Chapter 36

878 23 14
                                    

Chapter 36

Xia's POV

Biglang may nagbukas ng pinto kaya dali dali kong itinago yung nakita kong mga bote.

"Xia anak, tapos ka na ba?" tanong sakin ni Tita Percy. 

"Opo. Susunod na po ako." sabi ko sa kanya. Tumango naman sya at umalis na. Inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas ng kwarto.

Nakita ko sina Vhian papasok ng kotse kaya sumunod na ako sa kanila pero biglang nagring ang phone ko. Pagtingin ko sa called ID, si mama pala.

"Hello ma?" 

"Xia kamusta ka dyan? Kelan uwi mo anak? Miss na kita eh." aniya.

Napangiti nalang ako. "Ayos naman po ako. Pauwi na po ako. Miss ko narin po kayo ni papa." 

"Mabuti naman. Eh sina Vhian? Kamusta naman sila?" 

Natigilan ako. "Dapat hindi ko nalang pala tinanong." dagdag pa ni mama. Natawa nalang ako.

"Basta uwi ka agad ha? And please anak, pasok ka na bukas ha? Ilang araw ka nang hindi napasok." hindi naman problema sakin ang umabsent kasi bibigyan naman ako ng notes ni Zha at magiging dakilang tutor sa sakin pansamantala para makahabol daw ako sa mga lessons. Si Vhian naman, inutusan ko ang kaibigan nyang si Luke na bigyan sya ng notes, pumayag naman sya.

"Sige po ma. Alis na po ako. Bye." pagpapaalam ko kay mama at sumunod na kina Vhian. Tinabihan ko sya sa likod tapos si Tita naman, sa harap.

Habang nasa byahe, hindi ko maiwasang magtaka kung bakit may bote ng alak sa kwarto na tinulugan namin. As in hindi talaga matanggal sa isipan ko. Nacucurious talaga ako.

Imposible namang si Tita kasi hindi nya ugaling uminom. Imposible naman ding si Vhian kasi ang bata bata pa nya.

Pero para maka sigurado, lumapit ako ng konti kay Vhian para maamoy kung amoy alak ba sya. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya. Mabuti na't sure. 

"Xia, gusto mo bang sumandal?" tanong ni Vhian. Ang lapit ko kasi sa balikat nya. 

"Ah oo. Iidlip lang ako, pede?" pagkukunwari ko. Pero sa totoo lang, gusto ko sya maamoy.

Ngumiti naman sya at hinawakan ang gilid ng ulo ko para ipatong sa balikat nya. Ngumiti naman ako at nagkunwaring matutulog. Ngayon chance ko na para maamoy sya, lumapit pa ako ng konti sa may leeg nya. 

May naaamoy ako. Hindi ko alam kung alak ba yun o pabango nya. Hindi kasi ako sure kung anong amoy ng alak eh. Never pa kasi ako nakainom nun. 

Paano na yun? Kelangan ko talaga malaman kung sino yung nag iinom.

Maya maya lang, ginising ako ni Vhian. Tuluyan na pala akong nakatulog. Pagtingin ko sa paligid, nasa tapat na pala ako ng bahay ko. Nagpaalam na ako sa kanya at lumabas na ng kotse.

"Xia, anak!" bati sakin nina mama sabay yapos sakin ng sobrang higpit na halos hindi na ako makahinga. Grabe makamiss 'no? Parang isang taon lang ako nawala.

Pumasok na ako sa bahay at pinaghanda naman nila ako ng pagkain. Gabi narin kasi. Matagal kasi ang byahe. 

Dahil sa hindi talaga mapakali, tinanong ko na kina mama ang kanina pang bumabagabag sa isip ko.

"Mama, papa, ano pong amoy ng alak?" bigla namang naluugan si papa kaya agad syang tinapik ni mama sa likod.

"Bakit mo naman yan natanong, hija?" tanong ni papa na medyo natatawa.

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon