CHAPTER 4 : THE DEAL
Nicole's POV
At dahil wala kaming klase sa Math, ilalaan ko nalang ang oras ko sa music room walang tao don kaya makakapag-isip ako ng maayos.
Papunta na ako sa music room ng biglang.....
"GOTCHA!!"
"WAAAAAH! PUTANG INA! Hoooy! Bat ka ba nang gugulat!?" sigaw ko sa kanya.
SERIOUSLY? Stalker ba tong lalaking to. Nakakainis. Sarap iuntog sa pader para makalimot na sa ginawa ko sa kanya. Ang OA lang ha sa simpleng tawag nagkakaganyan sya. Grabe! Mamatay ako ng maaga sa lalaking to!
Yung tawa nya mukhang wala ng bukas. Sana sya rin di na maabutang ng bukas "Ano Miss? Tatakbo ka pa ba? "
"Excuse me? Bat naman ako tatakbo?! Hindi ako takot sayo no! "pagmamayabang ko pa
Honestly. Takot ako sa lalaking to. Pano ba naman parang may binabalak na masama ang mokong nato pero ako lang naman si Jade Nicole Chua. Ipapakita ko sa kanya na matapang ako. Tingnan lang natin kung sinong mananalo sa trip nya. (Evil smile)
"Ahhhhh.. So anong tawag mo don sa ginawa mo kanina? Yung (ginaya si Nic) Lex... 1.2.3 TAKBOOOO!?"
ABA NGA NAMAN. Nanggagaya pa to pinaalala mo pa. Kainis! Nanggigigil na ako sa mokong na to.
"Heeeee! bat mo ba ako sinusundan!? Stalker ka no?"
"Wag kang feeling.Remember ? May utang ka sakin! *evil smile*"
Teka! Utang? Wala naman akong utang ah. Tsaka, sa pagkakaalam ko,di naman ako nangungutang ng pera. AS IN NEVER! Asa pa tong lalaking to sa ganda kong to. Jk lang. Masermonan nga....
"UTANG!? wala akong utang sayo. Tsaka,di ako nangungutang ng pera!"
"Sino ba ang nagsabing pera ang inutang mo? ANG SLOW mo talaga no!"
"Ano ba talaga!?"
"First, nong tumawag ka sakin at sinira mo yung tulog ko. Second yung sinabihan mo ako na manloloko. Third yung laos ako.Naalala mo na? Yan ang utang mo kaya naman, babayaran mo ito sa ayaw at gusto mo"
YUN LANG? Naku naman parang bata naman kung makaasta to. Yung batang inagawan ng lolipop at nanghihingi ng kabayaran. Nagtitimpi na ako sayo ah.
"Ang babaw mo naman para yan lang?! Bakit? Ano bang ginawa ko sayo? Hindi naman kita sinuntok para maghiganti ka sakin. Sinabi ko lang naman ang totoo."
Sheeeemayyy tinitigan ko sya.Grabeeee parang mangangain nato ng tao. Yung mata nya may spark. Nakakainlove.
WAIT! Ano daw? Waaahh! Erase.Erase.Erase.Wag kang mainlove sa lalaking yan Nicole. Remember! Sya ang dahilan kung bakit nasira ang araw mo!
"Miss.Alam mong sikat ako sa school nyo at sa amin. Pinapahalagahan ko kung sino ako ngayon. At walang ni isang studyante ang nagtangkang pagsalitaan ako ng ganyan! IKAW LANG!!" galit nyang sabi. Sorry naman e sa hindi ko alam na sikat ka po.
Patay na galit na yung tigre Nicole. Anong gagawin ko? Ibaba mo nalang pride mo Nic. Oo,tama. Para matapos na to.
"Sorry. Hindi ko naman alam na ikaw yung natawagan ko. Tsaka,hindi ko alam na sikat ka"
"So ganon nalang yun? Di ako aalis sa school mo kung walang kabayaran sa ginawa mo sakin"
Abusado to hindi ko na nga pinairal yung pride ko para magkaayos na kami tapos ganito? Ha! Bahala ka sa buhay mong lalaki ka.
"Hinding hindi ko gagawin kung ano ang iuutos mo!"
"Wala pa nga akong inuutos ang OA mo na!"
Sana nag aral ako ng karate para masira ko na pagmumukha ng lalaking to panira ng araw.
"Ano ba talaga? Para matahimik ka na at makabalik ka na sa school nyo, bawal ang panget dito!!" pagtataboy ko sa kanya. Kala mo ah di lang ikaw matalino.
"Ako ?? Panget??? Baka ikaw"
"Cheeee!"
"Be my girlfriend" naka smile pa nyang sabi
WHAAAAAAT! GIRLFRIEND??? ANONG PINAGSASABI NG LALAKING TO?
Never pa akong nagka in a relationship sa buong buhay ko. Eeeeeww naman ayoko nga. Lakas din ng self confidence nito. AS IN NEVER. NEVER. N-E-V-E-R. Kahit gwapo ka pa ayoko sayo.
--VOTE AND COMMENT--
kamsahamnida *-*
BINABASA MO ANG
Wrong Number
RomanceWe cannot avoid making mistakes. What if that mistake was the reason your life changed. Dahilan kung bakit mo sya nakilala. Ang taong magiging parte pala ng buhay mo. It all started with a Wrong Number.