Chapter X

303 4 4
                                    

Chapter X

Xia's POV

Humiga agad ako sa kama ko. Hinatid na ako ni Gino matapos ang party. Ni hindi ko alam kung alam ba nya ang tungkol sa nangyare pero hindi ko na tinanong. I'm tired and I don't want to explain.

After our dance, niyakap nya ako at ganun din ang ginawa ko pabalik. A very long and meaningful hug. Oh man, I could go to hell with all these sins.

Bakit ba kung ano ang bawal ay yun palagi ang ginagawa ko?

I slowly closed my eyes and sighed. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi nya o maiinis. But damn, I'll rather choose the second one. He's already commited and there's nothing he can do about it. Not that I'm saying that I would take the risk for him because I'm tired. Fuck I am.

"How can I be friends with someone I love so much?"

Ginulo ko ang buhok ko. This is fucking bothering me! Now I regret saying that. I regret talking to him because it makes me want to go back to him.. oh fuck.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko nang may nakita akong papel na nakasipit sa pocket nito. Kumunot ang noo ko. Kinuha ko agad ito. Halos mapaluha ako nung marealize ko kung ano yun at kanino galing yun. I opened it slowly.

Pare, gusto ko lang magpasalamat sa pag aalaga kay Xia sa mga oras na wala ako. Pasensya na rin kung minsan ay nagka away tayo. Hindi ko yun sinasadya at alam mo yun. Ngayong nasa langit ka na, sana payapa ka na dyan. Maghanap ka ng chix dyan at akin na si Xia ha?

Wag kang mag alala, hindi ko sya sasaktan. At ipapangako kong sya na talaga. May tiwala ka naman sakin diba? Safe na safe sya sakin. Shield nya ata ako. Basta pare, lagi mong tatandaan na pogi ka parin kahit buto ka na. Mahal ka namin, lalo na si Xia. Sana masaya ka na dyan kasi masaya na rin kami dito.

This was Jude's letter for Vhian. Nung panahon na hindi pa sya nakakapuntang Cali. I smirked and gritted my teeth. "You bastard!" sabi ko at pinunit ang papel. Forget him, for fuck sake, Xia!

I woke up at around 11 am which is perfectly fine because it's saturday. I checked my phone, wala man lang text galing kay Gino which is odd. He used to text or call just to say good morning. Pero pinabayaan ko na at bumaba na ako. Dumeretso ako sa kusina kung nasaan sina Zha. Nagtimpla ako ng kape at umupo sa may sala.

"Musta ang party?" tanong ni Crystal habang nakatingin sa cellphone nya. I don't know if she's just curious or what.

"I-It was fun.. I guess." saad ko at humigop ng kape. Should I tell them what happened? Maybe not. Pagsasabihan na naman nila ako. Sasabihin na naman nilang mali ako. Ayoko na. Nakakasawa na. I already know what's wrong and right but heck! I kept doing the first one.

Crystal just nodded. Si Jasmine at Zhanaia ay hindi man lang ako pinansin. Siguro wala na nga akong kwenta sa kanila. Maybe next sem ay lilipat na ako ng matitirhan. It's not like I don't like it here pero kung sarado talaga ang isip nila at wala silang balak pakinggan ako, sa tingin ko ay panahon na para sumuko. Magkabati man kami o hindi, alam kong hindi na magiging tulad ng dati dahil ko.

Bumalik na ako sa kwarto ko after kumain. I wonder what's Jude doing? Is he thinking about me? Is he still thinking about what happened last night?

I don't really get him. Ang labo nya, sobra. After we broke up, parang wala lang sa kanya. It seems like he doesn't care for me anymore. Pinagtanggol pa nya si Kia kesa sakin. I really thought his feelings changed but last night.. he said that he still loves me. Just. Like. That. Ugh, I'm so confused!

And Gino.. fuck. Nakita nya kaya yun? Nasaktan ba sya? Why do I always feel guilty about everything?!

I can't calm down. I texted him. I want to know if he's okay. Nag aalala ako para sa kanya. Ngayon nya lang ako hindi tinext. Oo, mababaw pero sa tingin ko may dahilan kung bakit sya ganyan.

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon