Chapter 20

1.4K 36 28
                                    

Chapter 20



Xia's POV





Paikot ikot lang ako dito sa sala namin, hindi mapakali. 8:30 palang, may 30 minutes pa ako para maghanda. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, sa totoo lang. Feeling ko lang na may masamang mangyayari. Ang cold na naman kasi ng boses nya eh. 








9:00 na. Ang bilis bilis ng oras. Nag-ayos ako ng sarili ko at nagbuntong hininga muna bago lumabas ng bahay.








Dumeretso ako sa park at may nakita akong lalakeng nakaupo sa gitna nung park, nakatalikod sya. Ang lapad ng balikat, ang ganda ng buhok. Tinititigan ko lang sya dun nang mapatingin din sya sakin.








"Xia." si Vhian pala! So dali dali akong lumapit sa kanya at tumabi sa unuupuan nya.








Awkward silence kami ng ilang minuto. Parehas nakatingin sa malayo nang bigla syang umimik.








"Nagpapaligaw ka ba kay Drew?" pagsisimula nya.








"What?!" syempre, nagulat ako!








"Oo lang o hindi." kalmado nyang sabi. Nakatingin parin sya sa malayo samantalang ako, panay ang tingin sa kanya. 








"Hell no! We're just friends! Sino bang may sabi sayo ha?" kanino naman nya nasagap yan? 








"Hindi mo na kelangan malaman. Tapos ano 'tong nalalaman kong sobrang close na kayo ni Jude? At ang daming nagsasabing tino-tohanan nyo daw ang sayaw! Na parang kayo talaga. Wth Xia?!"








Hindi ako nakapagsalita kasi pinangunahan na nya ako.








"Xia naman! Minsan na nga lang tayo magkita." eto na naman!








"Kaibigan ko lang naman sya! Sila! Bakit ba hindi mo maintindihan at hindi mo maisip na hindi naman kita ipagpapalit! Never Vhian!"








"Yun na nga ang kinakatakutan ko eh. Kasi dun rin tayo nagsimula diba? Sa pagiging magkaibigan?!"








"Pero ikaw ang mahal ko!"








"PROVE IT!" nagulat ako sa sinabi nya.








"Ga-ganun na ba talaga ang tingin mo sakin Vhian? Sa tingin mo, bakit kita sinagot at bakit tayo tatagal kung hindi naman kita mahal?" hindi sya sumagot.








"Vhian, all these time, kaya ka cold sakin ay dahil lang sa kanila?"








"Kasi nga nagseselos ako! Bakit ba hindi mo maintindihan? Minsan na nga lang tayo magkita. Kahit mas nakikita ko kayong magkasama ni Jude, wala lang yun sakin. Pinipilit kong wag magalit kasi mahal kita at ayoko na ng gulo. Pero nung nalaman ko pang nagpapaligaw ka kay Drew, hindi ko na napigilan."








"HINDI NGA AKO NAGPAPALIGAW OK? HINDI! KAIBIGAN KO LANG SYA." I started crying.








"PERO SANA NAMAN MAISIP MO NA NASASAKTAN AKO DIBA?" napatingin ako sa kanya. Umiling lang sya tapos umalis. He walked out infront of me. Eto na naman. Bakit ba malimit na kaming mag-away?








Nandito lang ako sa gitna ng park, umiiyak. Ang dami ng nagtitinginan na tao, I don't care. Patuloy lang ako sa pag-iyak. Ang dami ko nang problema.. ang sakit. At ang mas masakit pa dun, wala man lang nandito para sakin. Para damayan ako.








Tumayo na ako para umuwi. Tatakbo ako habang nakataklob ang mukha ko ng kamay ko kaya hindi ko makita ang daan. Biglang may nabangga ako at niyapos ako bigla.








Tinitigan ko sya. Nung una hindi ko masyado makita dahil lumabo ang tingin ko dahil sa pag-iyak. Pero unti unti nakikita ko sya.. at yun ay walang iba kundi si Jude.








"Xia bakit ka umiiyak?! Ayos ka lang?" nag-aalala nyang sabi.








Gustong gusto kong magkwento sa kanya. Gustong gusto kong umiyak sa harap nya para sabihin ang nararamdaman ko.. kung gaano kasakit.








Pero bigla kong naalala na kaya nagalit si Vhian ay dahil nagseselos sya kay Jude. Sa kanila ni Drew.








Kaya pinunasan ko na ang mga luha ko at ngumiti sa kanya at tumakbo.








Narinig kong tinatawag nya ako pero hindi ko sya pinansin. Dumeretso na ako sa bahay ko. Nilock ko ang pinto at hinarangan ng ilang mga gamit para hindi mabuksan ni Jude kasi may spear key sya ng bahay ko. Baka buksan nya.








Umakyat na ako sa kwarto ko at nagkulong. Doon, umiyak lang ako ng umiyak.

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon