Chapter B

578 13 10
                                    

Chapter B

Xia's POV

Parang nalaglag ang puso ko. At biglang huminto ako sa paghinga. 

"Xia, aalis ako. I'm going to Cali." aniya.

"Until when?" tanong ko. Mawawala na naman sya? Aalis na naman sya? Bakit ba lahat nalang ng taong mahal ko ay iniiwan ako? 

"Until June. I'll be gone for 2 months." mahina pero puno ng hinanakit nyang sabi.

2 months? Kung tutuusin ang ikli ikli nyan compared sa iba, pero bakit para sakin sobrang tagal na?

Iniisip ko palang na hindi ko sya makakapiling ay parang tinutusok na ang puso ko. Paano pa kaya pag naging totoo na?

"I'll call at text you everyday. Kung gusto mo magskype pa tayo. Ichachat rin kita sa gabi at-"

"Wag ka na umalis." seryoso kong sagot. Kakasabi ko lang na ayokong may nawawala diba? Nananandya ba ang tadhana? Lahat ba ng gusto ko, puro kabaligtaran ang nangyayare? "Iba padin pag kaharap kita eh. I don't want text, I don't like seeing you on a screen." mahina kong sabi.

"Kung pwede nga lang, kaso hindi eh. At pupunta rin kami dun para bisitahin ang mga kamag anak namin. Xia, alangan namang tumanggi ako dun?" I looked at him. Tama sya, tanga nalang ang tatanggi dun. California yan eh. 

Tumungo ako at pinahid ang luha ko. Nagbuntong hininga sya saka ako hinawakan sa magkabilang balikat. "Kaya mo yan. Kaya ko 'to. Kakayanin natin. Okay?"

Ngumiti ako saka sumubsob sa kanya. I'm gonna miss him so bad.

"Nothing will change?"

Ngumiti sya at hinalikan ako sa noo. "Nothing will change."

Hindi biro ang mawalay sa boyfriend/girlfriend lalo na't nasanay ka na sa presensya nya. Ayoko syang umalis. Ayoko ayoko. Kung pwede nga lang sumama ako sa kanila, nagawa ko na.

Pero dahil mahal ko sya, kakayanin ko. Titiisin ko. I'll be strong for the both of us. Isang pagsubok lang ito.

2 months without him? Challenge accepted.

**

"So kelan daw ang alis?" tanong ni Crystal habang plinaplantsa ang buhok ni Zha. Nagpapaganda kasi 'yang si Zha at may date na naman sila ni Drew. Teka, alam nyo bang mag 4 years na silang mag-on? Sobrang bilis ng panahon 'no?

"Aray ko naman! Dahan dahan, pwede?" naiiritang utos ni Zha dahil napaso sya.

Inirapan naman sya ni Crystal. "Sorry naman ha?" mataray nyang sabi. 

Natawa nalang ako. "Sa isang araw na." malungkot kong sabi. Napatingin naman ang dalwa sakin. Kung itatanong nyo kung nasan si Jasmine, ayun at nagboboy hunting mag isa. 

"Guys, parang hindi ko kaya." matamlay kong sabi. Bakit ganun? Bakit feeling ko maraming magbabago? Bakit feeling ko may hindi magandang mangyayare? O baka feeling ko lang yun?

"Xia naman, 2 months lang yan. How hard could it be?" tanong ni Crystal.

"Super hard." walang gana kong sagot. Wala kasi sila sa position ko kaya hindi nila alam kung gaano kahirap.

Napatigil naman sya sa pagplaplantsa at lumapit sakin. "Ganto nalang, gumawa ka ng count down para naman ma excite ka sa pag balik nya. Bale 60 days more or less lang yun. Keri mo yan! 2 years ngang wala sya, nakaya mo. 2 months pa kaya?" aniya. Sumangayon naman si Zha.

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon