Nicole POV
Ang kulit talaga ni Timothy. Namimiss ko kakulitan nya kaya hindi ko sya pinapansin. Ang cute lang kasi nya tignan kapag naglalambing.
Kahit na sa pag hike namin nangungulit parin sya sakin. Hinawakan nya kamay ko habang sabay kaming naglalakad.
Napatingin ako sa kanya...
"Baka malaman ito ng parents mo.Anong gagawin natin?" nag aalalang sabi ko sa kanya
"Wag muna natin isipin yan."
Anong wag isipin Tim. Ni hindi nawala sa isip ko kung anong mangyayari kapag nalaman nila.Baka kung anong gawin ng parents mo sa pamilya ko.
Gusto ko yan sabihin sa kanya pero wala akong lakas. Tiningnan ko sya at ang happy nya lang.
Tumingin ito sakin at nagsmile ako sa kanya. Tama na kakaisip sa anuman ang mangyari Nicole. Oo,tama na.
Malapit na kami sa finish line at bigla nya lang binitawan ang kamay ko.
And yeah, alam ko kung bakit nya binitawan. Ito ay dahil sa babaeng kaharap namin ngayon. Its Timothy's ex girlfriend. Bakit andito sya?
"Babe" tawag ng babaeng to.
Nanggigil ako.
Pinuntahan naman ni Tim si Kaitlyn."Bakit ka andito?"
Diba halata Tim? Gusto ka nyang makasama.Tsk
"I want to surprise you" pabebeng sabi nya.
Napairap nalang ako sa aking narinig. Napaka arte naman ng babaeng to.
Tumingin ito sakin.
"Wait. Diba sya yung nag hug sayo babe?Yung sinabi mong hindi mo kilala? Bakit andito sya?" tinuturo pa nya ako. Nakuuuu. Parang gusto kong balian ito ng kamay.
"She's my classmate" wait. Ano daw??? classmate?
Napatingin ako sa kanya at para bang sinasabi ko ano to tim? Anong ka gaguhan to?
Wala man lang itong imik.
"Hey, Im Kaitlyn. I know you. Nicole right? Yung girlfriend ni Sebastian?" napatingin si Timothy sakin.
"Oh,sorry ayaw mo pala makipag shake hands" dagdag pa nya with bitchy tone
Nanggigil na talaga ako dito.
"I don't like to shake hands with a woman like you. A woman who forces herself on someone who doesn't love you. Alam kong may pera ka kaya madali lang sayo makuha ang gusto mo pero itong tatandaan mo hindi mo mabibili kahit na kanino man ang pagmamahal na inaasam mo. Ambisyosang frog."
"Wow.Kung makapagsalita ka kala mo kung sino ha. Girl, affected ka parin ba? Wake up hindi na ikaw ang mahal ni Timothy. First love never dies kaya matuto kang lumugar" pagmamatapang nya pa.

BINABASA MO ANG
Wrong Number
RomanceWe cannot avoid making mistakes. What if that mistake was the reason your life changed. Dahilan kung bakit mo sya nakilala. Ang taong magiging parte pala ng buhay mo. It all started with a Wrong Number.