Chapter 4

2.2K 62 31
                                    

Chapter 4


Xia's POV


Nagising ako dahil sakit na nararamdaman ko sa paa ko. Sobrang hapdi talaga. Dahil hindi ako makakatayo at dahil hindi pa naman ako gutom, tumingin nalang ako sa kisame. Iniisip kung anong pede gawin ngayon kahit ganto ang paa. 

Maya maya biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko, "Waaaaah!" dahil sa gulat ko, nahulog ako sa kama. Ano ba naman 'to! Wala na ba akong imamalas pa?

May narinig akong foot steps na papalapit sakin kaya dali dali kong kinuha ang pepper spray sa bag ko sa tabi ko at akmang ispra-spray sa kung sino mang pumasok dito sa pamamahay ko! 

"Xia--"

"Eto ang sayooo!!!" sabay spray ko sa pagmumukha nung lalake pero agad naman sya nakailag. Pag tingin ko.. oops.

"Ano bang problema mo?! Bat mo ako prine-spray?!" galit na sabi ni Jude.

"Sorry! Sorry!" sincere kong sabi. May hand gestures pa. Napailing naman sya, "Pasalamat ka hindi ako natamaan!" sabi nya at inalalayan ako paupo sa kama ko.

"Hindi ka naman kasi nagsasabi! Bakit ba basta basta ka nalang pumapasok dito? Pano kung tulog pa ako? Hindi pa naman kita masyadong kilala! Pano kung nakawan mo ako? Pano kung--" dere deretso kong sabi pero agad akong natahimik dahil tinakpan nya ang bibig ko gamit ang kamay nya.

"Daldal mo." naiirita nyang sabi. Ahh ganun pala ha? 

"Aray!" sabi nya sabay bitaw sa bibig ko. "Bat mo ako kinagat?!" dagdag pa nya at pinaypay paypay yung kamay. 

"Kasi ang sama mo! Ikaw, bakit mo ako pinatahimik?!"

"Kasi ang ingay mo! Ikaw, bakit mo ako spri-nay?!"

"Kasi akala ko magnanakaw ka! Ikaw, bakit mo ako tinapunan ng starbucks?!"

"Kasi pahara hara ka! Ikaw, bakit patanga tanga ka maglakad?!"

"Ano?! Ang sama mo talaga!" hahampasin ko sana sya ng unan pero lumayo naman sya sakin. Tumawa naman sya ng tumawa dun sabay belat! Kainis. Kung hindi lang ganto ang paa ko paniguradong bugbog sarado ka na sakin!

"Hintayin mo lang na gumaling 'tong paa ko! Hintayin mo lang tala--" biglang umingay ang tiyan ko. Napatingin naman si Jude sa tiyan ko tapos sakin tapos sa tiyan ko uli. Lalo naman syang tumawa!

"Hoy tawa ng tawa gusto nang mag-asawa!" sigaw ko sa kanya. Natigilan naman sya bigla, "Ulul." sabi nya. Inirapan ko lang sya. Nagkaroon ng katahimikan. Ako, nakasandal lang sa board ng kama ko. Sya nakaupo sa tabi nang biglang umingay na naman ako tiyan ko. 

Napalunok ako, "Jude?" nahihiya kong sabi. Napatingin naman sya sakin. "Nakakain ka na ba?" tanong ko sa kanya. Umoo naman sya. 

"Talaga? Anong kinain mo?" tanong ko pa uli. Sabi naman nya, hotdog daw. Lintek sya! Hindi ba nya nahahalatang gutom na ako?! 

"Ah. Buti ka pa." sabi ko. Kumunot naman noo nya, "Gutom ka na ba?" finally! Nahalata na nya. Tumango tango naman ako. Tumango rin sya.

"Wala ka man bang gagawin?!" pagtataka ko. Lokong yun, tinanong lang ako.

"Wala." sabi nya. Uminit bigla ang ulo ko! Sinamaan ko sya ng tingin. 

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon