Chapter 41

805 23 25
                                    

Chapter 41

Xia's POV

"Kyla?!" gulat na gulat kong sabi sa babaeng nakita ko sa may hallway ng hotel. Napakurap ako ng dalwang beses tapos kinusutkusot pa ang mga mata. Hindi ako makapaniwala, sya ba talaga yan?

Napatingin naman sya sakin at nanlaki ang mata. "Omg! Xia? Ikaw ba yan?" 

Tumango naman ako. "Oo. Ako nga." tuwang tuwa kong sabi. Lumapit sya sakin at nakipagbesohan.

"It's been awhile since I last saw you." she said. At binigyan ako ng isang matamis na ngiti.

"Oo nga eh. Hanggang skype lang tayo." sabi ko. Nagtawanan naman kami.

Si Kyla ay isa sa mga kaibigan ko nung 1st year High School kaso nagmigrate sya sa Canada para mag aral. I'm so glad at nakita ko na ulit sya.

Ang laki nga ng pinagbago nya eh. Dati binubully sya ng mga classmates namin kaya sya nagmigrate. Ngayon naman, mapapa laglag panga ka nalang pag nakita sya. Ang ganda ng porma nya at ang puti puti nya.

Napatingin sya sa likod ko. "Xia, sya ba yung Vhian na sinasabi mo?" tanong ni Kyla.

Oh no. "Ha? Nako, hindi-"

"Kayo parin pala hanggang ngayon?" nanlaki ang mata nya samin.

"Kyla, nagkakamali ka. Hindi yan-"

"Hindi mo naman sinabi na gwapo pala sya." sabi nya na may mapang asar na boses. "Anyway, stay strong sa inyo! Imbitahan nyo ako sa kasal nyo someday ha." panunukso nya at siniko ako sa tagiliran.

Napa facepalm nalang ako. Patay ako nito. Napatingin naman sya sakin. "Is there something wrong? May mali ba akong sinabi?" pagtataka nito. 

Napahinga ako ng malalim. "Kyla, hindi kasi sya si Vhian." mahina kong sabi. Napahawak naman sya sa bibig nya dahil sa gulat. "We broke up. Wala na kami." dagdag ko pa.

"I'm sorry. Hindi ko alam. Akala ko kasi sya si-" pinutol ko na ang sasabihin nya. Baka kasi magalit si Jude nyan eh.

"It's okay." nakangiti kong sabi.

Ngumiti rin naman sya. "Pakilala mo naman ako sa gwapong nilalang na yan." sabi ni Kyla.

"Sure. Kyla, this is Jude. My.." napatingin ako kay Jude na naka poker face lang. Hala, anong sasabihin ko? Kung pinakilala ko syang boyfriend, baka masabihan lang ako ng malandi kasi kakabreak lang namin ni Vhian. Baka rin isipin nila na rebound lang sya.

Napakagat nalang ako ng labi. "My.. friend." nakita kong napatungo si Jude sa sinabi ko at tumingin sa ibang direksyon.

"Jude, this is Kyla-" napatigil ako sa pagsasalita dahil bigla nalang syang nagwalk out. Napalunok ako. Oh no, patay talaga ako nito. 

 "Oh? Bakit umalis sya? Ayaw nya ba akong makilala?" tanong ni Kyla na nakasimangot. 

Umiling ako. "Hi-hindi ah. Nagmamadali lang kasi kami. Uuwi na kasi kami sa Manila eh." sabi ko. Tumango naman sya. "Pano ba yan, una na kami ha? Skype nalang next time!" kumaway ako at hinabol si Jude. Hindi ko na hinintay na magbye si Kyla kasi alam kong mainit na naman ang ulo nung Jude na yun. Mahirap na, baka kung sinu sino ang suntukin non. 

Lumabas ako ng hotel at hinanap ko sya pero wala akong Jude na nakita. Mukhang iniwan na nya ako. Hindi ko naman sya masisisi eh, kasalanan ko 'to. Hindi ko sya pinakilalang boyfriend sa kaibigan ko. Tanga mo kasi Xia eh. Yung pride mo na naman ang inisip mo. 

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon