Chapter 50

864 21 22
  • Dedicated kay To all my readers
                                    

Chapter 50

Xia's POV

"I-ikaw." nauutal kong sabi sabay kusot ng mga mata ko.

Tama ba ang nakikita ko? Sya ba talaga ang nasa harapan ko?

"Xia." biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung binanggit nya ang pangalan ko.

Pero hindi ko sya pinansin at kinuha na ang saklay ko at naglakad paalis. Umalis na kasi yung Rey. Lokong yun, kikidnapin pa ata ako eh isang suntok lang ay tumakbo na paalis.

"Xia! Kausapin mo naman ako oh." napatigil ako sa paglalakad at napapikit. "Namiss kita." dagdag pa nya. Wala na akong magawa kundi harapin sya.

"Ano bang gusto mo?" cold kong tanong sa kanya.

Tumitig sya deretso sa mata ko saka tiningnan ang paa ko. "A-anong nangyare sayo?"

Napakagat ako ng labi. Oo nga pala, hindi nya alam ang nangyare. Wala sya nun nung mabangga ako. Wala sya nung mga oras na kelangan ko sya kasi iniwan na nya ako diba? At tinanggap ko na yun.

"Wala kang pakialam." sambit ko at nagpatuloy na sa paglalakad kaso hinawakan nya ang kamay ko.

Tunay naman diba? Kung may pakialam sya, dapat noon pa, alam na nya.

"May pakialam ako." seryoso nyang sabi. "Kasi mahal kita. Mahal padin kita."

Hindi ko alam kung bakit pero tumulo ang luha ko kaya agad ko itong pinahid saka hinarap sya. "Tumigil ka na Vhian, please."

Umiling sya hinawakan ako sa mukha. "Xia, mahal kita. Patawarin mo ako sa lahat, please. Wala na kami ni Emerald. Xia, hindi sya buntis-"

"Sa tingin mo ba hindi ko yun alam?" seryoso kong tanong sa kanya saka tinanggal ang kamay sa mukha ko.

"Hindi ka ba masaya? Xia, pwedeng maging tayo ulit gaya dati."

Nagsmirk ako at tumingin sa ibang direksyon. "Bakit naman ako magiging masaya? Vhian, kahit ilang beses mong sabihin na wala na kayo ni Emerald, nandun padin ang sakit at hindi na yun mawawala. Sinaktan mo ako. Sinaktan mo na ako." sabi ko saka pinahid ang luha ko.

Bakit ba pag kasama ko sya, automatic na tumutulo ang luha ko? Bakit ba pag nakikita ko sya, nasasaktan parin ako?

"Xia, please give me a second chance." pagmamakaawa nya.

"Second chances are only for people who are worth it." sabi ko at naglakad na palayo.

Ayoko na. Ayoko na magmahal muli. Hindi nyo alam kung gaano na ako kapagod masaktan.

Nung makapasok ako sa Chowking ay agad akong sinalubong ni Zha. "Oh, san ka naman nagpupupunta? Ganyan na nga ang paa mo nagagawa mo pang gumala?" natatawa nyang sabi. Dineadma ko sya at umupo na sa tabi nya.

"PMS?" bulong ni Drew kay Zha.

"Siguro." kibit balikat nyang sabi. Inirapan ko silang dalwa kaya agad naman silang tumahimik.

"Anak, okay ka lang ba?" pag aalalang tanong ni mama.

"Opo." tipid at balewala kong sabi. Tumango naman sila at nagsimula nang kumain.

Bwiset. Graduation ko ngayon kaya dapat masaya ako. Pero bakit ginaganito na naman ako ng tadhana? Napailing nalang ako sa naisip ko. Pasalamat nalang at umalis ako kaagad kung hindi baka mapano pa ang puso ko kung nagtagal pa ako dun.

"Hi tito, tita. Pwede pong makiupo?" napahinto ako sa pagkain at napadiin ng hawak sa kutsara't tinidor ko.

Boses nya palang, kilalang kilala ko na.

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon