Chapter 40

798 23 30
                                    

Chapter 40


Xia's POV




Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig sa kinatatayuan ko at parang may nangangarerang kabayo ang puso ko sa bilis ng tibok nito.







Dahan dahan ko syang nilingon. "Se-seryoso san?" nauutal kong tanong.








"Dun sa sinabi kong pakakasalan." naka poker face nyang sabi.








Napalunok ako. "Ahh. Si-sino ba?" tanong ko. Pero bigla kong naisip, ano namang pake ko kung sino diba?








"Nevermind mo nalang--"








"Ikaw." seryoso nyang sabi. Nagsimula na namang bumilis ang heartbeat ko. Ano ba yan, feeling ko pinagpapawisan ako.








Magsasalita na dapat ako pero bigla syangngumiti ng nakakaloko. "Joke lang." natatawa nyang sabi.







Bigla namang nag-init ang ulo ko. Yung nakangiti kong mukha ay napalitan ng naiinis na aura.







Ang kapal ng mukha nya! Sabi ko nga wag maniwala diba?







"As if naman naniwala ako." sabi ko sa kanya at lumabas na ng kwarto.







Nagpunta ako sa ground floor kung san kami kakain ng breakfast at nangalumbaba.







Bakit ko bang ginagawang big deal yun? As if naman mangyayari talaga yun. At hindi ako papayag 'no!







Pero kasi.. once, nabiktima na ako nyan. Ay wait, hindi lang once kundi twice. Si Vhian at JC. Sabi nila, papakasalan daw nila ako. Ang kapal ng mukha nilang magbitaw ng mga ganung salita. Hindi naman sa umaasa ako kasi bata pa naman ako diba? Pero sana hindi nalang nila sinabi kung hindi naman nila paninindigan.







Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Ano ka ba Xia, kelan ka ba mapapagod umiyak? Hindi pa ba nauubos ang mga luha mo sa mata?







Pinunas ko agad ito dahil nakakahiya sa mga tao. Sabihin naman nila nababaliw na 'ko.







Biglang may dumating na waiter at nagpatong ng mga pagkain sa table ko. "Kuya, hindi po yan akin." sabi ko sa waiter. Wala pa naman kasi akong inoorder.







"Mam, sayo po talaga yan. May nagpapabigay po eh." nagkasalubong naman ang dalawa kong kilay.







"Sino po kuya?" tanong ko sa kanya. Ngumiti naman sya at may tinuro sa bandang kanan. At nakita ko syang nakapamulsa na papalapit sakin.







"Enjoy your breakfast, mam and sir." masiglang sabi nung waiter at umalis na. Yumuko nalang ako sa kinauupuan ko nang maramdaman kong may umupo sa harapan ko. Tumagal ng 5 minutes at wala paring nagsasalita.







"Bat hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo?" tanong nya.

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon