Chapter 15

1.6K 46 32
                                    

Chapter 15

Xia's POV

Good morning. Second day na namin ngayon. Nakakatamad na agad. Gusto ko na ulit magbakasyon. 


Nandito ako ngayon sa main gate ng school namin, naglalakad mag-isa. Huhu. Ang dami kong nakikitang couples na magkasama. Tas yung boy ang tagabitbit ng libro nung girl. Hays.


Siguro nagtataka kayo kung bakit hindi ako hinahatid ni Vhian 'no? Actually ako ang nagsabi sa kanyang wag ako ihatid papuntang school. Araw araw nalang kasi kami nagkikita, baka bigla syang magsawa. At yun ang pinaka kinakatakutan ko. Ang babaw 'no? Pero ayoko talaga ng ganun. Nung una tinanung nya kung sure daw ba ako, sabi ko nalang ay oo. Pero hindi ko sinabi ang dahilan. Sinabi ko nalang na kaya ko na ang sarili ko.


Anyway, naglalakad lakad ako at nakita ko na namin si Jude kasama yung girlfriend nya. Err, agang aga naiiyamot ako! Ang sweet nya pa ah? Bitbit rin nya yung libro nung girl. 


Lumapit ako ng konti. Syempre hindi ako nagpapahalata. Nasa likod nila ako. 



Pero biglang tumigil yung girl. Kaya napatigil rin si Jude.


"Dito na ako." sabi nung girl sabay kiss sa cheeks ni Jude. Yuck.


"Sige. Ito mga libro mo oh." sabay abot ni Jude.

"Thanks, kuya!" sabi nu-- 


KUYA?!


Ngumiti lang si Jude at biglang lumingon sakin. Halatang nagulat sya pero nginitian lang nya ako. A fake one.


Tumakbo ako at dumeretso na sa room namin. Grabe!! Kapatid lang nya yung babaeng yun? Hindi ko alam kung maiinis ako dahil pinagmukha nya akong tanga or matutuwa dahil kapatid lang nya--


BAKIT NAMAN AKO MATUTUWA?! Erase erase. Xia ha!!


Umupo na ako sa upuan ko, hinihingal. Tumakbo ako eh.


"Oh Xia, bakit ka naman hinihingal dyan?" sabi ni Zha. Nauunahan na nya ako ngayon pumasok ha! Inspired siguro 'to. Hindi naman 'yan ganyan dati eh. Mas tamad pa nga sya sakin pumasok!!


"Malamang tumakbo." i said sarcasticlly.


Nagroll ng eyes nalang sya. Hah. Nagdaldalan kami ng konti nang biglang nagbell. Nagpunta na kami sa kanya kanyang mga upuan. 


First subject = MATH. The hell.


Nagpakilala muna yung teacher at nagsimula na magdiscuss. Hindi na nya kami pinag-introduce kasi hindi rin naman nya maaalala lahat ng names namin.


Paminsan minsan ay napapatingin ako sa left side ko. Hindi ko mapigilan eh! 


"Isang tingin mo pa dyan, hahalikan na kita." 


Bigla naman akong napatingin kay Jude.


"Ako ba?" nagtatakang tanong ko. Go Xia, kapalan mo yang face mo. Eh sino pa ba naman ang kakausapin nya diba?!


"Hahaha. Feeler mo naman!" natatawa nyang sabi. Okay, aaminin ko. Ang feeler ko nga. 


"Yabang! Eh sino ba talaga kausap mo?"


"Sa-sarili ko, bakit? At anu bang pake mo?" ang taray!!!


"Hahalikan mo sarili mo? Para kang baliw."


"evpsmoaiqsdvrbgfjz." ano daw?!


"Ano?!" minsan talaga nagdadalawang isip pa ako kung taga Pilipinas ba talaga 'to o taga ibang planeta!

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon