Chapter 11

1.8K 52 27
                                    

Chapter 11

Jude's POV

Kinausap ako ni Vhian. Sinabi nya sakin na bantayan ko si Xia ng isang araw kasi daw, ako naman ang may kasalanan ng lahat. Psh.

At pagkatapos nun, layuan ko na daw si Xia kung ayaw ko ng gulo. Ginagago nya ba ako? Pababantayin ako tapos after nun, iiwasan nalang bigla bigla? Ayaw ng gulo? Eh sya nga ang magulo!

Kaya ko kaya yun? I mean, hindi ko naman talaga as in maiiwasan sya kase magkapitbahay kami. At kung mahal at may tiwala talaga sya kay Xia, dapat hindi sya nag-iisip ng kung anu-ano tungkol samin diba? Dapat hindi sya nagdududa.

Pero bakit ganito? Nasasaktan ako para kay Xia dahil alam kong alam nyang parang walang trust si Vhian sa kanya.

Hindi ko alam pero ang gaan gaan ng loob ko kay Xia. Yung kahit lagi kaming nagbabarahan at nag-aaway, ayos lang sakin. Natutuwa ako kesa sa mainis. Gusto ko lagi kaming nagkikita. Ayaw kong nawawala sya sa paningin ko.

Pero at the same time, parang ayoko. Kasi baka mafall ako sa kanya. Yun ang pinaka kinakatakutan ko.. ang mahulog sa kanya kasi alam kong wala syang balak saluhin ako.

Wala akong pag asa. May boyfriend na sya. Ayoko nang umepal pa.

Sana.. sana mali 'tong nararamdaman ko. Sana na misinterpret ko lang ang mga feelings ko kase alam kong pag nafall ako, magkakagulo.

Xia's POV

Nandito ako ngayon sa kama ko, nakahiga. Walang balak bumangon. Ang hina hina ko kasi tapos masakit ang ulo ko. Ano na bang nangyare kay Vhian at Jude?!

Matutulog na sana uli ako nang tinawagan ako ni Jude. Bumaba na daw ako. Inexplain nya sakin na aalagan nya ako ngayong araw na 'to dahil yun ang utos ni Vhian. Sinunod ko naman sya. Bumaba ako at may nakita ako na agad ko namang ikinagulat.

Nakita ko si Jude, nakatayo sa may sala, nakatingin sakin. May hawak na bulaklak.

"Ano yan?" ewan ko. Naguguluhan ako. Para san ba 'to?

"Bulaklak. Hindi mo alam? Gusto mo bigyan kita ng dictionary dyan? Baka gusto mo ring ispell ko para sayo? B.. U.." sabi nya ng medyo natatawa. Ang gwapo na nya sana eh. Kaso may sugat sa labi dahil sa pagkasuntok ni Vhian. I feel sorry for him..

"Ano ka ba." sabi ko ng naiinis pero nakitawa narin.

"Oh." tas ibinigay nya ang bulaklak sakin.

"Sa-salamat." I gave him my sweetest smile.

"Nakakain ka na ba?" tanong nya.

"Hindi pa--"

"--May niluto akong pancakes dito. Kain tayo?" sabi nya at pinakita nya ang pancakes na hawak nya. Hindi ko yun napansin kanina ah?

"Marunong ka magluto?" pagtataka ko.

"Hindi eh. Try ko lang yan." napakamot sya ng ulo.

"Hay nako. Tara na nga kumain!" pag-aaya ko. Effort padin 'to kahit papano 'no.

Kumain lang kami dun. Walang umiimik. Ewan ko ba, parang ang awkward. Wait, let me scratch that.. awkward talaga. Kasama ko ba naman ang lalakeng pinagseselosan ng boyfriend ko.

Ibinaba ko ang tinidor ko matapos kumain at tiningnan sya. Nginitian naman nya ako pero nung napansin nyang wala akong balak ngumiti pabalik ay napasimangot sya bigla.

"Jude.. para san 'to? Bakit mo 'to ginagawa?" I broke the silence. Mali kasi 'to eh. Kahit saang anggulo mo tingnan, mali.

Natigilan sya at tumingin sakin.

"Sinusulit ko na ang pagsasama natin, baka kasi hindi na 'to mangyare ulit." sabi nya tapos ngumiti sya. A fake one.. I know.

"Ha? Anong sabi mo?" kunot noo kong tanong.

"Wala. Sabi ko, ang pangit mo." natatawa nyang sagot.

"Kasura ka!" sabay pout ko.

"Wag ka ngang magpout. Hindi bagay sayo. Para kang duck." 

Number one bully... Jude Suarez.

Natapos na kaming kumain at nagyaya syang manuod ng movie sa sala. May dala syang mga dvd. Bakit ganun? Handang handa sya. Para bang planado na ang lahat.

Nanuod lang kami dun. Unang movie na pinanuod namin ay One More Chance. My all time favorite.

Umiiyak ako habang nanunuod and guess what? Tinatawanan lang nya ako. Pero ibinigay naman nya ang panyo nya sakin. May busilak na puso din naman pala 'to kahit papano.

Sunod na pinanuod ay A Walk To Remember tapos A Crazy Little Thing Called Love, My Cactus Heart at kung anu-ano pa. Obviously, lahat ay romance. Ewan ko ba sa lalakeng 'to! Inlove ata 'to eh.

Hanggang sa nag gabi na. Sabi nya aalis daw muna sya at may kukunin sa bahay nya. Umoo nalang ako. Pagbalik nya, may hawak syang gitara. Lumuhod sya sa harapan ko.

"Anong gagawin mo?" nahihiya kong tanong. Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso. Ako pa talaga ang nahiya, sa totoo lang.

"Baka sasayaw. Gusto mo sabayin ako?" he said sarcasticlly.

"Psh." yun nalang sinabi ko at pinandilatan sya.

"Joke lang. Kakanta ako. Okay lang ba?" sabi nya.

"Anong--"

"--it's her hair and her eyes today, that just simply takes me away. And the feeling that I'm falling further inlove, makes me shiver, but in a good way."  

Nagsimula na syang kumanta. Lokong 'to. Hindi muna pinatapos ang sasabihin ko.

"All the times I have sat and stared, as she thoughtfully thumbs through her hair, and she purses her lips, bats her eyes as she plays with me sitting there slack-jawed and nothing to say."

Bakit nya ginagawa 'to? Alam naman nyang boyfriend ko si Vhian, right? Hindi ba sya natatakot na baka malaman ni Vhian 'to?

"Cause I love her with all that I am, and my voice shakes along with my hands. Cause it's frightening to see swimming in a strange sea but I'd rather be here than on land. Yes she's all that I see and she's all that I need and I'm out of my league once again."

Natapos na sya. Out Of My League by Stephen Speaks.. isa sa mga paborito kong kanta.

Tumabi sya sakin.

"Xia, hindi ko alam kung anong nararamdaman kong ito pero sana mawala na 'to agad. Kasi kahit aminin ko sayo ang mga feelings ko.. alam kong walang mangyayari. Ayaw ko ng gulo. Ayaw ko ng away. Kaya eto ako, sinusulit ang araw na kasama ka." nakikita kong sincere ang mga mata nya. Seryoso sya.. ngayon ko lang sya nakitang nagseryoso.

"Kasi Xia, hindi na ako magpaparamdam sayo. Iiwasan na kita."

Napatingin naman agad ako sa kanya sa gulat.

"Ha?" naguguluhan ako. Bakit? Para saan?

Tumayo na sya, kinuha ang gitara nya at binuksan ang pinto.

"Wait, Jude! Bakit?"

Humarap lang sya sakin at ngumiti. Sinarhan na nya ang pinto at tuluyan nang umalis.

Natulala ako dun. Emotionless. I don't understand.. 

Bakit? 

Dahil ba 'to sa nangyare kahapon?

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon