Chapter 21

1.3K 40 18
                                    

Chapter 21

Xia's POV

*5 days later*

Saturday na uli. Ang bilis bilis talaga ng panahon. Weekend na agad. Lumipas ang halos isang linggo na hindi ako kinakausap ni Jude, hindi ako pinapansin ni Zha, at nilalayuan ako ni Vhian.. so si Crystal nalang palagi ang nakakasama ko. 


Si Zhanaia at Vhian miss na miss ko na talaga. Si Jude? Well.. I kinda miss him. Syempre, naging malapit na sa akin yung tao eh. Yung pangungulit nya sakin, nakakamiss. Ako naman ang mas gusto nito diba? Na wag na nya ako kulitin? Na wag na nya ako kausapin kasi bago lalong magkagulo. Pero bakit parang ang sakit.


Nandito lang ako sa sala namin, nanunuod ng tv hanggang sa..

*tok tok*


May kumatok. Binuksan ko agad ang pinto ko, hindi ko alam kung bakit hindi ko naisipang tingnan sa may bintana kung sino yung kumatok. 


Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, nagulat ako sa nakita ko. Si Jude.. nakatingin lang sakin ng emotionless. What is he doing here?!


"Wag ka mag-alala, hindi ako nandito para kulitin ka. Nandito ako kasi may importante akong sasabihin sayo." ano kaya yun? Importante? Kinakabahan tuloy ako.


"Si-sige. Upo ka." umupo sya sa sofa na inuupuan ko kanina. Sinara ko na ang pinto at tumabi sa kanya.


"Xia.. wag ka magugulat sa sasabihin ko ha?" putres Jude, sa ginagawa mo mas magugulat ako eh!


"Alam ko na kung bakit galit sayo si Zha.." ANO?! Napatingin agad ako sa kanya. Mukhang hindi sya nagloloko.


"Ano?! Bakit daw? Tell me Jude!! Gustong gusto ko na malaman!!" tapos kinalog kalog ko sya. Gusto ko talaga malaman. Syempre, ikaw ba naman ang iwan sa ere ng bestfriend mo?


Pumikit muna sya at huminga ng malalim.

Jude's POV


*flashback*
[A/N: Nagkekwento po si Jude kay Xia sa pamamagitan ng flashback.]


Thursday nung recess.. nung nasa canteen ka kasama si Crystal. Si Zhanaia naiwan sa room kasama si Jasmine kasi may dala naman silang pagkain. Narinig kong nag-uusap sila kaya lumapit ako ng konti. May kutob kasi akong ikaw ang pinag-uusapan.



"Zhanaia, pansin ko lang. Bakit hindi ka sumasabay kay Crystal? Kay Xia? Diba bestfriend mo yun?" tanong ni Jasmine habang umiinom at napatigil naman sa pagkain si Zha. Nadun sila sa may harap, nakaupo. Ako'y nasa may likod. Pero pakinig ko parin naman. Kokonti lang naman ang nasa room eh.


"Bakit? Ayaw mo ba akong makasama?" seryosong tanong ni Zha.


"Gagi. Hindi naman sa ganon. Pero diba? Sila ang mga kasama mo dati. Hindi kaya magselos yun sa atin? Isipin nila inaagaw kita sa kanila."


"Sus. Sila? Magseselos? Asa pa. Wala akong pakealam sa kanila kaya siguro wala na rin silang pakealam sakin." mahahalata mo sa pananalita nya na nagbago sya. Hindi na sya yung Zha na kilala ko dati. Kahit hindi kami masyadong close, kilala at alam ko ang ugali nya.


"Ba-bakit? Magkagalit ba kayo?!" gulat na tanong ni Jasmine.


"Ako lang ang galit sa kanya. Well.. hindi pala ako sure. Feeling ko galit narin sila sakin eh." sabi ni Zha at nagpatuloy sa pagkakain.

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon