHAL KITA GAGO KA. MAGSAMA KAYO NG GIRLFRIEND MONG WALANG IBANG GINAWA KUNDI SIRAIN ANG BUHAY KO!"

Wow.Napanganga ako sa kaibigan ko. Grabe. Sa wakas nailabas nya din yung galit nya. Tama yan bestfriend para naman matauhan na tong lalaking to.

"Let me explain" hahawakan na sana nya ang kamay ng kaibigan ko pero tinapik nya lang ito. Yan,ganyan Lexie. Wag kana maging marupok.

Naiinis talaga ako sa mga ganyang lalaki. May pagkakamali na nga,bibilugin pa utak mo. Di na ako papayag na masaktan best friend ko kaya sorry ka nalang Josh. Isusumpa nya pangalan mo.

"Explain??Wag na.Pagkatapos ano? Paaasahin mo na naman kaibigan ko!?" bulyaw ko sa kanya. Ayokong iiyak na naman to sakin.

"Lex.Minahal kita" Minahal? Wow,Big word

Nakakadiri kung mahal nya kaibigan ko di sana sya nambabae. Di kasi makuntento sa isa.

Tiningnan ko si Lexie mukhang isang balde na luha nya. Naku naman. Yung eyebags mo beh.

"Mahal ha?Kailan mo ba ako minahal Josh?!" I feel the pain

Yan.Ipakita mo sa kanya na natauhan ka ngayon. Mang hihinayang din yan pagdating ng panahon. Ipamukha mo sa kanyang kaya kang mabuhay ng wala sya.

"Lexie please "nagmamakaawang sabi ni Josh

Huy kahit magpacute ka pa sa kanya di na tatalab yan. Nakalista na sya sa mga taong nasawi sa pag ibig. Isa na syang ganap na BITTER ngayon.

"Tama na nga yan. Hoooy ikaw Josh may girlfriend ka na kaya pwede ba wag mo nang landiin ulit ang kaibigan ko. Tara na nga lex,wag mong sayangin ang kagandahan mo sa lalaking GAGO! "

Hinila ko sya kung saan-saan. Nawala sa isip ko yung timothy na yun baka umuwi na sa school nila. Nasa akin ang huling halakhak. *evil laugh*

SUCCESS Nicole. Sana hindi na babalik ang mokong na yon.

"Teka,San tayo pupunta?" Tanong ng kaibigan kong litong lito na.

"Oo nga saan ba?" inosente kong tanong sa kanya.

"Ikaw tong nanghila sakin tapos ako tinatanong mo?"

Oo nga.Umiiral na naman ang pagka genius ko.

"Sorry naman e sa naiinis ako sa ex mo!"

"Halata naman yung sampal mo sa kanya tagos sa buto.Idol na talaga kita Nic." tuwang sabi nya.

Yung totoo? BROKEN HEARTED ba to o na a- abnormal na? Mukhang wala na sa katinuan yung kaibigan ko.Kanina iyak ng iyak, ngayon mukhang wala lang sa kanya yung nangyari.

"Gusto ko lang naman na protektahan ka sa kanya Lex. Sakit kaya ng ginawa nya sayo. Damang dama ko yung iyak mo kanina.Grabeee pang MMK na story mo"

"Talaga? Try ko kayang ipadala yung story ko." sabi pa nya.

Hayst abnormal na nga binibiro ko lang naman sya kanina sineryoso naman nya.Kaya pala palaging nasasaktan kasi sa simpleng biro pinapatulan.Tsk ewan ko ba sa babaeng to.Bat kaya kami naging close nito.Mukhang mas abnormal pa to sakin pero mahal na mahal ko to.

Napatingin ako sa oras.

"Hala. May class pa pala kami sige Lex kita tayo mamaya"  nagmamadali kong sabi sa kanya.

--VOTE AND COMMENT--
kamsahamnida *-*

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon