Chapter P

324 6 3
                                    

Chapter P

Xia's POV

"I took my heels off just to follow you! At ito ang makikita ko?!" ani ni Kia na mukhang iritado sa nakita. Napatingin ako sa tabi nito. Totoong tinanggal nga nya ang heels nya at ngayon ay nasa lupa ito.

Hindi sya pinansin ni Jude. Matalim na tinitigan nya si Gino at biglang ibinaling ang tingin sakin. "Xia, I need to talk to you." what the hell? Seryoso bang sinabi nya yun sa harap ni Kia? Is he stupid?! Paano pag nahalata sya?

"Hindi ka ba marunong makaintindi? Ako nga nauna." medyo malakas na giit ni Gino na mukhang naghahamon na talaga.

Tell me this is not happening.

"Si Xia ang tanungin natin." ani ni Jude. "Xia?" tumingin sakin na para bang pinipilit akong kausapin sya.

"Xia, wag ka magpapadala dyan! Tayo pa ang magkausap diba?" singit ni Gino at maamong nakatingin sakin.

"Xia, what on earth is happening?!" galit na galit na sabi ni Kia sa likod.

Xia here, Xia there, Xia everywhere. Fck this sht!

"Bahala na kayo sa buhay nyo!" halos wala na sa sarili kong sabi na ikinagulat nung tatlo. Tumayo na ako at dinagil ang isang bench malapit samin. "I am so done!" sabi ko at naglakad na palayo.

Narinig ko pa ang sunod sunod na pagtawag nila sakin pero hindi ko sila nilingunan. Sobrang nakakainis! Pinilit kong pumikit at huminahon pero hindi ko magawa.

Tumigil muna ako sa pagtakbo at pinunas ang luhang tumakas na pala sa mga mata ko. Nakakapagod na talaga. Sobra pa 'to sa sobra. I can't take this anymore.

Nang naging kalmado na ako ay saka ko lang naisipan na bumalik sa classroom kung san ay nandun na ang professor namin. I am late, again.

"Ms. Mercado, this isn't the first time that you're late." sabi ng professor habang may sinusulat sa board.

"Sorry, prof." walang gana kong sabi. Nakita ko ang karamihan ng mga kaklase ko ay nakatingin sakin. Anong problema nila?

Natapos ang klase nang wala na naman ako sa sarili. Palagi naman. Simula nung nangyare ang mga ito, hindi na ako makatulog ng ayos. Palaging lutang.

Kinuha ko na ang mga libro ko para umalis nang biglang hinarang ni Kate ang sarili nya sakin. Nagulat ako ng bigla nya akong niyakap na mas ikinalungkot ko. "I know you're not okay." sabi nito. "Lagi mong tatandaan na nandito lang ako, okay? I'm not mad. I never was." dagdag pa nito at hinaplos ang buhok ko.

Tumango ako na parang bata at niyapos sya ng mahigpit.

Si Kate lang ang tanging makakaintindi sakin ngayon. Nagpasalamat ako sa kanya. Kahit may guilt padin ako sa kaloob looban ko ay pinilit ko munang wag 'to isipin dahil ngayon, sarili ko muna ang proproblemahin ko. My life is such a mess and I really need to fix it.

Days had passed at ilang araw nalang ay kaarawan ko na. Bati na kami ni Gino. Nagpunta pa nga sya dito samin para bigyan ako ng meryenda. He's sorry and I know he's sincere. Hindi nya sinasadyang galitin si Jude. And I believe that it's not his fault. Talaga namang kausap ko sya nun at sya ang nauna. Ika nga nila, first come for serve.

As for Jude, he tried apologizing. He texted, called and even pmed me at facebook. Pero kasi, masyado akong nagtampo sa ginawa nya. He's an ass at alam nya sa sarili nya yun. His jealousy is really getting in my nerves.

Sa kanila ni Kia? I don't know. Magkagalit ba sila? Ang alam ko lang, sa mga nagdaang araw ay magkasama padin sila pero nararamdaman ko ang awkwardness na bumabalot sa kanila. Hinayaan ko nalang kasi I should stop stressing myself. My birthday is really getting near. I want to party!

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon