Chapter 35

945 23 18
                                    

Chapter 35

Chelsea's POV

"Yung totoo Chelsea? Sagutin mo na yang tawag! Naririndi na ako ha." naiinis na sabi ni Chloe. Ang arte nito ha! Inirapan ko nalang sya.

"Sagutin mo na!" dagdag pa nya. Napabuntong hininga nalang ako. 

"Okay, okay!" kinuha ko na yung cellphone kong kanina pang nagriring.

"Oh?" balewala kong sabi. Nakita kong napailing si Chloe sa inasal ko.

"Chelsea? Pwede ba tayong mag-usap?" mahina nyang sabi.

"Nag uusap na tayo." deretso kong sabi. Daig ko pa ang yelo sa sobrang pagkacold ko. Hindi mo ako masisisi Jude, ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. 

"Chelsea naman. Please? Awa mo na." nagmamakaawa na sya. Chelsea, ano? Papayag ka ba? 

Napabuntong hininga nalang ako, "Fine. San at kelan?" biglang tumahimik ang kabilang linya. 

"Sa cafe malapit sa village natin. Mamayang 9:30." napatingin ako sa relo ko, 9:15 na ah? 

"Are you kidding me? 15 minutes lang pagpreprepare ko?" hindi naman sya nagmamadali? Babae ako, matagal akong maligo at magbihis!

"I don't care kung anu man itsura mo basta susulpot ka. I'll wait for you." natawa naman ako. Pero mahina lang. Sya? Hihintayin ako?

"Oh talaga? Sa ating dalwa, ako lagi ang naghihintay." narinig kong tumawa si Chloe sa tabi. 

"Ha? Ano yun?" aniya na halatang naguluhan sa sinabi ko. Napairap nalang ako kahit hindi nya kita.

"Wala. Geh." balewala kong sabi.  

"Sige bye-" inend ko na agad yung tawag. Bastos na kung bastos. Kinuha ko na yung towel kong nakasabit sa tabi.

"Oh? Pasan ka? Ano sinabi sayo?" napatigil ako. Napakachismosa talaga netong kakambal ko. 

"Magkikita kami ngayon. May pag uusapan daw." sabi ko nalang at binuksan na yung banyo sa kwarto namin.

"Talaga? Eto na yun, Chelsea! Eto na yun!" masaya nyang sabi. May pagtalon pa sa kama.

"Anong eto na yun?!" ano bang pinagsasasabi netong babaeng 'to?

"Aamin na ata sya sayo. Narealize na yata nyang ikaw talaga ang mahal nya!" nanlaki ang mata ko. Lord, kapatid ko ba talaga 'to? 

"Malabo." tipid kong sabi. Kumunot naman noo nya.

"Eh sira ka pala eh! Bat ka makikipagkita? Para masaktan? Martyr mo." sabi nya at may paghagis pa ng unan sakin. Natigilan naman ako sa sinabi nya. Bakit nga ba ako pumayag?

Kumibit balikat ako. "Alam mo yung feeling na gusto kong malaman, pero natatakot rin at the same time?" biglang syang tumahimik at tumawa nalang bigla.

"Ganyan ba pag inlove? Dumadami ang alam?" pagbibiro nya.

Kinuha ko yung unan sa sahig na nalaglag dahil sa pagtalon nya kanina at binato sa kanya.

"Aray naman! Sadista nito. Sha, ligo na!" napatingin ulit ako sa relo. 9:20 na! 

"Walanghiya ka Chloe! Malalate ako! Dyan ka na nga." sabi ko sabay sara ng pinto ng banyo. Hindi ko na hinintay ang sagot nya kasi nagmamadali ako. Pero habang naliligo, naisip ko, bat ba ako nagmamadali? Baka sabihin pa nun excited akong makita sya. 

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon