Chapter 10 : Arrange Marriage

274 19 9
                                        

CHAPTER 10


Nicole's POV

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa.Biruin mo wala akong ka alam alam sa nangyayari.Grabe yung disappointment ko sa parents ko.Ni hindi nila ako sinabihan na ipinagkasundo nila ako.

Hiyang hiya na ako sa mga taong andito.Lumabas agad ako sa bahay,gusto kong umuwi.Walang patutunguhan tong pagpapanggap na to.

"Nicole wait" paghahabol pa ni Timothy sa akin sabay hablot ng kamay ko para iharap ako sa kanya.

"Oh ano? Hindi na dapat tayo magpapanggap.Alam mo na naman diba?TAYO?TAYO YUNG E ARRANGE MARRIAGE! " galit na galit kong saad sa kanya.Ayokong sila yung magdedesisyon sa takbo ng buhay ko.

"Oo.Ma's okay nga yun e.Hindi na tayo magpapanggap kasi tayo lang din pala.Ayaw mo nun?May fiance kang super gwapo?" Pang aasar pa nya

"Gwapong gwapo ka talaga sarili nu? Itong tatandaan mo Timothy Alexander,Capital N E V E R. Never akong maiinlove sayo.Gets mo? " paglilinaw ko pa na may pa hand gesture pa.

"Talaga? Oh sige tignan lang natin" may pa kindat-kindat pa syang nalalaman.

"Hindi mo ako makukuha sa pag kindat-kindat mo dyan" itong lalaking to ang lakas mang asar mukhang wala lang sa kanya yung nangyayari.

"Talaga? Eh bat namumula pisngi mo my dear fiance?" sabay haplos nya sa pisngi ko.

Tinapik ko ito at akmang aalis

"Teka saan ka pupunta?"

"Uuwi" tamad kong sagot sa kanya.Teka nga,palakad lakad ako dito wala namang ibang masasakyan.Padabog akong bumalik sa kinaruruonan nya.

"Oh? Bakit ka pa andito?Sabi mo aalis ka na?" tawang sabi nya at may halong pang-aasar.

"Walang masasakyan.Ihatid mo ako" pag uutos ko sa kanya.Malamang naman sya nagdala sa akin dito so dapat sya yung hahatid pauwi sa akin.

"Ayoko" sabay talikod nya

"Hoy sige na" pagpupumigil ko pa para hindi sya bumalik sa loob ng bahay.Para na akong bata ditong nagmamakaawa e.Hila hila ko pa po sya.

Tumitig muna sya sakin at sinabing.

"Sige.Pero sa isang kondisyon"

What?May kondisyon pa syang nalalaman.

"Ano na naman? para naman matapos na to at makauwi na ako.Sige kung ano pa yan susundin ko."

"Makipag date ka sakin.Wala namang masama diba?Magiging asawa din naman kita" pang aasar na naman nya.

Nanggigigil na talaga ako sa lalaking to.Ano bang malaking atraso ko dito .

"Bakit pa?Pwede ko naman sabihin sa parents ko na wag nilang ituloy binabalak nila.Tsaka yun din naman ang gusto mo diba?Kaya tayo nagpapanggap ?Oh eto na.Malaya ka na po mister"

"Hindi.Basta.Kung ayaw mo edi wag.Maglakad ka pauwi sa inyo or sumabay ka nalang sa parents mo" lumakad na sya papasok.

Ayoko.Galit ako sa kanila.Napapikit nalang ako .

"Wait.Oo na"

"Ano?Hindi ko marinig?"

"Oo na pumapayag na ako." pag uulit ko.

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon