Chapter 5 : Effort ni Timothy

431 37 1
                                    

CHAPTER 5




Timothy's POV


"Be my girlfriend" diretso kong sabi

Sana.Sana.Sana.pumayag ka please.Kailangan ko lang talaga na may magpanggap na girlfriend ko.

"ANO?AYOKO NGA!HINDI KO MATATAGALAN ANG PAG-UUGALI MO!"

Ayst.Sabi ko na nga ba hirap din pasagutin to. Naka capslock pa yang sabi nya ah.Ang intense kasi.Ngayon lang ako inayawan ng isang babae.Sya lang! Aisssh!

"One week lang no!Tsaka,wag kang mag alala,di kita type!"

"HINDI DIN KITA TYPE KAYA DI KO GAGAWIN YANG INUUTOS MO! MAKAALIS NA NGA LANG"
W*l*ngya may balak pang iwan ako dito.

Ano bang problema nya?Grabe kulang nalang lumuwa yung baga nya sa kasisigaw.Di naman malayo yung pagitan namin.Anong trip ng babaeng to.

Akmang aalis na sya pero ako naman na mukhang si lastikman dali-dali kong pinigilan ang kamay nya.

"Sinong may sabi na pwede ka nang umalis??"

Nagsmile sya.Grabe! Maganda din pala to.

"Bakit? Kailangan ko pa bang magpaalam sayo?"

Oo nga naman.Tanga mo Tim.

"Bitiwan mo nga ako!" tumakbo ito

"Miss Wait!"

KAINIS! Ano na naman to?Maghahabulan na naman ba kami?Aish kung di ko lang kailangan tong babaeng to di na ako mag aaksaya ng oras sa kanya.Kaso, kailangan ko tong gawin.Hinabol ko sya pero mukhang ninja ata to di ko maabutan.

"Ayokong gawin yang pinapagawa mo!" lakas ng tama nito.Lingon ng lingon sakin di tumitingin sa dinadaanan nya.

"Teka!Mababangga ka"

Naku naman pahamak talaga tong babaeng to.Pinagtitinginan na kami dito.

*Booooogggssssh*

"Aray,ang sakit ng ulo ko" hinimas himas nya yung ulo nya yan napapala.Takbo kasi ng takbo.Sa POSTE pa sya nabangga.Nakakaawa tignan. Mapagtripan nga ...

"Ayan napapala mo di kasi nasanay sa kagwapuhan ko. Halika nga,tulungan na kita"

"Wag na!"

Akmang tatayo sya pero bigla nyang pinikit ang mata nya.

"Waaaahh! Nahihilo ako"

"Di ka kasi nakikinig!"

Yan Tim.Ipakita mong may malasakit ka sa kanya para di na sya tatanggi sa deal mo.

"Hinahabol mo kasi a** *blackout*"

"HOOOY MISS! GISING!"

WHAT THE H*CK! Mabuti nalang nasalo ko sya.Bigla ba namang nahimatay! Anong gagawin ko dito sa babaeng to?

Napagdesisyunan kong dalhin sya sa bahay.Maraming nakatingin na studyante samin binalewala ko nalang sila.Pinapagpahinga ko muna sya sa kwarto ko at hinanap yung katulong namin para asikasuhin sya.

Hinanap ko si manang sa kusina.At,ayun! Nakita ko nga.Pinakiusapan kong bihisan si Nicole kasi madumi na yung uniform nya.Pumunta muna ako sa kwarto ko para maligo nang masilayan ko yung natutulog nyang mukha.Nilapitan ko sya,hays.Ang amo naman ng mukha nya.Para syang anghel.Yung pilikmata nya,saktong sakto kung di lang masungit to baka pinakasalan ko na to.Biro lang. Inilapit ko mukha ko sa kanya. Ano ba tong ginagawa ko.Yung puso ko ang bilis ng tibok.Unti-unti kong inilapit ang labi ko sa labi nya .......

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon