Chapter 47

691 22 19
                                    

Chapter 47

Xia's POV

Sinubukan kong tawagan sya ulit pero hindi talaga nya sinasagot. Kinakabahan tuloy ako. Ano bang nangyare sa kanya? 

To: Jude

Jude, tawagan mo agad ako pag nabasa mo 'to.

To: Jude

Sagutin mo yung tawag, please.

To: Jude

Nasan ka ba? Nag aalala na ako.

Kada minuto chinecheck ko yung phone ko, baka sakaling bigla syang magreply. Pero hindi eh, hindi naman naka silent ang phone ko kaya dapat magriring yan kung makatanggap ako ng text.

Napabuntong hininga nalang ako. Nasan ba talaga sya? May nangyari bang masama? Hindi talaga ako mapakali. Parang anytime, tutulo na ang luha ko sa pag aalala sa kanya. I just want him safe.

Mabagal akong naglalakad ngayon pauwi. Gusto ko kasi sana na bago ako makapasok ng bahay ay palagay na ang loob ko. Yung nagtext na sya. Pero bawat tingin ko sa phone ko, wala talaga.

"Jude, where the fuck are you-" naputol ang sasabihin ko dahil bigla nagring ang phone ko kaya agad agad ko 'tong sinagot. Hindi ko narin tiningnan ang caller ID kasi atat na atat na akong sagutin yung call.

Buong akala ko, si Jude yung tumawag, pero hindi pala.

"Xia! Bakit ka ba umabsent ha? Alam mo bang nagskip ka ng klase? My god! Patay ka kay Mam pag nalaman nya 'to! Nasan ka ba, ha? San ka nagpunta? Wala na si Vhian dito-"

"Zha, nasa bahay lang ako. Please wag mo muna ako istorbohin." matamlay kong sabi at inend na yung call. Kainis, nag expect akong si Jude yung tumawag. Pero nagkamali na naman ako. 

I appreciate Zha for being there for me pero si Jude talaga ang kelangan ko ngayon.

Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay ko nang bigla akong napatigil dahil sa nakita ko. May lalakeng nakatalikod at parang hindi mapakali na naghihintay sa may gate ng bahay ko.

"Jude?" 

Napalingon naman sya at agad akong niyakap. Halos maluha luha ako nung nakita sya. Sobrang saya ko ngayon. Akala ko talaga may nangyare nang masama sa kanya.

Agad akong kumalas sa yakap at hinampas sya sa braso. "Bat mo hindi sinagot ang tawag ko? Ni reply man lang sa text, wala! Hindi mo ba alam na tinakot mo ako ha?" sabi ko habang pinaghahampas sya pero tumawa lang sya at niyakap ako uli. "Kinabahan talaga ako. Akala ko may nangyare ng masama. Nakakainis ka talaga!" pahikbi hikbi kong sabi.

Niyapos lang nya ako ng mahigpit at hinaplos ang buhok. "Shh. Sorry na. Nagmamadali kasi akong puntahan ka dito kaya hindi ko na namalayan ang mga texts at tawag mo." bigla naman akong napangiti sa dahilan nya. Pero teka, nagmadali?

Kumalas ulit ako sa yakap at sinamaan sya ng tingin. "Eh pano sina tita? Nakapag paalam ka ba? Kahit kelan talaga hindi ka nag iisip 'no?" taas kilay kong sabi. 

Ngumiti naman sya at pinitik ako sa noo. "Nakapag paalam ako 'no! Pero after daw umalis nila mama ay magmamall si Jana at Chelsea, sabi ko pass muna ako kasi pupuntahan ko yung girlfriend ko." sabi nya sabay kindat. Ngumiti naman ako pero agad itong napalitan ng lungkot. Naalala ko na naman ang nangyare kanina. Bigla na namang tumulo ang luha ko.

"Diba sabi ko ayokong nakikita kang umiiyak?" sabi nya at hinila ako papasok ng bahay. 

Tumungo nalang ako. "Sorry. Hindi ko mapigilan eh. Hindi naman masamang umiyak paminsan minsan diba?" sabi ko nung makaupo na kami sa sofa.

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon