Chapter S

276 6 3
                                    

Chapter S

Xia's POV

Bali balita na sa buong campus na kami na ni Gino pero hindi pa nila naririnig mula sakin ang katotohanan at ang kasiguraduhan.

Hindi ko alam kung paano padin ako natanggap nina Zha gayong may kabalastugan na naman akong ginawa. Maaaring sobrang labo nito pero hindi na ako umaasang maintindihan nila ako gayong sarili ko ay hindi ko din maintindihan.

Sa totoo lang, nabigla lang ako sa sinabi ko. Hindi ko sinasadya ang mga sinasabi ko nun. Ewan ko, feeling ko pag nagkaboyfriend ako ay makakalimutan ko na ng tuluyan si Jude. Pero naisip ko na mali yun, na mali ang gawing option si Gino kaya binawi ko agad ito sa kanya. Alam kong gusto kong makalimot pero hindi tama ang gawin syang panakip butas. Kahit papano, may puso padin ako. At ayokong masaktan si Gino sakin pero he insist. Pumayag sya na ikinagulat ko.

Sabay na ulit kami pumapasok ni Gino. Halos hindi na kami mapaghiwalay kasi lagi kaming magkasama. Tuluyan nang hindi kami nagkaka imikan ni Kate lalo na't narinig nya ang chismis na kami na ni Gino. Ni hindi ko alam kung ano bang estado namin ni Gino ngayon.

Bakit ganun? Bakit sa lahat ng gagawin ko ay nakakaguilty? Bakit lahat ng ginagawa ko ay may nasasaktan akong tao?

Gusto ko lang naman na sumaya ako pero ang unfair naman nun kung yung ibang tao ang hindi sasaya dahil sa mga desisyon ko. Feeling ko lahat ng gagawin ko ay palpak. Lahat ng ginagawa ko ay mali.

Mukha ba akong traydor? Masama na ba talaga akong tao sa paningin nila?

Umupo na ako sa pwesto ko at inayos ang mga libro.

"Xia, kayo na ba talaga ni Gino?" tanong ng isang kaklase ko na hindi ko naman kaclose. Hindi ko sana sya sasagutin nang marinig kong nagbukas ang pinto at pumasok sina Jude at Kia.

Nakita ko na agad na napatingin sakin si Jude. Ngumisi ako at hinarap yung kaklase ko. "Oo, boyfriend ko si Gino." tuwa kong sabi. Narinig ko ang paghiyaw ng mga kaklase ko. Pagtingin ko kay Gino ay nakangiti sya pero halatang pilit.

Ayoko sanang gawin yun pero tuwing nakikita ko talagang napapatingin si Jude ay automatic na nagkakaroon ng sariling pag iisip ang bibig ko at hindi ko alam kung bakit.

"Really? Well, congrats! I knew you both we're a thing!" plastic na sabi ni Kia nang marinig ang sinabi ko.

Natigilan ako at tinaasan ko sya ng kilay. "Thank you. Congrats din sa inyo. Kelan ang kasal?" nakangiti kong tanong sa kanya. Yung mga kaklase ko ay nagsimula nang magbulu bulungan.

Bali balita na kami na daw ni Gino pero ang pagiging engaged ni Jude at Kia ay hindi nila alam? Impossible.

Medyo nagulat sya sa tinanong ko pero hindi ito nahalata dahil sa bigla nyang pagtawa. "It seems that you're more excited than us?" aniya at umiling. "Don't worry. I'll surely invite you. I hope you'll come?"

"Ofcourse! I'll bring Gino with me." sagot ko sa kanya. Ngumiti sya sakin. Sabay ng pagtalikod nya ay ang mabilis kong pagbuntong hininga. Hindi ko alam pero may naramdaman akong kung anong sakit sa dibdib ko.

Sumulyap ako sa kanila at nakita ko ang nakakatakot na tingin sakin ni Jude. Halos hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko dahil sa titig na yun.

There he goes again. Damn.

Natapos na ang klase at kasabay ko ulit si Gino. Hindi ko inutusan ang driver namin since kay Gino na kotse ako sasabay.

Naaninag ko kaagad si Kia kasama si Jude na nakapark ang kotse malapit samin. Lumingon ako kay Gino at mukhang busy kausap ang isa kong kaklase.

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon