Chapter 9

1.9K 46 21
                                    

Chapter 9

Xia's POV

"Pasalamat ka Xia, mahal kita. Kung hindi, hindi ako papayag sa walang kwenta mong plano." reklamo ni Zha habang naglalakad na kami papasok ng village. Inirapan ko nalang sya.


"Xia, si Jude oh!" sigaw ni Zha sabay turo dun sa nakatalikod na lalake. Agad ko namang tinakpan ang bibig nya. 


"Sige isigaw mo pa. Gusto ko kasi malaman ng lahat eh." sarkastiko kong sabi. Ang daldal naman kasi ng babaeng 'to. Pano nalang kung narinig nya kami?


"Sorry." sabi nya. Napailing nalang ako. Binagalan namin ang lakad namin kasi nga baka makita kami ni Jude. Hindi naman ako galit sa kanya or what, umiiwas lang sa gulo.


**


"Bagay ba sakin 'to?"  tuwang tuwa na sabi ni ZHa habang nasa harap ng salamin. Sinusukat ang mga pinamili kong damit.


"Bagay sayo pero sorry, akin yan." pataray kong sabi. Nakita kong sumimangot sya. "Taray. Edi iyo na!" sabi nya at ibinato ang dress sa mukha ko. 


"Bakit ba kasi ako nandito? Gusto ko na umuwi!" pag ta-tantrums nya. Kainis. Pa-baby na naman ang loka.


"Dito ka nalang muna. Wala akong makausap eh. Pwera nalang kung gusto mong kausapin ko ang pader." sabi ko sa kanya. 


"Nandyan naman si Vhian." sabi naman nya. Natigilan ako. "Oh? Bat wala kang masabi? Speechless?!" dagdag pa nya.


"Busy sya." walang gana kong sabi. I'm used to Vhian not having time for me.. but it doesn't mean I like it.


"As usual." sabi naman ni Zha. Napatungo nalang ako. Ang hirap pala talaga kung nawawalan ng time ang boyfriend mo sayo 'no? Parang feeling ko wala syang care sakin. Magsasalita na sana si Zha pero inunahan ko na sya. Baka kung anu ano pang masabi nya kay Vhian. As a girlfriend, ipagtatanggol ko sya.


"Pero I understand naman eh. Para rin naman sa kinabukasan namin ang ginagawa nya." sabi ko. 


"Naiintindihan daw. Eh bakit malungkot ka dyan?" tanong naman nya. 


"Syempre! Nakakamiss kaya sya. Puro text nalang kami ngayon. Daig pa ang long distance relationship." malungkot kong sabi.


"Tiis tiis rin. At isa lang yan sa nagpapatunay na kahit anu mang pagsubok, kayo't kayo parin sa huli." napangiti ako sa sinabi nya. Oo nga. Forever nga daw kami eh. At naniniwala ako dun. Paghahawakan ko yung prinomisen ya sakin.


"Hanga na ako sayo. Kay Vhian, mala anghel ang ugali mo. Sa ibang tao, sobrang taray mo. Lalo na kay Drew." pagchachange topic nya. Natawa naman ako.


"Mataray lang ako sa mga taong masama sakin. Alam mo yun." sabi ko sa kanya sabay tap sa balikat nya.


"Pano kung naging kaklase natin sya?" natigilan ako. Next week na nga pala ang pasukan namin. At oo, "natin". Administrator kasi ang mama nya sa school na pinapasukan namin. At lagi syang nagpaparequest na magkaklase kami.


"So? As if I care. Edi classmates. Pero wag mong asahang magiging kaibigan ko sya." mataray kong sabi. Hindi ko alam pero hindi ko talaga gusto ang ugali nung Drew na yun. Parang may something eh. 


"Eh si Jude?" natamihik ako saglit. Patay. Pano nga kung naging kaklase ko sya? Baka magalit sakin si Vhian.


"Eh.. pede bang iparequest mo sa mama mo na hindi natin makakaklase sya?" favor ko sa kanya.


"Hindi na pede eh. Atska, ang dami ko nang nirequest kay mama. Nakakahiya na." sabi nya. Napatungo nalang ako.


"Ayos lang yan! Kaklase lang naman. How hard could it be?" 


"Super hard." sabi ko sa kanya.


"Grabe! Parang sasali lang sa boxing! Kaklase lang yan. Walang masamang mangyayari. Promise." tumango tanga nalang ako. Sana nga.


**


Nandito ako sa park ng village namin. Umalis na kasi si Zha, baka daw sabunutan sya ng mama nya kung hindi pa umuwi.


Umupo lang ako bench at tumingin sa piligid. Ang ganda talaga sal ugar na 'to. Favorite place ko 'to eh. Dito lagi ako tumatambay. Sobrang peaceful kasi dito.


Biglang may nagtakip ng mga mata ko. Napangiti nalang ako. "Vhian!" masaya kong sabi. Nandito sya? Dinalaw nya ba ako? Ang sweet.


Lumingon na ako para iyapos sya pero bigla akong natigilan sa nakita ko.


"Jude?" hindi pala si Vhian. Hindi ko alam pero bigla akong nalungkot. I was expecting someone else.


"Bat parang gulat na gulat ka? Ngayon lang nakakita ng gwapo?" natatawa nya sabi at tumabi sakin. Bigla akong nailang. 


Xia, yung plano mo. Kelangan mo syang layuan. Pero pano? Eh sya ang kusang lumalapit.


"Sira ka talaga." sabi ko. Sobrang awkward para sakin 'to.


"Bakit ka nga pala nandito?" tanong nya. Bakit ba ang dami nyang tanong. Parang iniinterview lang ah.


"Kasi gusto ko mapag-isa pero sa tingin ko, hindi na matutuloy yun kasi biglang may umepal." natatawa kong sabi. Pertaining to him.


Napatingin naman sya sa paligid, "Ako ba tinutukoy mo?" sabi nya sabay turo sa sarili.


"Obvious ba?" sabi ko. Kumunot naman noo nya. "Ang sakit mo naman magsalita. Ikaw na nga sinasamahan eh. Baka kasi mapano ka ba dito." sabi nya. Wow, concern?


"Mapano?" tanong ko sa kanya. Ano naman kasi bang mangyayari sakin dito sa park? Eh tanghaling tapat lang naman.


"Marape." natatawa nyang sabi. Napalaki ang mata ko at namula ang pisngi ko. Napakabastos talaga ng lalakeng 'to!


"Ang sama mo talaga!" sabi ko tapos pinagpapalo ko sya.


"Joke lang. Hindi naman mabiro." sabi nya. Siniringan ko naman sya. Ang sama sama talaga nya!


"Kelan ka nga pala nakalakad?" sa galing magchange topic! 


"Wala kang pake!" tumayo na ako. Bago pa makisabay ang ulo ko sa init ng panahon. 


Pero bigla nyang hinila ang kamay ko kaya napaupo uli ako sa tabi nya. "Ang bilis mo talaga mainis." natatawa nyang sabi. Hindi ko nalang sya pinansin.


"Sorry nga pala at hindi ako bumalik ha? Natakot ako sa boyfriend mo eh." sabi nya sabay kamot ng ulo. Biglang umiba ang facial expression nya.


"Natakot? Ano tingin mo sa kanya, multo?!" natatawa kong sabi. 


"Hindi naman sa ganun. Pero.. ewan. Baka lang magkagulo." sabi nya.


"Baka magkagulo? Eh bakit ka pa nandito?"


"Ano?" tanong nya. Napailing naman ako. Leche ka Xia. Buti nalang hindi nya narinig.


"Ah.. wala! Sabi ko, ang ganda ko." sabi ko nalang sabay flip ng hair. Nag-act naman sya na parang nasusuka.


"Ang yabang mo talaga!" sabi ko sabay tulak sa kanya. Hinawakan nya ang kamay ko para hindi sya mahulog kaya nag-end up na nakayapos sya sakin. 


"So-sorry--" sabi nya pero bigla syang napahiga sa sahig. 


"Jude!!" 

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon