Chapter 23

1.2K 35 21
                                    

Chapter 23

Zha's POV


Siguro inis na inis na kayo sakin sa mga katangahan kong ginagawa. Alam kong ayaw nyong basahin ang POV na 'to pero kelangan nyong malaman ang part ko. Kasi hindi naman ako magiging ganito kung wala akong galit sa kung sino eh. 


At sana.. pag nabasa nyo na 'to. Sana.. sana lang, maintindihan nyo ako.


Since gradeschool ko pang bestfriend si Xia, hindi lang dahil naging kaklase ko sya pero dahil ng aming mga magulang. She's a family friend actually. Laging nagpupunta ang mama sa bahay nila kasi magbestfriends rin sila gaya namin. Hindi naman nila ako maiiwan sa bahay kasi my dad is dead. Yeah, it's been 9 years from now. Nagkacancer kasi sya and yun, namatay. Well.. wag na muna nating pag-usapan yun.


Pumayag naman ako na isama nila sa bahay ng tita kasi wala pa akong kaibigan that time. I was only 7 years old. Lagi lang kasi akong nasa bahay, naglalaro ng doll, nanunuod ng tv. I never experienced playing outside with other people. So nung sinabi ng mom ko na sumama ako kasi may anak daw ang friend nya na pede kong makalaro, I was so happy.


She was my first ever friend kaya may pagkaselfish ako. Ayokong nagkakaroon sya ng iba pang kaibigan. Gusto ko ako lang. Kaya simula nun, araw araw na akong nagsasabi sa mom ko na pumunta dun. Kaya, araw araw na kaming naglalaro.  


Sobrang close kami na halos hindi na kami mapaghiwalay. Kilalang kilala ko na talaga sya. Simula sa favorite food nya hanggang sa favorite underwear nya. Oo, may paborito syang underwear. Yung pink na polka dots. Hahaha. Ultimo kung kelan sya uutot, alam ko. 


Kaya nung nalaman kong nagkaboyfriend sya, nagtampo ako. Hindi man nya alam pero pinapahalata ko. Pero wala eh, sobrang manhid. Simula nun, lahat ng oras nya ibinubuhos na kay Vhian. Wala na syang time para sakin.. dun ko naman nakilala si Crystal. May time na kami ang magkakasama ni Xia pero may time na sila naman ni Vhian ang magsasama so kay Crystal ako sumasabay. Mabait sya, never nya akong iniwan. Sa kanya ko sinasabi ang mga hinanakit ko kay Xia.


This year.. nirequest ko sa mom ko na maging magkaklase kaming tatlo nina Crystal. At ipaghiwalay si Vhian at Xia. Oo, hindi alam ni Xia na pinaghiwalay ko sila ng section. Hindi naman sa hindi ako boto kay Vhian pero sumosobra na ang pagiging close nila. Naiinggit ako. I mean.. pano naman ako diba?

Told ya, selfish ako.


First day of school.. nagulat ako kasi kaklase ko si Drew, my ultimate crush. Hindi ko inexpect yun. Kaya araw araw akong ginaganahang pumasok dahil nya pero minsan nakakatamad kasi pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng room, nadun si Drew.. katabi ni Xia. Nakikipagharutan. Nagpipick up lines. Dun nagsimula ang pagkainis ko. Ang sakit kayang malaman na yung crush ng crush mo ay yung bestfriend mo. Masakit.. masakit talaga.


Nung first 3 days pinabayaan ko nalang. Pero nung pang apat na araw na pagiging sweet nila, hindi ko na nakayanan. Masyado ng masakit ang nakikita ko. Kaya nag-isip ako ng paraan para paghiwalayin sila. Sumosobra na eh. Lalong nawawalan si Xia ng time para sakin tsaka.. lumalandi na sya. Boyfriend nya si Vhian diba? Pero bakit ganto? Kaya yun.. nilayuan ko sya. Hindi pa ako nakuntento, sinumbong ko sya kay Vhian. Pinagkalat ko pa sa buong campus na isa syang malanding nilalang. Bakit ba? Ganito talaga ako pagnagagalit.


Kung kayo ang nasa posisyon ko, pababayaan nyo nalang ba?

Xia's POV

It's Tuesday. Yes!! Walang pasok. May faculty meeting daw kasi eh. At dahil tinatamad akong gumala, dito nalang ako sa bahay, magpapahinga.. physically and emotionally. 


Umupo ako sa sofa sa may sala namin at nanuod ng kung anu-ano. Pindot lang ako ng pindot sa remote namin hanggang sa nakita kong.. The Vow on Star Movies. Isa sa paborito naming movie ni Vhian. Bigla ko tuloy syang namiss. Nung huli kong napanuod 'to, sya yung kasama ko. Dito rin yun sa bahay namin, it was 7pm back then.

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon