Chapter R

353 8 6
                                    

Chapter R

Xia's POV

My party ended. Kinaladkad ako nina Zha papasok sa kotse dahil ayaw ko pa daw umuwi. Nagsisisigaw daw ako at halos mawala na sa sarili. Pinauwi na nila ang mga bisita at humingi ng tawad dahil sa ginawa ko.

Wala naman akong ginawang masama ah? I'm just having fun!

Pinapauwi na din nila si Gino pero hindi ito pumayag. Sumakay sya sa kotse namin at sinabing doon muna sya magpapalipas ng gabi. Hindi ba sya hinahanap sa kanila? I'm perfectly fine! They don't need to asist me or something. I can totally manage myself.

Binuhat ako ni Gino papasok ng kotse namin. Dun kami sa pinakalikod. Sina Crystal at Jasmine naman ay sa gitna at ang driver namin pati si Zha ang nasa harapan.

"She's drunk." narinig kong sabi ni Zha at mahahalata mo ang pagkadismaya nito. Nagkunwari akong tulog sa tabi ni Gino.

"Sabi nya, try nya lang daw kasi birthday naman nya kaya pinabayaan ko na." pagpapaliwanag ni Jasmine. "Pero pagbalik ko, ang daming nakahilera na bote sa tabi nya!"

Totoo yun. Uminom nga ako. It was my first time. Maaring madami nga ang nainom ko pero hindi ako lasing! Nasa tamang pag iisip padin ako ngayon at sariwang sariwa pa sa utak ko ang mga nangyare.

"You shouldn't left her alone." nag aalalang sabi ni Crystal. Minulat ko ang mata ko at nakita kong umiling iling si Crystal kay Jasmine. "You know she's fragile."

Napakagat ako ng labi sa huli nyang sinabi.

"Sorry. Hindi ko naman alam na mapapadami sya. Knowing Xia, hindi sya umiinom ng ganun." ani ni Jasmine at nagbuntong hininga.

"Still! Dapat hindi mo hinayaang-"

"Girls, tama na." singit ni Gino sa tabi ko. Medyo umibo ako ng konti kaya hinawakan nya ang gilid ng ulo ko para ipatong sa balikat nya.

Nakakahiyang tumabi sa kanya kasi sigurado akong amoy alak ako samantalang sya ay napaka bango.

Nagkaroon ng katahimikan. Tanging pag andar lang ng kotse ang naririnig ko at mga tawanan ng mga tao sa labas.

Medyo nagulat ako sa biglang paghaplos ni Gino sa buhok ko.

"I feel bad for her." ani ni Zha na nakadungaw lang sa bintana. Iniisip padin nya ang mga nangyare. Hindi ba kapani paniwala? Kasi ako, hindi din magsink in sa utak ko eh. Hindi ko tuloy alam kung nagsisisi ako o hindi.

"Once in a blue moon lang na sya ang nakipag hiwalay." sabi ni Crystal. "Pero tama din naman ang ginawa nya. Magiging martyr lang sya kung pinagpatuloy pa nya."

"She gave up too easily." sabi naman ni Jasmine na dahilan kung bakit ako napamulat pero ipinikit ko nalang ulit ito at nakinig sa maaari pa nyang sabihin.

"No, she didn't." natigilan ako sa nagsalitang si Gino. "I know her. Alam kong gagawin nya ang lahat para kay Jude. Kaya nyang isakripisyo ang lahat. Ganun nya kamahal yun. Pero alam nyo yun? May mga bagay lang talaga na ang hirap nang labanan."

Hindi ko alam pero napaluha ako sa sinabi nya kahit nakapikit ako. Hanggang dito ba naman ay iiyak ako? Kahit saan ba ay maalala ko palagi ang sakit?

Pinunas agad ni Gino ang tumulong luha ko at inilapit ang bibig sa tenga ko. "I know you're awake." pabulong nyang sabi pero nanatili akong nakapikit.

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon