Chapter 6

2.1K 56 12
                                    

Chapter 6

Xia's POV

Nakakainis! Iwan ba naman ako ni Jude dito? Eh hindi pa ako nakakakain ah! Pano na ako ngayon? Napaka walanghiya talaga nya. 


"Ahhhh! Nakakainis ka Jude! P*kyu!" sigaw ko at binato ang unan sa tabi ko. I so hate him. 


Matapos ko syang lagyan ng yelo sa mukha iiwan iwan lang nya ako dito?!


Kinuha ko yung nahulog na unan sa sahig at niyapos ito. Matutulog nalang ako, ano pa bang gagawin ko dito diba?


Pumikit na ako nang biglang may narinig akong foot steps sa may hagdan namin. Bigla akong kinabahan. 


"Jude?" walang umiimik. Lord, sana po si Jude lang yun. Natatakot ako. Baka kung sino yung pumasok dito. Teka.. sinara ba ni Jude yung pinto ko?! Oh my gosh! Pano kung hindi nga sya 'to? Pano kung kidnapper pala 'to? Rapist? Hindi pa po ako handa mamatay. May mga pangarap pa po ako sa buhay. Gusto ko pa po magka-asawa at mga anak. 


Bigla bumukas ang pinto ng kwarto ko. "Lord tulong!!!" sigaw ko ng napaka lakas na halos mangiyak na. Pero bigla akong natahimik ng may biglang tumawa. Kidnapper na tumatawa? Rapist na tumatawa? Parang hindi bagay.


Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Jude sa may pinto ng kwarto ko, may bitbit na paper bag. 


"Kahit kelan ang OA mo 'no?" natatawa nyang sabi. "Leche ka Jude! Kinabahan ako dun! Akala ko mamamatay na ako, promise!" dere deretso kong sabi. Tinaas ko pa ang kanang kamay ko.


"Mamamatay? Hindi kita papatayin 'no! Kahit gusto ko--" pinutol ko ang sasabihin nya at binato sya ng unan. 


"Ah ganun?! Lumayas ka na nga! Aalis ka tapos babalik rin naman! Ano bang trip mo?!" naiirita kong sabi. Kung ganyan lang rin naman ang asal nya, mas mabuti pang wag na nya akong bantayan!


"Sige, sabi mo eh." tumalikod sya at binuksan ang pinto ng kwarto ko para umalis. "Talaga!" sabi ko sa kanya.


"Sayang naman 'tong dala dala kong pagkain." narinig kong sabi nya. Natigilan ako. "Wait!" sabi ko sa kanya.


Nilingunan nya ako tapos ngumiti ng nakakaloko. Inirapan ko lang sya. "Anong pagkain?" tanong ko sa kanya.


"Ah wala. Pinapaalis mo na ako eh." dami nyang drama ha. "Joke lang naman yun! Hindi na mabiro. Akin na yung pagkain!" malambing knog sabi. Ew.


Tumawa lang sya at binigay sakin yung pagkain. Wow, Mcdo. Automatic na napasmile ako. Gutom na gutom kasi talaga ako. Hindi pa ako nakakakain ng hapunan 'no.


Kumain lang kami dun habang nanunuod ng tv. Mabait naman pala talaga 'to. Well.. mas lamang nga lang ang sama. Pero may puso talaga sya. Isipin nyo, these past few days, kanyang sariling pera ang ginagamit nya para sa pagkain namin. To think na kakakilala lang namin nung isang araw.


Matapos namin kumain ay niligpit na nya yung pinagkainan at umalis na. Pero bago ako natulog, tinext ko muna si Vhian. Masunguring girlfriend ako eh.

**

"Ang tagal naman ni Jude. Gutom na ako!" sabi ko sa sarili ko. Kakagising ko lang at nakaramdam na agad ako ng gutom. Lecheng tyan 'to. 


Maya maya may nagbukas ng pinto ng kwarto ko at nakita ko si Jude na may dalang pancakes. "Finally!" pang-aasar ko. Inirapan lang nya ako. Aba, lecheng 'to. Natuto na ring umirap.

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon