Chapter 33

1K 27 22
                                    

Chapter 33

Zha's POV

"Tulala ka dyan? Kain na." sabi ni Drew tapos sumubo ng pagkain nya.

"May iniisip lang kasi ako." sabi ko nalang.

"Let me guess.. ako na naman ba yan?" taas ng self confidence ha? Hinampas ko nalang sya sa braso. Pero mahina lang. Seryoso kasi ako, nagawa pang magloko.

"Sira. Si Xia ang iniisip ko." bigla naman syang sumimangot.

"Wag mong sabihing may gusto ka sa kanya?! Hindi pede yan, Zha. Pano nalang ako?" seriously? Eh sya nga 'tong nagkagusto kay Xia eh! Binatukan ko nga. Ang lakas talaga ng trip ng lalakeng 'to 'no?

"Hindi naman mabiro." sabi nya tapos sumubo uli. "Eh bakit mo ba sya iniisip?" yuck. Nagsasalita sya habang punong puno ang bibig nya. Medyo nagsisisi akong mahal ko 'tong lokong 'to. =____=

"Iniisip ko lang kalagayan nya. Problemado na naman kasi ang luka." pagkatapos kong sabihin yun, bigla namang hinawakan ni Drew ang kamay ko. "Bakit?" tanong ko. Tapos tinuro nya sina Vhian at Xia gamit ang nguso nya. Nasa isang table. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila ah.

"Bakit kaya sila nag-uusap?" pabulong kong sabi.

"Syempre sila eh. Alangan namang sila pero hindi nag-uusap. Long distance relationship lang?" binatukan ko nga uli.

"Aray. Nakakadalwa ka na Zha ha." hinimas himas nya yung batok nya. Nagawa pang magpout nung loko. Inirapan ko nalang sya, natahimik naman.

Habang kumakain kami, pinagmamasdan ko lang yung dalwa. Hanggang sa tumulo na ang luha ni Xia, agad agad akong tumayo pero pinigilan ako ni Drew. "Pabayaan mo muna sila." kaya umupo nalang uli ako.

Xia's POV

Ang tahimik naman. Eto na naman ang awkwardness na nafi-feel ko tuwing hindi kami nagkikita ng matagal. Xia, kelangan mo nang magsalita. Okay, breathe in. Breathe out.

"Kamusta na si Tito?" sabi ko. Napatingin naman sya sakin tapos ngumiti.

"Okay naman. Ganun parin." diretso ang tingin nya sakin. Nailang ako kaya tumingin ako sa iba at tumango.

End of conversation. Wala na, natahimik na naman. Ano bang nangyari? Sobrang iba na.

Kinain ko nalang yung pagkain sa harap ko. Libre nya eh, sayang naman. Lunch kasi ngayon. Instead na sila nina Zha ang kasama ko, sya lang ngayon. He insisted eh.

Kumain lang ako ng kumain dun. Sobrang gutom na kasi ako eh. Hindi kasi ako nag-almusal. Dahil.. wala lang. Nakakawalang gana.

Susubo na sana uli ako nang mapansin kong nakatitig sya sakin. Naka poker face pero biglang ngumiti. Huh?

Nilapit nya yung thumb nya sa gilid ng bibig ko at pinunas ang amos ko. "Parang kang bata kumain. Hindi ka parin nagbabago." I gave him a slight smile. May nagbago, Vhian. Tayo. Nag-iba na tayo. Hindi na gaya ng dati.

"Tulala ka?" natauhan naman ako. Umiling iling ako at nginitian muna sya. "Syempre naman. Bakit naman ako magbabago diba?" ngumiti sya.

"Wala naman. Para kasing.. ay, ano ba 'to. Wala." tapos uminom sya ng tubig. Nakatitig lang ako sa kanya. "Bakit hindi ka nagparamdam sakin these past few days?" nagulat sya sa sinabi ko. Nagulat rin ako. Ano ba Xia?! Lecheng dila 'to, basta nalang imiimik kung kelan nya gusto umimik. Minsan tatapalan ko na nga ng tape ang bibig ko.

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon