Chapter 34

1K 23 30
                                    

Chapter 34

Chelsea's POV

"Oh, san ang lakad?" tanong ng magaling kong kapatid at pinagmamasdan ang pag gayak ko.

"Sa bagong nilipatan nina Jude. Geh." pagmamadaling sabi ko at lumabas na ng bahay. 

Ilang minuto lang ang nakalipas at nakarating na ako sa bahay nila. Actually, malapit lang samin eh. Gusto kasi ni Mama na malapit ang bahay nila ni Tita Jade kaya yan, lumipat sila ng bahay. Mayaman naman sila kaya walang problema.

Pinagmasdan ko ang bahay. Ang ganda at ang laki nito. Mas garden sa harap ng bahay kaya nakaka agaw atensyon.

Kumatok ako at agad namang bumukas yung pinto. 

"Oh, Chelsea hija! Napadalaw ka?" lumapit si Tita sakin at nakipagbesohan.

"Nandito po ako para kamustahin ang boyfriend ko." pagmamayabang ko. Dati, Jude lang ang sinasabi ko. Ngayon, boyfriend na. Improving diba?

Nakita kong nanlaki ang mata nya. So, hindi pa ni Jude sinasabi sa kanila?

"Si Jude ba?" tanong ni Tita habang nakangiti. 

"Opo." proud kong sabi sa harap nya.

Niyakap naman nya ako ng mahigpit sa tuwa. "Sa wakas, nakilala ko narin ang magiging future daughter-in-law ko." natawa nalang ako sa sinabi ni Tita at dumeretso na sa kwarto ni Jude. Siguro nag aayos pa yun ng gamit.

"Hi Jude!" sabay ng pagsigaw ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto nya. Natatawa ako sa reaksyon ni Jude, mukhang gulat na gulat sya. "Put*k. Nakakagulat ka naman eh." sabi nya sabay hawak sa dibdib nya. Ang cute lang.

"I missed you." sabi ko sabay kiss sa cheeks nya. Halatang nagulat sya at pinahidan ang pisngi. Napa roll eyes nalang ako.

Ngumiti nalang ako at tumabi sa kanya. "So, kamusta ka na?" hindi sya umimik. Busy kakaayos ng mga gamit kaya tinulungan ko na sya. "Alam mo, ang cold mo sa text." tiningnan lang nya ako at nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit. 

Napabuntong hininga nalang ako. "Ayos ka lang ba dit--"

"Pede ba Chelsea?! Busy ako." pinagtaasan nya ako ng boses. Calm down, Chelsea. Sadya lang ganyan si Jude. Masungit. Oo, yun nalang isipin mo. 

Nginitian ko sya. "Bat ka ba ganyan?" leche Chelsea. Alam mo namang mainit ang ulo nya, nagawa mo pang itanong yan. Minsan tanga ka rin 'no? Tss.

Napatingin sya sakin at napakunot ang noo. "Bakit parang wala lang ako sayo. Ang pagkakaalam ko, niligawan mo ako. Girlfriend mo ako. Diba?" ang cold ng pagkasabi ko. Totoo naman eh. Niligawan nya ako. Oo, kahit text lang. Nanligaw parin sya. So, ibigsabihin nun, kami, hindi ba? Pero bakit sya ganyan? Parang isa lang akong ordinaryong babae na sinusungit sungit nya.

"Hindi naman ako manhid. Alam kong hindi mo ako mahal. Ramdam kong hindi mo ako mahal. Pero sinagot kita. Tanga ko 'no? Akala ko kasi, may posibilidad pa na mahalin mo ako. Na baka kung sinagot kita, konting suyo ko lang sayo and boom, mahuhulog ka na sakin." nakatingin lang sya sakin. Emotionless. 

Natawa nalang ako sa sarili ko. "Haha. Bakit ko ba 'to sinasabi? Wag mo nalang isipin. Wala lang yun." tumalikod na ako para umalis pero bigla syang nagsalita. 

"I'm doing my best to love you back." natigilan ako. Haharap pa sana uli ako pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang tingnan sya. Not now. Sinara ko na ang pinto ng padabog. Ang sakit. Sobrang sakit. 

Pero hindi ako mawawalan ng pag-asa. Tutal kami narin naman diba? Gagawin ko ang lahat mapamahal lang sya sakin. And when I say lahat, I mean lahat talaga. Matututunan mo rin akong mahalin, Jude Suarez.

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon