Chapter W

299 8 3
                                    

Chapter W

Xia's POV

The prefect's decision is final. Kia will be suspended for one whole month and yes, hindi sya makakasama sa 50th Anniversary ng University. This November kasi ay magkakaroon ng party, celebration ng school at sa kasamaang palad, hindi kasama si Kia. Napangiti ako. Magagawa ko na ang plano ko sa wakas.

Walang masyadong preparation para sa party kasi mostly mga sayawan lang yun at walang mismong program. Ito ay magaganap ng ika-6 ng gabi hanggang 12. Para syang ball na may konting play.

Akala ko wala nang pag asa ang mga plano ko pero sa huli, magagawa ko. Sobrang saya ko. Akala ko hindi na matutuloy ang mga paghihiganti ko. Akala ko ako lang ang makakaranas ng sakit pero sa huli, ipaparamdam ko din sa kanya ang mga pinagdaanan ko. Kesa sa mainis ako dahil sa ginawa ni Kia, nagpapasalamat pa ako dahil ngayon ay mangyayare na ang pinaka hinihiling ko.

Sa mga nagdaang araw ay puro sa paghahanda lang para sa party. Naka cocktail lahat ng girls at ang mga boys naman ay long sleeves. Nandito kami ngayon ni Gino sa mall para magtingin ng damit. 

"Dyan ka nalang muna sa labas kung naiinip ka, okay?" sabi ko sa kanya pero umiling lang sya.

"Dito lang ako." aniya. Ngumiti ako at nagtingin pa uli. Sa pagkakaalam ko, ayaw na ayaw ng mga lalake ang naghihintay. Pero etong si Gino, parang naeenjoy pa ang pagsama sakin.

Ang dami kong nakitang magagandang dress kaso ang mamahal at hindi kaya ng budget ko. Nakakapanghinayang dahil minsan lang mangyare sa buhay ko ang mga ganito. Nung seniors kasi kami ay walang mga prom na naganap.

"Eto okay na?" tanong ko habang paikot ikot sa harapan ni Gino. Ang sinuot ko ay color lavander na may silver na glitters sa taas. Sobrang sparkly nya kaya nakakatuwa.

Nanliit ang mata ni Gino at pinagmamasdan talaga ako. Pinasusukat nya sakin ang iba pang dress para makapili daw sya ng babagay sakin. Ang sunod ko namang sinuot ay yung black na dress na may glitter din na details. Sobrang elegant at classy nya tingnan at mas lalong namumuti ako sa ganitong style.

Ngiting ngiti si Gino sakin. "Ang.. ganda mo, grabe." halos walang boses nyang sabi. Tnaging lip reading lang ang ginawa ko para maintindihan sya.

Namula ako at ngumiti. Sanay na ako sa kanya kasi lagi nya akong sinasabihan nyan araw araw pero ngayon, parang iba. It's not like sinasabi kong nagbibiro lang sya pero this time, it's beyond sincere. And I can see this through his eyes. "So ito na?" tanong ko sa kanya.

Natulala sya sakin at napatingin sa isa ko pang hawak na dress. "Bakit ayaw mong isukat yan?" turo nito sa dress na color mint. Sa lahat ng dress na nakita ko, ito ang pinakagusto ko kasi favorite color ko. Mesh yung pinakataas tapos bukas ang pinaka likod nito. Nung una ko palang nakita ito ay nagandahan na ako.

Nahihiya akong ngumiti. "I can't afford." sabi ko at umiwas ng tingin.

Tiningnan nya ako at ngumiti. "Isukat mo. Akong bahala." aniya. Nanlaki ang mata ko. Seryoso ba sya? Ang mahal kaya nitong dress nito. Nakakahiya!

Tumango ako at sinunod nga ang sinabi nya. Habang nakatingin sa salamin ay napapangiti ako. Natutuwa talaga ako sa ganitong kulay ng damit. Ang relaxing tingnan. Lumabas na ako sa dressing room at tuwang tuwa na lumapit kay Gino.

Pinagmasdan nya akong mabuti. "Talikod ka." utos nito. Nagdalwang isip pa ako kung tatalikod ako kasi bukas nga yung pinaka likod nung dress.

Kinagat ko ang labi ko habang pinapakita sa kanya yung damit. Nakakahiya talaga! Feeling ko pinapakitaan ko sya ng kung ano. Lumapit sya sakin at binigay yung sweater ko na suot kanina nung nagpuntang mall.

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon